Chapter 13

5 0 0
                                    

I wrote my last answer for my homework when someone sat in front of me.

"You cried." Kuya pointed out. Tipid akong ngumiti at umiling bago isara ang notebook.

"Anime may kasalanan."

"Anime o you miss him?" tawa niya na parang hindi rin siya naaapektuhan gaya ko. Prente siyang naka sandal sa sofa.

"Of course, I miss him!" amin ko agad. "Eh, ikaw ba? Miss mo?" asar ko.

He smirked. "Mismo."

Sabay kaming natawa ro'n. It's been weeks since Jarvis and his family left. Hindi ko pa rin siya ma-contact, pero araw-araw pa rin akong nagbabaka sakali.

"Aamin ka rin naman pala, sana noon pa no'ng nandito siya. Kaso sinigawan mo na nga, sinaktan mo pa." he pouted.

"I didn't know that Hayden has PTSD..." pag tanggol niya sa sarili.

Noong makauwi kami galing airport, gulong gulo si Kuya bakit kailangan umalis ng mga Silvestre kaya napag pasyahan ko ng sabihin sa kaniya ang tungkol sa disorder ni Jarvis at na walang kasalanan si Ate Ophelia sa pagkalunod ko.

"He looks okay, hindi ko man lang nahalata."

"Wala namang umaamin na hindi sila okay," malumanay na sabi ko. "Ikaw, Kuya? If I ask you if you're okay, ano isasagot mo?" I curiously asked, hoping that at least he would tell me something.

Hanggang ngayon kasi ay may alitan pa rin sila ng mga magulang namin. He always acts like he's okay too when definitely he's not.

"I'm okay," tatango-tangong aniya.Tinaasan ko siya ng kilay, hindi na naniniwala. He sighed. "Pagod lang siguro, pero kaya pa naman." he chuckled.

"Uso naman kasi magpahinga minsan, ewan ko lang sa'yo masyado kang outdated." inirapan niya lang ako at tumawa.

See? He's always laughing! Tatawa na lang siya palagi na para bang 'yon na lang dapat gawin kapag may problema siya.

"Ano ba 'yan? Math? Tapos ka na?" Turo niya sa notebook ko.

"Nope! Science, mamaya pa lang 'yong Math. Sinilip ko pa lang kasi nahihilo na ako, e." I giggled.

Maraming nagsasabi na matalino ako pero lagi ko namang tinatanggi kasi hindi naman talaga. I am not gifted pagdating sa talino, kaya dinadaan ko sa sipag. If I need to do advance reading, ginagawa ko. Kapag may quiz kinabukasan, mag qquiz na ako mag-isa rito sa bahay as practice at kung kailangan kong isakripisyo ang tulog ko, ginagawa ko rin dahil takot akong bumaksak.

Takot akong ma-disappoint ang parents ko. Masyadong mataas ang expectations nila sa aming magkapatid, hindi kami pwedeng magakaroon ng bagsak dahil paparusahan kami. Noon, Kuya was the top 1 then became the top 2 for second quarter. Nagalit si Mommy at Daddy at kinulong siya sa kwarto.

Pero sa sumunod na buwan, may exam sila pero mas pinili niyang panoorin ang pageant ko noong elementary, partner ko si Jarvis noon.  Hindi siya pumasok at gumawa pa talaga ng malaking banner para suportahan ako.

Ang resulta? Lalo siyang bumaba. Tandang tanda ko pa kung ano ang sinabi niya sa akin noon habang nakakulong siya sa kwarto at nasa labas ako ng pinto, umiiyak.

"I am willing to fail just to see you walk confidently on the stage. Ang grades, mababawi ko naman 'yon!" he laughed. "Mas mahalaga ka sa lahat, tandaan mo 'yan..."

"Hmm. You want help?"

"Hindi na," I shook my head. "Matulog ka na lang, kung ako sa'yo." sinimulan kong hanapin ang notebook ko sa math para masimulan na.

Mujer DesinteresadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon