Kabanata 4

126 3 0
                                    

Inaayos ko ang buhok ko at naglagay ng kaunting makeup. I was wearing a florist pink that perfectly hugged my shape and white pointed heels. Darating kasi ang isang costumer ko at masyado siyang maarte to the point na kung ano-ano na ang pinapansin niya sa amin. Lalo na sa akin dahil ako ang may-ari ng boutique. Lumabas ako at naghintay sa entrance hall. Napasapo ako sa aking noo nang makita si Cheryl na pinagpapawisan at pinupusan ang kaniyang mukha. Kinurot ko siya nang makatabi siya sa akin. Napadaing naman siya sa sakit. Gusot-gusot na ang pencil skirt niya at nakalabas na rin ang laylayan ng damit niya na dapat naka-insert.

"Putcha ka! Sabi ko wag dito sa trabaho," bulong ko sa kaniya. "Ayusin mo sarili mo," utos ko.

"Peace-offering daw niya eh," malanding usal niya. Sinamaan ko ng tingin si Juno na kunwaring inaayos ang sleeves ng dress shirt niya. Todo iwas naman siya ng tingin sa akin.

Inirapan ko silang dalawa nang malagkit silang nagtitigan sa harapan ko. Maya-maya ay dumating na rin si Ms. Claire kasama ang mapapangasawa niya. Tinitigan niya kami isa-isa, napabuga ako ng hangin nang wala siyang comment sa mga itsura namin.

"Welcome again, Ms. Claire," nakangiting bati ko. "Please, this way." I made a hand gesture and began walking until we reached the fitting room.

Tinanguan ko si Zoe para siya na ang bahala sa mga costumer. Nagpaalam na ako sa kanila dahil may pupuntahan pa ako. May lunch ako sa mansion ni Mama. Alam ko na kung bakit ako pinatawag. Panigurado, kagagawan 'yon ni Lester. It's either going to be bad or really bad.

I left the boutique with my purse, which I had taken from my office. Dala ang saksakyan ko ay mabilis akong nakarating sa mansion. When I saw Lester's Ferrari parked inside the garage, I sighed in disbelief. Anong ginagawa niya dito? Panoorin akong mapagalitan ni Mama? Linapitan ko ang kaniyang kotse. This was his favorite. I smirked. Perfect.

I haven't even stepped foot inside the mansion, when a large hand pounces on my face. I felt a sting, on the inside of my cheek.

"How dare you!" my mother exclaimed.

Huminga ako ng malalim at mahigpit na hinawakan ang sling ng bag ko. Hindi na ito ang unang beses na pinagbuhatan ako ni Mama ng kamay. Simula noong mamatay si Papa, at napangasawa niya si Roger, she still manages to hurt me, both physically and emotionally.

She yelled again, "How dare you sell one of our hotels without my permission!" To relax my nerves, I remained silent and pressed my lips together.

Inaasahan ko na 'to mula sa kaniya. Hindi na bago sa akin ang lagi niya akong sinisigawan. Kailan pa ba siya natuwa na makita ako? Kaya nga umalis ako ng mansion dahil alam kong lagi lang kaming magkakagulo at mag-aaway. Isa na rin sa dahilan ay hindi ko kayang pakisamahan ang stepdad ko at si Lester.

Ang masakit iyong hindi man lang ako pinigilan ni Mama. Hinayaan niya lang ako. Siguro matagal na niyang hinihintay na umalis ako sa mansion. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagngisi ni Lester. Si Roger ay nasa sofa at nagbabasa lang ng dyaryo at walang pakialam.

"Tapos na kayo?" I said in a bored tone.

Hindi makapaniwalang nakatingin sa akin si Mama. She slapped me once more before walking away without saying anything. Napahawak ako sa bibig ko dahil nakaramdamn ako ng likido sa gilid ng aking labi. Blood.

I let out a sigh. That's my cue to leave this place. Forget the lunch.

I turned around, but when I heard Roger's voice, I stopped. "Walang matitira sa'yo." I ignored him. I turned away from the man who was talking behind me. I continued on my way. Bakit ako kakausap ng basura? Narinig ko pa ang malakas na pagtawa ni Lester. Mabilis kong linabas ang gunting sa bag ko at deretsong linapitan ang Ferrari ni Lester. Walang pasabing binasag ko ang salamin ng kotse niya at tinusok ang gulong nito.

OFFSTAGE (Suspire Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon