Chapter 5

22 5 0
                                    

Hinatid ako ng boss ko sa aking apartment. Simula kanina hindi ako nagsasalita at ganun na rin siya.

Pagkatapos niya akong yakapin kanina, giniya niya ako papasok sa kotse. Kita ko ang namumulang mata niya kanina. Halata na umiiyak.

Pagkapasok ko sa apartment sinara ko agad ang pinto at ni-lock yun. Hindi na ako nag-aabalang magbihis pa tinanggal ko lang ang butunes sa damit ko. Humiga ako sa kama at nagtaklubong ng kumot.

Nanatili sa isip ko kung bakit umiyak Ang boss ko. Gusto ko sanang magtanong sa kanya kanina ngunit natatakot ako baka sigawan niya ako o saktan.

Nitong nakaraang araw sobrang rupok ko na. Mabilis na akong umiyak o nasasaktan kapag sinigawan ako. Ilang beses ko na ring napakita ang kahinaan ko sa ibang tao.

Nakatulog ako sa gitna ng aking pag-iisip. Nagising lang ako ng may nararamdamang nakatitig sa akin. Binaliwala ko na lang iyun dahil baka guni-guni ko lang yun. Nanatili parin akong nakapikit.

Ilang minuto lang may humaplos sa pisnge ko kaya napabalikwas ako ng bangon.

Naka-hinga naman ako ng maluwag ng makita ang boss ko. Akala ko may ibang taong nakapasok sa apartment ko.

"W-what are you doing here?" Tanong ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin na parang gulat rin.

"I'm....I.........I'm sorry, I disturb your sleep." Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Nilibot ko ang paningin sa kwarto ko. Ngayon ko lang napansin na ang lampshade lang ang tanging ilaw sa kwarto.

"Paano ka nakapasok?"

"I enter the door." Sinamaan ko siya ng tingin kaya pilit siyang ngumiti. "Ahm......can you....f-fix your clothes?" Nag-iwas siya ng tingin ulit at lumabas sa kwarto ko. Napatingin naman ako sa aking damit. Nang laki ang mata ko dahil halos lumuwa ang dib-dib ko sa aking bra. Tinanggal ko pala kanina ang butunes sa damit ko.

Mabilis akong tumayo at nagpuntang CR. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko lumabas ako ng kwarto at bumaba.

Hindi ko nakita ang boss ko sa sofa kaya dumeritso ako sa kusina. Nadatnan ko siyang may niluto.

"Paano ka pala naka-pasok dito? I mean ni-lock ko ang pinto at nasa akin naman ang mga susi." Lumingon siya sa akin habang tinitikman ang luto niya.

Napalunok ako dahil mas lalo ata siyang gumwapo. Tumikhim ako at nagpunta sa lamesa. Mukhang kanina pa pala siya dito dahil madami na siyang naluto.

"I have my ways and your door is easy to open. I will by you a new lock so no one can enter this apartment except the both of us." Binaling niya ang paningin sa niluto niya.

Ilang minuto lang hinain na niya Ito sa lamesa. Kumalam naman ang sikmura ko dahil menudo pala ang niluto niya. Napatingin ako sa kanya na naka-tingin rin pala sa akin.

"M-marunong ka palang magluto ng ganito?"

"Yeah, I can cook everything. You suggest any dish and I will cook it for you." Ngumiti siya sa akin at namangha ako sa lalim ng biloy niya.

"S-salamat." Umupo na siya sa tapat ko at sinimulang lagyan ng pagkain ang plato ko. Noong magsimula siyang mag dinner nitong nakaraang araw dito sa apartment ko lage siyang ganito kaya pinigilan ko siya dahil kaya ko naman. Ngayon lang talaga na hindi ko siya napigilan dahil walang namuntawing salita sa bibig ko.

"Eat." Tumango ako at nagsimulang kumain. Hindi ko pinahalata na nasarapan ako sa luto niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at kumunot ang noo ko dahil nakangiti siya sa akin.

My Husband wants a DivorceWhere stories live. Discover now