Prince Yohan's P.O.V*Flashback
"Saan niyo gustong pumunta na?" Tanong ni Kuya Mark. Kakatapos lang namin maglaro dito sa Gaming zone. We spent almost an hour here.
At ngayon ubos na ang token nila. Ayun gusto nang umalis. Kami nga ni Hubby ay tumambay lang doon sa mga Claw Machine ng mga Stuff toys. At kung siniswerte ka nga naman. Nakakuha pa kami ng 6. Yes, Ganyan karami. At ang token na naubos namin ay 15. Not bad right?
Buti nalang sanay na si Hubby sa ganoon dahil Gaming zone lang ang takbuhan naming magpipinsan noon pa lang. Tuwing may problema o di kaya ay may free time kami. Sa isang Gaming zone ang diretso namin at minsan ay doon pa naghahanap ng chicks sila. OO sila dahil mula dati pa ay loyal na ako kay Hubby at acads din talaga ang first priority ko.
"Kain nalang tayo..." Suhestyon ko. Well wala na kasi akong ibang maisip na gawin. Maliban sa lumamon. Since naubos energy namin sa paglalaro kailangan naming mabawi iyon sa pagkain. Right?
Sumang-ayon naman sila at ang pinag-usapan ay ang aming kakaninan. Nagtatalo sila kung Jollibee ba o McDo.
"Jollibee nalang! Bida ang saya!" Sabi ni Ace at nagwiggle pa ng pwet niya. Lahat ng nakakita ay sa ginawa niya ay tumawa. Nakakahiya tong lalaking to.
"Sus! Bida-bida lang yan! Kay McDo nalang! Wala pang fried chicken na towel!" Sabi naman ni Kuya Mark at flinex pa nito ang muscle nito. Puta? Saan naman nanggaling yung sinabi niyang yun?
"Tsk! Mas masarap naman chicken joy ng jollibee!" Pinaglalaban mo Kuya Keifer? Marami na ring tao ang nakapalibot sa amin. Pinapanood ang pagtatali nila. Shet! Ako yung nahihiya sa kanila eh!
"Sa McDo may happy meal! May laruan na kasama!" Pati ba naman ikaw Andrei? Jusko, Ang habol ata nito yung laruan hindi yung pagkain.
At ayun, Patuloy na nagtalo ang apat sa kung ano bang kakainan namin. Nakatakip nalang ako ng mukha ng magtawanan ang mga taong nakapalibot sa amin. Shucks! Grabeng kahihiyan na ito.
Tumikhim ako sa kanila ngunit mukhang hindi nila ito narinig at patuloy pa din sa pag-aaway. Hay naku!
Nilingon ko si Hubby at mukhang alam niya ring marami nang taong nakatingin sa amin ngunit hindi niya lang pinapansin. Or more like, Wala siyang pakialam...
At para matuldukan na ang kahihiyang ito. Nagsalita na ako.
"Hubby, Gusto ko sa Mang Inasal." Sabi ko at sadya ko talagang ipinarinig sa apat. Mula sa aking peripheral vision, Napansin kong natigilan sila at napatingin sa akin.
Napangisi nalang ako nang biglang kunin ni Hubby ang aking kamay at iniwan ang apat. Tama ako, Kung ako ang pipili ay walang magrereklamo. Kasi kakampi ko si Hubby.
Wala pang isang minuto at nasa likuran na namin ang apat.
"Hmmp, Maduga." Rinig kong bulong ni Kuya Keifer.
"May sinasabi ka kuya?" Nakangiti kong tanong sa kanya nang binalingan ko siya ng tingin. Ngumiti lang siya at nagpeace-sign. Nakatingin rin pala si Hubby sa kanya ng masama.
Nang marating namin ang Mang Inasal ay nagmadali na kaming pumasok dahil maraming tao rin ang nasa loob.
"Anong gusto niyo?" Tanong ni Hubby sa amin. Barbecue ang saamin ni Kuya Keifer at Hita naman ang gusto nila Andrei, Ace at Kuya Mark. Nagpadagdag na rin sila ng halo-halo at tag-iisa na kami.
Naghanap na kami ng mauupuan for 6 person at ang naiwan sa pila ay sila Hubby at Kuya Keifer.
"Hayy! Akin nalang ito Prince huh?" Sabi sa akin ni Andrei at yinakap ang isang Doraemon na teddy bear. Isa sa anim na nakuha namin sa Claw Machine kanina.
Actually, Nanghingi rin ng isa si Ace at kinuha niya ay isang pokemon. Snorlax ata ang pangalan nung kinuha niya.
Apat nalang ang natira sa akin, 2 pokemon din. Squirtle at Pikachu. Isang Stitch. Then isang normal na kulay blue na teddy bear.
Sa lahat ng nakuha namin ay ang Blue na teddy bear ang pinaka nagustuhan ko. Halos doon ko kasi naubos yung token namin. Ang cute niya kasi, Kaya nung sinabi ko kay Hubby na yun ang gusto ko. Ayun yung pilit niyang kinuha. Hanggang sa makaubos kami ng limang token. Oh diba? Ang galing niya. Kung iba iyon ay baka abutin pa ng isang daan pero hindi pa nakukuha iyon.
Ilang minuto rin ang dumaan bago nakabalik sa lamesa namin si Hubby at si Kuya Keifer. Bali ganito ang pwesto namin ngayon.
Kuya Mark | Ako | Hubby
__________________________
Ace | Andrei | Kuya KeiferGanyan ang line-up namin. Naunang dumating ang kanin at ang dalawang barbecue. Habang ang mga hita ay kasalukuyan pa lamang na niluluto.
May dumaan rin na nagdadala ng sabaw at naglagay ng anim na tasa. Which is nice kasi mahilig ako sa sinigang lalo na at tama lang ang timpla ng asim nila.
"Alam niyo, Kanina habang nasa Gaming zone tayo nakasalubong namin si Ate Naomi." Pagkwekwento ni Ace. Ate Naomi? Ayun ba yung kababata ni Kuya Mark.
"Wait? I thought nasa America siya? Nakauwi na pala?" Tanong ko. It's been 5 years nang umalis siya sa pilipinas upang mag-aral abroad.
"Yupp, Intern siya sa isang modeling agency dito sa pilipinas." Sabi ni Kuya Mark na may ningning sa mga mata. Halatang may gusto pa rin siya hanggang ngayon kay Ate Naomi. Though, Mas matanda sa kanya si Ate Naomi ng apat na taon. Ate Naomi is already 23 or 24 i guess? Basta ang alam ko ay mas matanda siya kay Hubby.
"Gusto mo pa ba siya Kuya?" Kuryosong tanong ko sa kanya. May kakaiba kasing ningning sa mata niya habang nagsasalita at halos mapunit yung labi niya sa kakangiti.
"Hmm, Siguro. Hindi ako sigurado." Sagot niya at nagtawanan kami. Hindi daw sigurado pero kung makangiti wagas. Inaasar-asar pa siya nila Ace na ang tagal na daw pero hanggang ngayon ay torpe pa siya at hindi niya maamin na may gusto siya kay Ate Naomi. Kahit si Hubby ay nakikitawa. Ilang asaran at kwentuhan pa ang nangyari na natigil lang nang dumating na ang iba pang pagkain at nag-umpisa na kaming lumamon.
| ~ | ~ | ~ |
© RUSSENCE
BINABASA MO ANG
Forbidden Love | ✓
RomanceSabi nila walang pinipili ang pagmamahal. Wala sa edad o kasarian ang pagmamahal ng isang tao sa isa pa. Paano kung ma-inlove ka sa sarili mong pinsan? Tama bang ipagpatuloy mo ang iyong nararamdaman o ititigil dahil mali ito? Lalo na't sarili mo it...