Prince Yohan's P.O.V*Flashback
Nandito kami ngayon ni Hubby sa harapan ng national bookstore. Nasa loob kasi sila at may titignan daw. Eh tinatamad na ako maglakad dahil kakatapos lang namin kumain.
Kaya napagdesisyunan kong magpaiwan nalang dito sa labas at pinili rin ni Hubby na manatili sa aking tabi. Ayiee, Kilig itlog ko naman.
Naka-akbay siya sa akin habang diretso ang tingin sa harapan. Seryoso pa nga ang mukha eh. Kaya kinalabit ko siya at tinanong.
"Problema mo Hubby?." Tanong ko sa kanya. Nang bumaling siya sa akin ay nakakunot na ang kanyang noo.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya sa akin. Tumawa lang ako ng mahina at hinalikan siya sa pisnge.
"Masyado ka po kasing seryoso! Ngumiti ka naman po dyan." Sabi ko at hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge. At iniis-stretch iyon.
Nagulat nalang ako ng hawakan niya ang dalawa kong kamay at pinigilan sa pagpisil sa kanyang dalawang pisnge. At mas lalo pa akong nagulat nang bigla niya akong halikan sa labi ng mabilis at walang pasabi! Gosh, We're in public kaya.
"Mommy oh! Look! They are kissing! But they are both guy Mommy!" Isang maliit at matinis na boses ang narinig ko dahilan para mapatingin ako sa paligid.
Andami palang tao na nakatingin sa amin! Tas yung batang lalaki na nagsalita ay nakatingin pa rin sa amin hanggang ngayon at ang mama naman nito ay nakangiti sa amin.
Ngumiti pa ito sa akin sa amin ni Hubby at tumango pa sa amin bago hinila ang kanyang anak palayo. Mula sa malayo ay kita ko ang asawa nitong lalaki na kumakaway sa kanila.
Bago sila tuluyang umalis ay lumingon pa ang mag-ina sa amin kaya naman nginitian ko sila at tinanguan din. Si Hubby naman ay ngumiti lang at kumaway pa sa bata.
Nang lingunin ko ang paligid ay napansin ko ding marami pa ding tao ang nakatingin sa aming dalawa at nakangiti. Sinuklian ko iyon ng ngiti at hinawakan sa kamay si Hubby.
I'm happy to know that people right now are starting to accept Bi-Couples.
Thought, Meron akong ibang nakikita na hindi masaya sa nakikita nila. Pero wala na akong pakialam sa kanila dahil masaya ako sa kung anong meron ako ngayon."Nandito na kami!" Rinig kong sigaw ni Ace at nang lingunin namin ito ay nasa likod niya ang iba at may kanya-kanyang hawak na paper bag. Ano naman kayang binili ng mga ito?
"Bakit ang tagal niyo?" Tanong ko sa kanila at tinaas pa ang kilay ko. Tumawa lang sila at tinuro si Ace.
"May chicks eh! Ang ganda." Palusot nito at kumamot-kamot pa sa ulo. Hay naku! Puro nalang chicks inaatupag ng lokong toh. Sarap pektusan eh.
"Tara na. Uwi na tayo." Sabi ni Hubby at hinawakan ang kamay ko. Narinig ko pang bumulong si Ace na 'Sana ol may ka-holding hands' na tinawanan ko lang.
Nauna na kaming maglakad papunta sa parking lot at nasa likuran naman namin sila na maingay na nagkwekwentuhan. Minsan ay nakikisali din ako ngunit si Hubby at hanggang ngayon ay tahimik pa rin. Well ano bang bago?
Nang marating na namin ang sasakyan niya ay pinagbuksan niya muna ako ng pinto at nang makapasok na ako ay umikot naman siya papunta sa driver's sit.
Sila Ace naman ay hinintay pa namin na matapos sa paglalagay sa likuran ng kotse ang mga pinamili nila. At nang makasakay na sila sa sasakyan na gamit nila ay sila na ang pinauna namin at kami naman ang nakasunod sa kanila.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love | ✓
RomanceSabi nila walang pinipili ang pagmamahal. Wala sa edad o kasarian ang pagmamahal ng isang tao sa isa pa. Paano kung ma-inlove ka sa sarili mong pinsan? Tama bang ipagpatuloy mo ang iyong nararamdaman o ititigil dahil mali ito? Lalo na't sarili mo it...