Chapter 9

4 0 0
                                    

"Hey... Ayos ka lang?" mabagal na tanong ni Jarvis. Kanina pa siya pasilip-silip sa akin habang naglalakad palabas ng University. Nilingon din ako ni Matthew at Margo.

"Oo nga, tamlay mo kanina pa! Naubos ba braincells mo sa Math? Ako rin!"

"Margo, manahimik ka nga. Kita mong hindi okay 'tong isa e." bawal ni Matthew.

"Pinapatawa ko lang!"

"Hindi, may problema lang sa bahay, 'wag niyo 'ko pansinin." I smiled, nilibot ko ng tingin ang parking. "Nag text na ako kay Kuya, mukhang nauna na nga siya umuwi. Tara na sa inyo?" sulyap ko kay Jarvis. Debut kasi ni Ate Ophelia, panganay na kapatid nila.

"You sure?" paninigurado niya.

"Oo nga! Wala lang 'yon!" tawa ko.

"Ayan na 'yong sundo." imporma ni Matthew. Napalingon kami sa sundo namin papuntang Bereles.

"Tabi kami ni Allianna! Mamaya ka na Hayden, akin muna 'to." hila sa akin ni Margo papuntang backseat. Tumawa si Jarvis saka iiling-iling na umikot sa harap.

"Sa likod ka na, Matt." 

"Sure ka pre? Baka magselos ka ah!" biro niya dahil sa akin siya matatabi kung sakali. Nasa pinaka-gilid si Margo, doon sinisiksik sarili.

"No way, she likes me, yeah?" taas babang kilay siyang sinilip ako sa loob. nagyayabang nanaman. Inirapan ko lang siya.

"Pumasok na kayong dalawa! Dami niyong daldal! May naghihintay pa na lumpiang shanghai sa akin!" inip na sabi ni Margo. Tumawa kami. Sumunod naman ang dalawa.

Mabuti na lang ay hindi na sila nangulit tungkol sa kanina habang nasa byahe kami. Ang gulo-gulo kasi sa bahay... Kung dati ay tahimik dahil halos hindi rin naman kami nagkakausap dahil nasa study room sila parati.

Pero ngayon, nagbago na. Mas malala pa noong dinner no'ng nakaraang araw. Panay ang palitan nila Mommy at Kuya ng salita, si Daddy ay panay lang ang awat pero sa huli ay kakampihan pa rin si Mommy.

"'You told her didn't you?! Now, Marco wants to leave VSA!" Mom shouted after slapping my brother. Kadarating ko lang ng school ay ito ang aabutan ko. Nagtama ang mata namin ni Kuya at sumenyas siyang umakyat na ako.

Takot akong tumango. I was panicking that the first thing came into mind was to go to the study room.

"D-Daddy! Nag-aaway sila M-Mommy..." taranta kong sumbong, natigil siya sa ginawa at agad na tumayo nang makita akong hindi mapakali.

"Pumasok ka sa kwarto mo." aniya't mabilis na bumaba. Ngunit hindi ako nakinig, bumaba ako't basta na lang binitawan ang gamit kung saan.

"You're fucking married! Kasal ka na, Mom! May mga anak ka na, ano pa bang gusto mo sa kaniya?!"

"Wala kang pakialam!"

"Baliw ka na...Baliw ka na!"

"Allen, enough! 'Wag mong sigawan ang Mommy mo!" pilit inilayo ni Daddy si Kuya sa harap ni Mommy na parang ilang sandali na lang ay sasabog na. Iwinaksi ni Kuya ang kaniyang hawak.

"Bingi ka ba, Dad? Bulag? Harap-harapan ka ng ginagago oh!"

"It's not what you think. Now, go to your fucking room." pilit niyang pinakalma ang boses. "Baka marinig ka pa ng kapatid mo." nang marinig iyon ay agad akong nagtago sa sulok.

Kuya Allen laughed bitterly. "You're unbelievable, Dad." iling niya't muling sinulyapan si Mommy, clenching his fist. "Uulitin ko, wala akong pinagsabihan kahit isa. Kahit kay Tita. Kung aalis man si Tito Marco sa VSA ay wala akong alam at kinalaman. 'Wag mo akong pagbintangan."

Mujer DesinteresadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon