Prince Yohan's P.O.V"Wag kang malikot diyan ha? Wag kang pasaway diyan!" Sabi ni Mommy sa telepono.
"Mommy naman! Matanda na ako! Tsaka mabait Kaya ako!" Nakanguso kong sabi at kahit di Niya nagkikita ay tumawa siya.
"Wag mo akong ngusohan Yohan!" Saway sa akin ni Mommy kahit di niya naman nakikita.
"Paano mo naman nalaman na nakanguso ako Mommy?" Kuryosong tanong ko sa kanya ngunit tumawa lang siya.
"Anak kita, Simula pagkabata mo ako ang iyong kasama kaya naman kilala na kita..." Sagot ni Mommy kaya naman napangiti ako... Halata talagang Mahal na Mahal ako nila Mommy at ang swerte ko dahil sila nila Daddy ang mga naging magulang ko.
"I love you Mommy!" Sabi ko sa kanya
"I love you din Anak!" Sabi Niya rin at nagpaalam na dahil may pupuntahan pa daw sila ni Daddy na convention na Hindi kuna tinanong dahil Wala naman akong interes sa mga ganoong bagay.
"Prince! Tara na sa baba!" Rinig Kong sigaw ni Ace sa labas ng aking kwarto.
"Oo ito na!" Sigaw ko sa kanya at dali-daling umalis sa pagkakadapa sa kama at tumayo na.
Naglakad na ako palabas at pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Ace... Akala ko umalis na to?
"Oh bat nandito kapa?" Tanong ko sa kanya
"Hmm? Wala kabang balak ikwento sa akin?" Nakangisi niyang Sabi kaya naman napailing ako... Sabi na nga ba eh! Nakita niya yung nangyari sa kusina!
"Ikwento ang ano?" Maang-mangan kong tanong sa kanya... Umiling-iling Lang siya habang nakangisi
"Ganyan ba dapat ang trato mo sa pinsan mong Alam lahat ng sikreto mo?" Nakangisi at Kunanyare na ng hihinayang... Baliw talaga
"Huh? Anong pinagsasabi mo?" Pagmamaang-mangan ko ulit sa kanya at inosente siyang tinignan...
"Oh? Baka gusto mong nalaman nilang lahat ang sikreto mo?" Pangba-blackmail niya sa akin kaya naman napabuntong-hininga ako... Kahit kailan di ko talaga matalo ito, Masyadong mautak.
"Oo na buset! Mamaya Gabi punta ka dito!" Nakangusong Saad ko at nauna ng bumaba at sumunod naman siya sa akin.
Nang makababa na kami ni Ace ay nadatnan naming silang lahat na nakaupo sa sahig at may nakalagay na bote sa gitna... Mukhang maglalaro pa nga kami.
"Hulaan ko, Maglalaro tayo ng Truth or Dare noh?" Sabi ko pagkalapit na pagkalapit palang namin.
"Hahaha! Ayaw mo ba nito Prince?" Tanong sa akin ni Andrei at kumakamot-kamot pa ng batok... Ewan ko ba pero ang cute niya sa ginagawa niyang Yan.
"Nagyaya kasi Prince! Tapos pag pumayag daw, Magpapainom daw siya! Libre Niya!" Sabi ni Kuya Mark at ginulo pa ang buhok ni Andrei kaya naman napanguso ito... Buti nalang di ako yung pinakabata sa aming magpipinsan
"Simulan na natin! Umupo na rin kayong dalawa!" Sabi ni Kuya Kiefer at tumango naman silang lahat... Kami namang dalawa ni Ace ay namili na kung saan kami pwepwesto.
Pinili ko nalang sa umupo sa tabi ni Andrei at Kuya Mark... Meaning nasa gitna nila akong dalawa.
Si Ace naman ay tumabi kay Kuya Kiefer at Kay Kuya Tyler na ngayon ay nakatitig pala sa akin, Napa-iwas naman ako ng tingin ng magtama ang aming mga mata... Hindi pa Kasi nawawala ang hiya ko dahil sa nangyari noong nakaraan.
"Game! Ako na magpa-ikot!" Sabi ni Kuya Kiefer at pinaikot na ang bote.
Ilang sandali pa ay tumapat ito kay Kuya Mark na nasa tabi ko lamang.
"Oh paano ba Yan Mark?" Nakangising tanong sa kanya ni Kuya Kiefer.
"Ang bilis naman oh!" Sabi nalang ni Kuya Mark at tumawa pa
"Truth or Dare?" Tanong ni Kuya Kiefer at kami namang natitira ay nanonood at nakikinig Lang sa kanila.
"Dare! Para may thrill!" Pagpili ni Kuya Mark at napangisi naman si Kuya Kiefer
"Hmmm?" At tila nagiisip-isip pa siya
"Ace kumuha ka ng isang strawberry doon sa Ref!" Utos niya kay Ace at dali-dali naman itong sumunod... Ano kayang na-isip ni Kuya Kiefer?"Oh eto!" Saad ni Ace at binigay kay Kuya Kiefer ang kinuha niyang isang strawberry.
"Ano namang gagawin ko diyan?" Kunot-noong tanong ni Kuya Mark
"Madali lang, Kailangan mo lang naman isubo at ipakain ang strawberry na to kay Ace." Pagpapaliwanag niya at tinuro pa si Ace.
"Bat ako pa?" Reklamo ni Ace at kumakamot-kamot pa ng ulo na saktong kakaupo lang... Nauna pang magreklamo kesa kay Kuya Mark na dapat unang magreklamo kesa sa kanya kase diba si Kuya Mark ang gagawa ng dare?
"Oh amin na Yan! Papakain Lang pala sa kanya yan eh!" Sabi ni Kuya Mark at akma ng tatayo ng magsalita ulit si Kuya Kiefer.
"Wait ka muna dyan! Di ko pa nasasabi ang twist ng dare ko sayo!" Nakangisi nitong sabi at humalakhak pa Kaya naman nabatukan ito ni Kuya Tyler at sinabing ipagpatuloy na ang kanyang sasabihin.
"You need to feed this to Ace using your mouth!" English pa na pagpapaliwanag ni Kuya Kiefer habang si Ace naman ay nakanganga at tila ba hindi inaasahan na ganoong dare ang pinapagawa ng Kuya niya at dinamay pa siya.
"Ano ba namang dare na Yan!" Reklamo ni Kuya Mark pero tumawa lang si Kuya Kiefer.
"Wag kang kj, Mark..." Sabat ni Kuya Tyler Kaya naman napalingon kami lahat sa kanya... Siya ba talaga ang nagsabi nun?
"Bat kayo ganyan makatingin?" Kunot-noong tanong ni Kuya Tyler sa amin.
"Uh, Wala!" Sabi nalang ni Kuya Kiefer at bumaling na kay Kuya Mark... Sila Ace at Andrei din ay tinanggal na ang tingin sa kanya.
"What?" He mouthed at umiling lang ako, Nakakapagtaka dahil sa mga ganitong pagkakataon o pangyayari ay tahimk lang siya sa isang tabi at titignan lang kami.
"Ano gagawin mo ba?" Tanong ulit ni Kuya Kiefer kay Kuya Mark at tumango naman Ito... Bago Ito tumayo at lumapit kay Ace ay tumungga muna siya ng alak na nasa bote at kinuha kay Kuya Kiefer ang strawberry at dahan-dahang lumapit kay Ace...
Lahat kami ay tutok sa kanilang dalawa kabilang na si Kuya Tyler, Papalapit na si Kuya Mark na seryoso ang mukha Kay Ace na halatang kinakabahan at tensiyonado sa nangyayari. Nang makalapit na si Kuya Mark sa harapan ni Ace ay yumuko Ito at inipit sa pagitan ng kanyang mga Labi ang strawberry at tinignan ng seryoso sa Mata si Ace na kinakabahan parin sa nangyayari ngayon...
"Ayos lang ba sayo?" Tanong ni Andrei kay Ace kaya naman napalingon kami dito... Si Kuya Kiefer ay nakangisi ngayon at tinignan sa mga mata ang kanyang kapatid na si Ace...
Ilang Segundo rin ay tumango na Ito...
"G-Gawin na natin." Mahahalata sa boses niya ang kaba at di sinasadyang mapalingon ako sa direksyon Ni Kuya Tyler na ngayon ay tutok sa dalawa...
"Yun! Akala ko Hindi niyo magagawa eh!" Sigaw ni Kuya Keifer,Tumayo pa Ito at napapalakpak... Tapos na agad? Damn! Di ko ata namalayang napatitig na ako ng matagal kay Kuya Tyler kaya di ko na nakita ang nangyari
Pagtingin ko kay Ace na tumabi kay Kuya Kiefer at Kuya Tyler ay namumula ang tenga nito at nakayuko pa... Binubulongan rin siya nang Kung ano ni Kuya Kiefer Kaya naman nasusuntok niya Ito sa braso minsan...
Pagtingin ko naman ulit Kay Kuya Tyler ay nakatingin na Ito sa akin at may ngisi sa kanyang mga Labi...
Damn! Ang gwapo niya talaga| ~| ~ | ~ |
© RUSSENCE
BINABASA MO ANG
Forbidden Love | ✓
RomanceSabi nila walang pinipili ang pagmamahal. Wala sa edad o kasarian ang pagmamahal ng isang tao sa isa pa. Paano kung ma-inlove ka sa sarili mong pinsan? Tama bang ipagpatuloy mo ang iyong nararamdaman o ititigil dahil mali ito? Lalo na't sarili mo it...