He bought things that we'll need for our picnic date later. Hinayaan niyang ako ang kumuha samantalang siya lang ang taga sabi ng mga bibilin sa notes niya habang tinutulak ang cart.
Umalis siya saglit at nilagay muna sa sasakyan ang mga iyon, nagpaiwan ako sa isang bookstore para tumingin ng manga.
Napaka tagal na noong huli kong basa ng ganoon dahil syempre, trabaho at responsibilities. Hindi ko na maisingit ang mga gano'ng bagay.
That's why while we're still young, we should enjoy things we love to do because, once we enter adulthood, you will surely enter a very different world.
Noong bata ako, I was always looking forward to be a grown up lady. I thought it would be easy, kaso hindi pala.
Habang tumatanda ka, hindi lang mga responsibilidad ang kahaharapin mo. Kung hindi lahat ng katotohanang hindi mo pa naiintindihan noong bata ka.
Saglit akong yumuko upang kunin ang mga napili at lumakad sana patungong counter nang may marinig na boses sa kabilang estante.
"Angel... I miss you," he said sweetly. Namilog ang aking mata at nanigas sa kinatatayuan. Narinig ko ang kaniyang paghalakhak, in curiosity hindi ko napigilang limingon sa pag-aakalang ako ang kausap niya.
I saw Hayden Jarvis Silvestre on his phone while looking for mangas as well! Galing din ako roon kanina! He's just wearing his leather jacket and his earings are too hard not to notice.
"Of course... Pupunta akong Mercedes mamaya to see you, lady." he grinned widely, seems like he's really inlove with that person.
But wait! Did he say, Mercedes? That's where I used to live! Ibig sabihin ay malapit lang sa mansyon namin ang babaeng kinikita niya ngayon?
"What do you want? Strawberries and Carbonara, as usual? Aight, bibili ako. How about your parents?"
Everything feels nostalgic, parang dati ay ako ang nasa posisyon ng babaeng kausap niya.
"I love you too, Angel..."
Humigpit ang hawak ko sa mangang nasa kamay. I clenched my teeth and sighed before I decided to turn my back. I shouldn't care anymore. He betrayed me and made me wait for 8 long years, it's his loss not mine.
Sana ay maging masaya sila dahil ako... Masaya na rin ang puso ko dahil paunti-unti, natutunan ko nang mahalin naman ang sarili at dahil iyon kay Sky.
He made me realize that I should put myself as my priority, that being kind to yourself isn't selfish because that's how it should be.
I quickly paid my mangas and look for my boyfriend. I smiled when I saw him in a women's boutique, looking for some clothes.
"For your sister, Sir? May new collection po kami baka magustuhan niyo, tutulungan ko po kayong mamili..." the saleswoman said in a very polite yet flirty tone. Panay pa ang sukbit ng buhok sa tenga. Nawala agad ang aking ngiti at tumaas ang isang kilay.
"No, thanks you. I can manage." he said coldy and continued scanning some classic yet a bit revealing dresses. He really knows my style.
"But your sister–"
"Wife." putol niya sa babae nang hindi ito tinitingnan.
Tss, Sky has no sibling. Bakit ba pinipilit niya? Is that a new way to know if someone is single? Wow ha. Aagawan pa ako.
"Love?" kunwaring gulat na sabi ko nang hindi na makatiis. I walked elegantly towards him and held his arm. Mukhang nagulat siya sa presensya ko ngunit ang kaninang malamig niyang tingin ay napalitan ng galak. He kissed my temple.
BINABASA MO ANG
Mujer Desinteresada
RomantizmMujer Series 1 She does everything to please everybody to make them stay because she's so tired... Tired of being left alone, that resulted her for being too selfless, to the point that she already forgot about herself and completely disregard the a...