Chapter 7

6 0 0
                                    

Tulala akong nagla-lakad palabas ng Mirala University. Panay ang aking buntong hininga at iling sa sarili.

Tama bang pumayag ako? Paano kung mapa'no siya ro'n?

Tsk. Bahala na talaga, he told me to trust him so I should stop worrying now. Tama. Gano'n na nga.

Nakita ko naman agad ang aking sundo. Sumakay ako sa backseat, hindi na nagtaka kung bakit wala si Kuya. Friday ngayon at may foreign language class pa sila. Spanish Class ang kinuha no'ng tatlong magkaka-klase dahil hindi pa naman sila gano'n ka fluent doon, lalo na ang kapatid ko. Si Kuya Aden naman ay wala na dahil college na siya.

Ako? Nihongo ang pinili ko. Wala lang, para kapag nanood ako ng anime ay hindi ko na kailangan pa ng subtitles. At para rin magamit ko 'pag puntang Japan, wala ng subtitles kapag naro'n ka na 'no!

"Kuya Mac, uuwi raw po ba ang Mommy't Daddy?" maya mayang tanong ko sa aming driver.

"Naku, hindi ko po alam, ma'am. Wala pa po kaming tawag na natatanggap sa mansyon."

I sighed. "Ah, sige po."

Kinuha ng isang kasambahay ang gamit ko nang makauwi, tumango ako at nagpasalamat bago tumungo sa kusina para uminom ng tubig.

"Oh. Kuya? Bakit nandito ka na? Naunahan mo pa ako!"

Gulat ko siyang pinanood na naghihiwa ng sibuyas. Naka apron siya at mukhang kasisimula lang.

"Tissue muna nga, princess. Nai-iyak ako." Tumawa siya bago inayos ang ibang ingredients sa countertop nang papikit-pikit. Ngumiwi ako at hinanap ang tissue. Nang makita ay iniabot ko sa kaniya.

"Oh,"

"Gracias," wika niya't nag-punas. "Wala kaming afternoon class. Nandiyan 'yong dalawa sa sala, nag-aaral."

Tumango-tango ako at pinasadahan ng tingin ang ingredients sa countertop. "You're cooking pasta? Pesto?" umiling siya.

"Nope. Chorizo tomato, request no'ng mga patay-gutom."  aniya't nagsimula ng mag saute. I laughed. 

"Ang sama mo! Aakyat na'ko, luto well!" Tumango siya at binilin na bumaba raw ako mamaya kapag tapos na siya.

Nang makarating sa sala, nakita ko si Kuya Sky at Kuya Blake  na sersyosong kaharap ang kanilang mga laptop. Bigla ko tuloy naalala 'yong painting nang muling pasadahan ng tingin si Kuya Sky sa sofa.

Mamaya ko na lang siguro siya kakausapin tungkol sa painting? Tumango ako sa sarili bago tahimik na umakyat sa hagdan upang hindi ko sila maistorbo.

Nagbihis ako sa isang gray oversized shirt na may maliliit na strawberries na design at maong bermuda shorts. I made my hair into a bun before going downstairs. I'll help Kuya cook na lang.

"Langit 'wag kang kokopya ah? Kung hindi, mapapaaga punta mo sa impyerno!" bungad na boses ni Kuya Blake. Nakatayo siya at pilit inilalayo ang laptop niya kay Kuya Sky na mukhang wala namang interes doon.

"Among us two, you are the dumb one. Dream on."

"Hoy! I have a long-term memory kaysa sa 'yo, ulyanin!"

I stopped walking, nanlaki ang mata ko nang itaas ni Kuya Sky ang gitnang daliri nang hindi man lang inaalis ang tingin sa laptop. Grabe, he's really rude!

"Just go help Ace, ingay mo."

Ngunit bago pa man umalis ay itinago muna ni Kuya Blake ang laptop sa ilalim ng maliit na table ro'n para makasiguradong hindi maaabot saka tawang tawang tumakbo sa kusina.

Mujer DesinteresadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon