Chapter 12

753 38 2
                                    


Prince Yohan's P.O.V

*Flashback

Masama ang tingin nilang lahat kay Andrei nang sabihin niya iyon. Well except sa akin na nakatingin sa gwapong lalaking nasa harapan ko.

Mukhang apektado pa rin siya nang kanyang nakaraan. Tumikhim si Kuya Keifer at nakita kong siniko nito si Andrei.

"Ah, Pasensya na sa sinabi ko Kuya Tyler hehehe." Nahihiyang sabi nito at nagpeace-sign pa. Hindi rin nagtagal ay nilingon siya ni Hubby at tipid na ngumiti. Bakit ba parang apektado pa siya? Alam kong masakit sa kanya ang nangyaring pangloloko sa kanya ng babaeng iyon.

Akala ko ba ako na? Pero bakit ganyan pa rin siya? Hindi pa ako na ang kasalukuyan niya?

"Hayaan mo na. Okay lang." Sabi nito at tipid na ngumiti. Akala ko ay okay na talaga nang bumalik na naman siya sa pagtingin sa bintana at maging tulala na naman. Bakit?

Imbis na magalit pa ay napabuntong-hininga nalang ako at tumayo na. Sigurado ako at randam ko ang tingin nila nang tumalikod ako sa kanila.

Umakyat na ako sa kwarto ko at siniguradong nakalock iyon. Humiga na ako sa kama at nakatulala lang na nakatingin sa kisame.

Napangiti nalang ako ng mapait ng pagkahawak ko sa aking pisnge at ito ay basa na. Hindi ko man lang naramdaman na umiiyak na pala ako.

Bakit kasi kailangan niya pang sabihin sa akin na mahal niya ako? Bakit kailangan niya pang sabihin na okay lang pero kabaliktaran naman ng sinasabi niya ang nagiging aksyon niya? For me it's always the Action speaks louder than words.

Bakit kailangan niyang iparamdam sa akin ito? Pota ang sakit, Baka kung ano nalang ang sabihin ng iba dahil sa ginawa kong pag walk-out dun kanina.

Tumayo ako sa kama at pumasok sa aking banyo. Naghilamos ako ng mukha at naglinis ng katawan. Pagkatapos nun ay lumabas na ako at nagpalit ng damit.

Dumiretso na din ako sa kama ko at minudmod ang mukha sa unan. Di ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman ngayon. Ano bang dapat kong gawin? Litong-lito na ako ngayon.

Kahit alam kong may karapatan akong kwestyunin siya ay hindi ko mahanap ang lakas ng loob upang lumabas sa aking kwarto at komprontahin siya.

Eto na nga ba ang sinasabi ko. Natatakot ako na dumating sa punto na kailangan pang lumaki ang isang maliit na bagay. Na kung sa tutuusin ay ako lang ang ginagawa itong big deal. Siguro ay nasaktan lang siguro ako ng makitang ganun pa rin ang reaksyon niya tuwing nababanggit ang ex niya.

"Babe." Rinig kong boses sa labas at kumakatok pa dahilan para mapabalikwas ako ng bangon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung bubuksan ko ba ang pinto o hindi.

Ilang minuto rin siyang nasa labas at tinatawag ako habang kumakatok. Pero hindi man lang ako nakagalaw sa aking pwesto at parang tuod. Hindi ko na siya napagbuksan ng pinto at wala na rin naman akong balak.

Hindi rin nagtagal ay tumigil na ito sa pagkatok at pagtawag sa akin. Mukhang napagod na siya at rinig ko rin ang paghakbang niya palayo sa kwarto ng aking pinto.

Doon na lamang ako tuluyang nakagalaw at yinakap ang aking tuhod. Hindi ko na napigilan lang muli nang muling bumuhos ang aking mga luha na para bang sirang gripo na kahit anong pilit kong pigilan ay patuloy pa rin na lumalabas.

Hindi ko alam kung hanggang anong oras ako sa gaanong posisyon at nakaramdam nalang ako ng antok at nakatulog.

***

Sobrang sakit ng ulo ko paggising ko. Pagpunta ko sa banyo at pagtingin ko sa salamin ay kita at halatang-halata ang pamumula ng aking mata. Mukhang napasobra yata ang iyak ko kagabi.

Pero dahil dun mas maayos na ang pakiramdam ko. Mas magaan na siya.

Siguro ganun talaga ano? Pagkatapos mong umiyak parang binigyan ka nang bagong lakas upang lumaban at harapin ang panibagong araw.

Ginawa ko lang ang aking morning rituals and routines at nagbihis na.

30 minutes, Ganyan katagal na akong tulala lang dito sa kwarto ko.

Tinignan ko ang oras and it's already 9 am and yet hindi pa ako bumababa. Nakalam na rin ang sikmura ko siguro ay dahil sa gutom. Hindi pa naman ako sanay ng hindi naga-almusal kahit tinapay lang.

Medyo bothered kasi ako sa reaksyon nila sa ginawa kong pag wawalk-out kagabi. Nahihiya ako.

Di ko alam kung bakit, Dahil ba sa ginawa kong pagwalk-out at pag-iwan sa kanila doon ng walang paalam o di kaya kung paano ko kakausapin at pakikisamahan si Hubby.

"Hoy! Lumabas kana dyan! Tama na pag e-emote mo gago!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko sa labas at kinakalampag na ang pintuan ko.

"Gago! Kakatapos ko lang maligo!" Sigaw ko pabalik kay Ace. Well, It's a lie when I said kakatapos ko lang maligo. I just said that para may maidahilan lang.

"Bilisan mo! Tsk! Pupunta tayong SM ngayon! Bilisan mo na kung ayaw mong maiwan!" Sigaw niya at kinalampag pa nang dalawang beses ang pinto bago umalis. Hay, Lakas ng topak ng isang yun.

I just stay for another five minutes bago bumaba. Napansing kong nasa sala silang lahat at nagkwekwentuhan.

Nang bumaba ako ay nakuha ko ang atensyon nilang lahat pati na rin ang atensyon ni Hubby. Nag goodmorning sila sa akin ngunit hindi ko na sila pinansin at hindi ko manlang rin sila tinapunan ng tingin.

Dire-diretso ako sa kusina at nagtimpla ng gatas. May nakatakip na rin doong lutong ulam na hotdog at bacon. May sinangag ring nasa lamesa. Kumuha lang ako ng kutsara at plato.

Kumuha ako ng maraming kanin at ulam. Balak kong damihan ang pagkain ko ngayon kasi pakiramdam ko hindi ako mabubusog kung unti lang ang kakainin ko.

Sanay na rin naman ako sa heavy breakfast kaya keri kong lumamon ng madami sa umaga.

Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na ang mga ito at balak na sanang umakyat ng kwarto ulit.

Papasok na sana ako ng aking kwarto ng biglang may humigit sa aking braso at tumambad sa aking harapan ang seryosong mukha ni Hubby. Sa totoo lang maraming natatakot na bata sa kanya tuwing ganyan ang itsura niya kahit ako minsan. But me? Hindi, Sa pagkakataon na to hindi ako natatakot. Siguro ay dahil kami na? Or let's just say alam kong hindi siya magagalit sa akin? ( Pero ang kapal ng mukha kong magalit. )

"I'm sorry babe." He said in a low tone. I don't expect him to say sorry, Akala ko ay magtatanong ito kung bakit ako nagkakaganito.

Lumapit ang kanyang mukha sa akin at dahan-dahan akong hinalikan.

| ~ | ~ | ~ |

© RUSSENCE

Forbidden Love | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon