Zachary Ace's P.O.VShit! Da heck? Nababaliw kana ba Ace? Huh? Nakipag-halikan ka sa pinsan mo?
Tang-ina! Paano pag nalaman to ni Daddy? Baka itakwil ako nun, Hindi naman siguro ako ipapahamak ni Kuya Kiefer diba? Di naman siguro ako ipapahamak ng mga pinsan ko?
Hayss, Bakit pa kasi ako pumayag na ako yung gawing i-partner sa gagawing dare ni Kuya Mark? Okay sana kung simpleng halik lang like smack pero hindi eh! Torrid kiss pa!
Nababaliw na talaga ako...Hayss, Bahala na. Kakalimutan ko nalang ang nangyari dahil panigurado ay wala lang rin ito kay Kuya Mark at kakalimutan niya rin ito. Tama tama, Kakalimutan ko na yun dahil dare lang naman yun
At tumango-tango pa.
"E-Ehem!" Malakas na pagtikhim ni Yohan dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon nang lahat.
"Uhh- Itutuloy naba natin?" Tanong niya at napatikhim rin si Kuya Tyler.
"A-Ako na magpapa-ikot" Nauutal na sabi ni Kuya Mark at kinuha na ang bote, Bago niya paikutin ang bote ay tumingin muna siya sa akin dahilan para mapatingin ako sa baba. Shet baket kailangan niya pa akong tignan?
Sa muling pag-ikot ng bote ay tumuro ito kay Kuya Kiefer.
"Truth or Dare?" Tanong ni Kuya Mark.
"Truth syempre!" Taas noo nitong sabi. Hmm tapang pero knowing Kuya Mark, Bestfriend niya siya kaya dapat alam na ni Kuya na baliw si Kuya Mark.
"Hmmm, Sa ating magpipinsan-" Mahinang ani ni Kuya Mark at tinignan kami isa-isa at tumigil syempre kay Kuya Keifer. "Sino sa AMIN ang maari mong magustuhan?"
Pagpapatuloy nito."Andrei." Mabilis na pagsagot ni Kuya dahilan para manlaki ang mga mata ni Andrei, Nakatingin siya kay Kuya at nagtatanong ang mga mata nito ngunit hindi siya sinagot ni Kuya Kiefer at nginitian lamang siya nito.
"Hmm, At bakit?" Tanong ni Kuya Mark at natatawa pa.
"Isang tanong lang, Wag kang abusado." Natatawa ring sabi ni Kuya Kiefer.
"Next na."
"Sige, Ikaw na magpa-ikot." Tinuro siya ni Kuya Mark at inabot sa kanya ang bote.
Sa muling pag-ikot ng bote ay tinapatan naman nito ang kanina pang tahimik na si Yohan.
"Truth or Dare?"
"Dare." Mabilis at sigurado nitong sagot. Hmmm siguro ayaw niyang magisa HAHAHA lalo na yung tungkol sa kanilang dalawa. Ehem, Ni Kuya Tyler
"Sige, I dare you to cook our breakfast for tomorrow."
"Yun lang?" Halata ang dismaya sa boses ni Yohan. Well knowing him, Pag sa ganitong truth or dare gusto niyang nahihirapan siya.
"Yup."
"Ano ba yan! Sige sige!" Pagpayag niya dahilan para mapa "yes" kami ng mahina. Sa aming magpipinsan kasi, Siya at si Kuya Tyler lang ang magaling magluto.
At kapag sinabi kong magaling ay talaga namang pang world class ang galing. I'm not overreacting, I'm just saying the truth. Isang beses noong 18 yrs old palang si Kuya Tyler ay inilaban siya sa isang cooking tournament in china at nag 1st place siya. Nasa 25 ang lahat ng kalahok nun pero nagawa niyang makapasok sa last round.
Si Yohan naman ay magaling ding magluto. Namana niya yung pagkakahilig niya sa pagluluto kay Tita Aicelle, Mama niya.
"Paikot ko na ah?" Sabi niya at muling pinaikot ang bote.
At sa kamalasan nga naman, Tumapat ito sa akin.
"Truth or Dare?" Nakangisi nitong tanong sa akin. Mukhang may naisip tong kalokohan sigurado ako. Hmm pero di ko hahayaang magawa niya yung plano niya. And I chose
"Truth." Since kapag nag dare ako ay alam kong kalokohan lang ang ipapagawa niya. Yun ang akala ko, Kasi ang loko mas lalong napangisi!
"Hmm, Totoo ba na may nangyari sa inyo ni Kriza?" Tanong niya na ikinagulat ko.
"What the fuck Ace?!" Malakas na mura ni Kuya Kiefer. Paktay ka sakin mamaya Prince.
"Zachary Ace totoo ba yung sinabi ni Yohan? Sagutin mo." Kalmado ngunit matigas na tanong ni Kuya Tyler. Shit! Hotseat?
Seryoso silang lahat na nakatingin sa akin. Patay ka talaga Ace.
"S-Saan niyo nalaman? K-Kanino?" Tanong ko.
"Kay Kriza mismo, Lumapit siya sa akin bago tayo magkita sa parking lot nung niyaya mo akong sumama sa inuman." Paliwanag nito dahilan para mapalunok ako. Damn that bitch?!
"Totoo ba yun o hindi?" Mahinahon na ngayon na tanong sa akin ni Kuya Keifer ngunit matalim ang tingin sa akin.
"N-Nag make-out lang kami, Pero hanggang dun nalang yun!" Paliwanag ko ngunit nakatingin pa rin sila.
"Hanggang dun nga lang! Bakit ayaw niyong maniwala?!" Angil ko sa kanila.
"May sinabi ba kaming hindi kami naniniwala?!" Tanong sa akin ni Kuya Mark.
"Masyado kang defensive." Ani ni Yohan.
"Sigurado kaba sa sinasabi mo? Alam mong malilintikan ka kay Daddy at kay Mommy pag nalaman nila yang pinaggagawa mo!" Mahabang litanya ni Kuya dahilan para mapayuko ako.
Oo may nangyari sa amin ni Kriza ngunit hindi naman kami umabot sa ganun.
Laging sinasabi ni Mommy sa amin na unahin namin ang pag-aaral namin at hindi ang ganoong bagay.
"Pagpatuloy na natin tong laro, Si Kuya Tyler nalang hindi pa natatapatan kaya hindi na kailangang ipaikot ulit ang bote." Pagpapaliwanag ni Andrei at muli na naming ipinagpatuloy ang laro.
"Kuya, Truth or Dare?" Tanong ko, This time kahit anong piliin niya idadamay ko si Yohan. Para kwits since nilaglag niya ako kanina.
Pero baka sabihin niyo na masama akong tao ah? Normal lang sa aming magpipinsan ang mag-gantihan."Truth." Diretsong at mabilis na pagpili ni Kuya Tyler. Napangisi ako, Hindi muna kita gagantihan Yohan. Paglalapitin ko muna kayo ni Kuya Tyler at ang gusto kong kapalit ay libreng pagkain.
"Gusto mo ba si Yohan?" Mabilis at diretso kong tanong sa kanya. Narinig ko pang suminghap si Andrei. Si Kuya Mark at Kuya Kiefer naman ay tahimik at nanonood lang.
Mula sa peripheral vision ko, Mukhang nabigla pati si Yohan sa naging tanong ko.
"Gusto mo ba siya o hindi?" Pagtatanong ko ulit. Nakatingin ako ng diretso sa kanya at ganun din siya sa akin.
"Hindi." Sagot niya dahilan para malaglag ang panga ko. Tinignan ko si Yohan at tila nabigla rin siya sa naging sagot ni Kuya Tyler. Akma na siyang tatayo sana ngunit muling nagsalita si Kuya Tyler.
"Hindi ko siya gusto dahil mahal ko siya."
Shiit
| ~ | ~ | ~ |
© RUSSENCE
BINABASA MO ANG
Forbidden Love | ✓
RomansaSabi nila walang pinipili ang pagmamahal. Wala sa edad o kasarian ang pagmamahal ng isang tao sa isa pa. Paano kung ma-inlove ka sa sarili mong pinsan? Tama bang ipagpatuloy mo ang iyong nararamdaman o ititigil dahil mali ito? Lalo na't sarili mo it...