Chapter 20

4 0 0
                                    


Hindi ako mapakali kinabukasan. Akma kong bubuksan ang pinto tapos aatras. Paulit-ulit.

Abot ang paypay ko sa sarili habang ginagawa iyon. Malamig naman, sadyang kabado lang ako. Una, dahil sinagot ko na siya!

Kasi naman, masyado akong nadala sa kaalamang siya ang nagligtas sa akin at utang ko sa kaniya ang buhay ko! Pangalawa, kung siya ang nagligtas sa'kin ibig sabihin ay...

Siya ang first kiss ko!

Mas nataranta ako kung paano na siya ngayon haharapin. Should I act sweet? Or just normal? Ay, ewan! Basta ang alam ko, we need this relationship to work gaya ng sabi niya.

Bumaba ako, mabagal at palinga-linga kung nasaan ang langit na 'yon. I giggled in my head. Langit... I can treat him as my age level now! So funny. But I guess he'll be pissed if he hears me calling him that.

"Nasa kusina po ang señorito, ma'am..." imporma ng kasambahay na nakasalubong kong hawak ang isang malaking lobster, papunta rin yata siya sa kusina kaya sumunod na rin ako. I offered to help her carry the lobster but she said she can manage.

"Ano pong name niyo?" I asked while following her. Wala lang, mas gusto kong kilala ko sila kahit sa pangalan. I prefer to call their lovely names. 

"Cielo po, ma'am! Kayo po ang fiancé ng señorito, hindi ba?" ani niya saka pinatong sa  ilan pang lobsters na nandoon. Nanlaki ang mata ko. Ang dami!

"A-Ah...oo." sabi ko na lang imbes na boyfriend dahil hindi naman nila alam ang kasunduan namin kagabi.

Everybody knows that he's technically my fiancé pero gaya ng kagustuhan niya ay mas maganda kung habang nasa loob kami ng arrangement na ito ay magsisimula kami sa umpisa para kilalanin ang isa't isa, in short, mag-nobyo at mag-nobya.

Saka hindi naman na nila kailangang malaman dahil baka makarating pa sa mga magulang namin at kwestyunin kami kung bakit namin naisipan iyon. Baka sabihin pa nila na magpapatagal lang iyon sa kasal kung pwede namang deretso na agad sa kasalan.

Luminga ako nang marinig ang boses ni Sky sa labas na parang nag-uutos.

"Nasa labas pala siya?"

"Ah, tapos na po siguro siyang magluto ng breakfast niyo. Kanina pa po kasi gising iyon!" she laughed. "Mga alas kwatro ma'am. Para po magpahuli ng mga kakainin niyo raw mamaya. Eto nga po't inihahanda ko na ang mga ulang, halos kahuhuli nga lang po nito dahil aniya'y paborito niyo raw po..." pagkwekento niya habang abala. Gulat kong tinuro ang naglalakihang lobsters.

"Sa'min lang 'yan?!" Tumango siya.

I love lobsters, she's right! It's actually one of my favorites but... these are just too much!

"Opo, meron pa po sa labas na ibang seafoods. 'Yon po ang inaasikaso niya habang hinihintay kayong magising." she giggled. "Alam niyo ma'am, ngayon lang nagdala ng babae ang señorito tapos napaka ganda pa!" I awkwardly smiled.

"T-Thank you pero...talaga?"

"Opo, mga babaeng pinsan lang po ang dinadala niya rito saka tuwing bakasyon, 'yong mga kapatid ng mga kaibigan niya." tuloy tuloy niyang kwento. Kami ang tinutukoy niya hindi ba? Hindi na ba niya ako namumukhaan?

Sabagay... Baka si Dein at Ianah iyon. Ngayon na lang kasi ako ulit nakapunta rito. Ang huli ay kasama pa si Kuya.

"Ngayon lang naging ganiyan si señorito ma'am... Akala ko nga ay ibang tao kaninang umaga. Paano'y abot langit po kasi ang ngiti! May ginawa po ba kayong milagro kagabi? Narinig ko kasi panay bulong ng 'yes' at mura ng mura ma'am, sa saya..." she looked at me with malice.

Mujer DesinteresadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon