Prince Yohan's P.O.V"HOO! Isa to sa mga hindi ko makakalimutang 2 weeks vacation natin!" Sigaw ni Andrei pagkatapos niyang ilagay ang ilang gamit niya sa kotse ni Kuya Mark.
"Bitin nga eh!" Sabi naman ni Ace kaya naman napatawa ako. Nakasandal ako sa sasakyan ni Kuya Tyler at si Ace naman ay nakaupo sa gilid ng kalsada.
Sa dalawang linggo namin dito sa bahay naming magpipinsan. Maraming nagbago. Lalo na yung relasyon at turingan namin.
Ang masasabi ko lang mas lalo kaming naging mas malapit lahat. Mas tumibay yung relasyon namin at mas nagkakilala kami.
"Hi babe!" Tawag sa akin ni Kuya Tyler. Sa paglapit niya ay yumuko siya at hinalikan ang noo ko at ngumiti. Bago pa ako makapag react ay umalis na siya sa harapan ko at inilagay sa likod ng sasakyan ang mga dala niyang gamit.
Sa loob ng dalawang linggo din naming pananatili dito. Mas lalo ding lumalim ang nararamdaman ko sa kanya.
Hanggang ngayon din ay hindi pa rin ako sanay sa pagtawag niya sa akin na "babe" at sa mga sweet gestures niya.
Kung dati ay sweet siya, Ngayon naman ay parang sumobra na.Naalala ko tuloy ang nangyari pagkatapos nung araw nang naglaro kami ng truth or dare na bumago sa relasyon namin.
*FLASHBACK
"Huh? Anyare dun?" Naguguluhang tanong ko sa sarili. Nilingon ko si Kuya Kiefer para sana magtanong ng tumayo rin siya at umalis.
"Ano bang nangyayari?" Tanong ni Andrei pero nagkibit balikat lang kaming natitira.
"Ikaw Kuya Mark? May alam kaba?" Tanong ni Ace kay Kuya Mark pero nagkibit balikat lang din ito.
"Di ko nga rin alam. Pare-pareho lang tayong naguguluhan. Siguro may sikretong tinatago ang dalawang yun." Sabi niya. Napatango-tango naman si Ace at Andrei. Sikreto? Ano naman kaya yun?
"Eh kung may sikreto sila? Ano nama yun?" Tanong ko.
"Sikreto nga diba? Paano natin malalaman? Engot din nito." Pambabara sakin ni Ace akma ko sana siyang babatukan kaya lang tumayo siya agad. Yung dalawa naman ay nagtatawanan.
"Kalimutan niyo na yun, Pabayaan nalang natin sa kanila." Pagsingit ni Kuya Mark at tumango-tango nalang kami.
"Gusto niyo gatas?" Biglaang tanong ni Kuya Mark sa amin.
"Huh? Gatas?" Tanong sa kanya ni Andrei.
"Oo, Ayaw niyo ba? May mainit na tubig sa loob. Yohan?" Sagot ni Kuya Mark at tinignan ako. Sa aming magpipinsan kasi, Ako lang ang mahilig uminom ng gatas bago matulog.
"Sige, Salamat Kuya." Sabi ko at nguniti.
"Ako den Kuya!" Sabi rin ni Andrei at tinaas pa ang kanan niyang kamay.
"Not me." Kay Ace at umiling-iling pa.
"Hmm, Punta lang ako sa kusina." Paalam ni Kuya Mark at tumango naman kami.
"Ayiiee! MU na sila!" Pang-aasar sa akin ni Andrei at sinundot-sundot pa ang tagiliran ko.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love | ✓
RomanceSabi nila walang pinipili ang pagmamahal. Wala sa edad o kasarian ang pagmamahal ng isang tao sa isa pa. Paano kung ma-inlove ka sa sarili mong pinsan? Tama bang ipagpatuloy mo ang iyong nararamdaman o ititigil dahil mali ito? Lalo na't sarili mo it...