Prince Yohan's P.O.V*FLASHBACK
"Hey babe, Bakit ang tagal niyo naman?" Tanong sa akin ni Hubby nang saktong pag-upo ko palang sa tabi niya.
"Napasarap kwentuhan eh." Sabi ko at tumango-tango naman siya at binaling ang atensyon sa iba pa naming pinsan na maingay na nagtatawanan.
"Tae! Hindi mo aakalaing 9 years old tumigil si Ace sa pagda-diaper eh! Kung makalandi ngayon akala mo mauubusan!" Pang-aasar ni Kuya Kiefer sa kapatid niya dahilan para magtawanan kami. Nakasimangot naman si Ace at inis na inis na nakatingin sa kuya niya.
"Matagal na yun! Kalimutan niyo na!" Sigaw niya at masama pa ang tingin kay Kuya Keifer dahilan para magtawanan ulit kami. Halos kaming magpipinsan kasi ay tumigil sa pag susuot ng diaper noong mga bata pa kami, Siguro ay 3 taon ako noon habang si Kuya Tyler at Kuya Mark ay parehas tumigil noong 2 taon sila. Si Kuya Keifer at Andrei naman ay parehas limang taon tumigil.
Habang si Ace ay 9 na gulang na tumigil. Hindi pa nga sana siya titigil sa pagsusuot nun. Kaso lang, Inasar siya noon ng una niyang naging crush kaya iyak siya ng iyak noon at tulo sipon pa na sinabi kila Tita Jamie ( mama niya ) na gusto niya na daw tumigil sa pagsusuot ng diaper.
"Oh atleast di ako kumain ng butiki!" Sigaw niya dahilan para mapunta naman ang tukso kay Kuya Mark, Ang pinsan naming lumunok noon ng butiki. Halos kasing pula na ng kamatis ang mukha ni Kuya Mark ngayon. Ngunit hindi katulad ni Ace na naasar ay siya naman ay kumakamot sa batok niya habang tumatawa. Ang cute nga eh! Dumagdag pa yung mapula niyang mukha habang ginagawa niya yun.
Ang tungkol naman sa nangyaring pagkain niya ng butiki ay nangyari 3 years ago lang, Noong nagkaroon kami ng family reunion.
Masaya kaming nagkwekwentuhan noon at siya pa ang nagkwekwento. Subo rin siya ng subo habang nagsasalita.
Nagulat kami nalang kami nang biglang may bumagsak na butiki mismo sa kutsara niya at hindi umalis. Dahil nga busy siya ay hindi niya iyon nakita. Akma sana namin siyang pipigilan ngunit nahuli na kami dahil sinubo niya na ito at nilunok.
Nagtaka na lamang siya nang lahat kami ay nagsitawanan habang nakatingin sa kanya. Si Kuya Keifer nga ay nakaturo pa sa kanya at sa Plato eh! Nang sinabi naming nakakain siya ng butiki ay namutla ang buo niyang mukha at mabilis na tumakbo papunta sa cr. Unluckily, Hindi niya na naisuka iyon. At iyan ang aking hapitot! Char!
"Ganyan pala ah? Atleast hindi ako tumalon sa isang water falls para lang sagipin ang isang life-guard naman!" Sabi niya at lahat kami ay nagtawanan. Ang tinutukoy niya ay si Kuya Keifer, Ang lalaking sumagip sa isang life-guard na hindi naman nalulunod. Akala daw niya kasi ay nalulunod ito ang nangyari lang pala ay hinahanap lang nito ang nahulog nitong relo.
"Atleast ang gwapo ko!" Pagmamalaki nito. Like? Anong connect nun?
"ULOL! Anong connect nun?"
"Libre mangarap Kuya!"Magkasabay na pang-aasar nila Ace at Kuya Mark... Ayun, Masama ang tingin sa kanila ni Kuya Keifer ngunit tinawanan lang siya ng mga ito.
"Tsk! Sana ol nga sa naligaw pero di namalayan na nakauwi na pala at nasa harapan na pala ng bahay nila!" Malakas na sigaw niya habang nakaturo kay Andrei na namumula na din ang mukha. Nakayuko pa ito at tila ba nahihiya pa. Grabe! Nahiya pa siya eh kami-kami lang naman ito.
Ang kaso ni Andrei ay nangyari noong umalis sila at pumunta sa Mall kasama ang mama at papa niya. Nasa gaming zone daw sila nang bigla nalang siyang nawala.
Ang ginawa ng mama at papa niya ay nagpunta sa lost and found na nasa loob rin mismo ng mall. Nireport nila ang nangyari at bumalik sa gaming zone.
Si Andrei naman ay busy lang pala sa pagkain ng ice cream, Nakasalubong daw niya ang kaibigan niya at ang mama nito at nilibre siya. Pagkabalik daw niya sa lugar ay wala na daw ang kanyang mga magulang.
Iyak lang daw siya nang iyak noon haggang sa may isang babae daw na lumapit sa kanya at tinanong kung anong nangyari. At syempre sinabi niya na nawawala siya at hindi niya makita sina Tito at Tita.
Tinanong daw siya nang babae kung saan siya nakatira ngunit hindi niya ito masabi dahil hindi niya pa naman ito alam.
Nagpaalam lang daw saglit yung babae upang magtanong-tanong ngunit nainip raw ang kupal at naglalad palayo. Lumabas ng mall at sumakay sa isang pedicab.
At alam niyo ba? Syempre hindi. Ang kupal ay naglakad lang habang naiyak sa daan. Di niya daw alam kung saan siya dumaan hanggang sa napagod na siya at umupo sa isang tabi.
Nagulat nalang daw siya kasi biglang may humawak sa balikat niya at ang humawak sa kanya ay isa sa kanilang maid. Nagulat daw ang maid at sinabi sa kanya kung paano daw siya nakauwi mag-isa. Doon din lang niya napansin na nasa harap na pala siya ng bahay nila. Sa totoo sa tingin ko ay swerte niya noong mga oras na iyon. Isipin niyo? Ilang taon palang siya nun? If I'm not mistaken ang kwento niya sa amin ay 6 years old palang siya noong nangyari iyon.
"Kuya naman! Pinaalala pa eh!" Nakangusong saad niya habang nakatingin kay Kuya Keifer.
"Oh baka balak mong sundan?" Sabi ni Ace nang makitang walang balak sabihin si Andrei. Mukhang nagets naman nito ang nais nitong iparating at nagsalita na. Na hiniling ko na hindi na lamang siya nagsalita pa.
"Di naman ako katulad nang isa diyan na hinayaan ang mahal niya na lokohin lang siya." Sabi niya ngunit huli na nang magets niya kung ano ba ang sinabi niya. Napatakip pa ito ng kanyang bunganga.
"Opps." Di ko na inalam pa ang nagsabi nun at nilingon ko si Hubby at napansing nakatingin ito sa bintana. Don't tell me na apektado pa rin siya?
| ~ | ~ | ~ |
© RUSSENCE
BINABASA MO ANG
Forbidden Love | ✓
RomanceSabi nila walang pinipili ang pagmamahal. Wala sa edad o kasarian ang pagmamahal ng isang tao sa isa pa. Paano kung ma-inlove ka sa sarili mong pinsan? Tama bang ipagpatuloy mo ang iyong nararamdaman o ititigil dahil mali ito? Lalo na't sarili mo it...