Chapter 5

6 0 0
                                    

I was awakened by a gentle tap on my cheek.

"Hey, kid. Wake-up." slowly, I opened my eyes. A man with brown eyes met mine. Nanlaki ang mata ko.

"Hala, Kuya Sky, sorry naka-tulog ako!" dumeretso siya ng tayo at bahagyang lumayo sa swing. I saw some paint on his hands, up to his white shirt.

"It's okay, your brother is looking for you. He texted me just now. Go, before he could search the whole island." aniya't tumungo kung nasaan ang canvas. Nagsimula siyang ligpitin ang kaniyang ginamit sa pagpinta.

"Sorry... Natapos ba? Okay lang naman kung dito muna ako tapos i-text mo na lang si Kuya na nandito ako? Oh na-text mo na siya?" tarantang ani ko saka tumayo, baka sakaling mapigilan siya.Tumigil siya sa pag-aayos at bumaling sa akin.

"I don't like texting. Bumalik ka na lang sa hotel niyo." grabe, natulog lang ako tapos pag-gising ko masungit na siya ulit? Oh baka naman panaginip ko lang na ngumiti siya?

"Huh? Eh, paano 'yang painting mo?" I pointed the canvas. "Sayang naman kung hindi na itutuloy..." pilit ko, he sighed like he was releasing his last patience.

"Just go." akmang tututol pa nang mag-salita na naman siya. "Don't worry about the painting, tatapusin ko."

"Pero kung aalis ako, wala ka ng reference–"

"I was with you since then, you think I wouldn't memorize that face of yours?" he stopped like he realized something. "Trust me, with or without reference, matatapos ko 'to. Kaya bumalik ka na, you also need to eat for breakfast. Late na." I pouted. Fine.

"Sige... Patingin ako pagkatapos ha?" he nodded. Tapos na pala siyang mag-ligpit at mukhang hinintay na lang ang pag-alis ko. "Okay then, bye!" ngumiti ako at kumaway bago siya tinalikuran at tinungo ang daan palabas ng kanilang rest house. 

Nang matanaw ang hotel ay nakita ko si Kuya Allen na kausap si Tita Katrina. Umiiling si Tita habang nagsasalita. Binilisan ko ang lakad ko. "Kuya!" he looked at my direction bago muling sinulyapan si Tita Katrina. Mukhang nagpapaalam na si Tita sa kaniya, Kuya Allen nodded like he was disappointed.

Mukha siyang napagalitang bata, may ginawa na naman ba siyang kalokohan?

I called his attention again, he rolled his eyes before motioning his hands; telling me to walk faster.

"At saan ka galing? Bakit ang aga mong nagising at hindi ka man lang nagpaalam, prinsesang layas?" sermon niya agad.Tumawa ako at hinagkan siya sa braso.

"Ang tagal mo kasing magising, akala ko galit ka sa akin. Iniwan mo kaya ako kagabi sa beach dining!" reklamo ko para na rin maiba ang usapan upang hindi ako masermonan. Oh, ha? Technique 'yan!

He sighed. Tinanggal niya ang braso ko upang akbayan ako. "Sorry... Kuya was just pissed. Babawi ako ngayon, hmm?"

"Okay lang Kuya. Hindi na rin ako mangungulit kung ano ba talaga ang nangyayari sa inyo nila Daddy at mommy... Sa isang kundisyon nga lang,"

"Para sa'yo 'tong ginagawa ko, 'yon na lang ang isipin mo. What condition?"  huminto kami.

"You said you're keeping that secret for my safety right?" I looked at him, he nodded. "Then promise me that when things get worse, be safe too, okay?"

Kuya Allen is hardheaded, sobra. He will do everything that he wants, lalo na kung ipinaglalaban niya talaga 'to. That's why I want him to be safe. Minsan nagpapadala siya masiyado sa init ng ulo, padalos dalos.

"I promise. Basta sa isang kondisyon din." aniya na ikinakunot ko. "No boyfriend allowed, sabihin mo 'yan sa batang Silvestre na lumaki ata ulo sa nalaman, baka magulat na lang ako may dala ng mga bouquet 'yun sa harap ng bahay ah? Lagot 'yon sa'kin, isusumbong ko rin siya sa kambal." tukoy niya sa kuyang kambal ni Jarvis na kaibigan niya rin dahil magkakasama sila ng basketball team.

Mujer DesinteresadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon