I was back in my office the next day. I was scribbling ideas for my latest bridal gown design. Tinawag ako ng mga tauhan ko when its lunch. Sumasabay kasi ako sa kanila dahil boring ang mag-isang kumain.
"Showing na 'yon sa theater diba?" Cheryl said, assistant designer ko.
"Yatah. Ubusan ng tickets eh. Ano nga title ng show?" sagot ni Zoe, fitting manager ko. They were talking about a theater show na kilala daw ngayon. At sa sobrang sikat ay paubusan ang mga tickets.
Tatlo lang kami sa isang table, sila lang ang nakakausap ko dahil magkakasing-edad lang kami. Lahat ng mga tauhan ko ay hindi ako tinuturing na boss. Gusto ko komportable kaming lahat sa isa't isa. I don't want formality masyadong seryoso.
"Ako si Maria Clara ang title. Balita ko bago daw 'yon," mausisang sambit ni Cheryl.
Pamilyar ang pamagat. "Ano nga ulit title?" tanong ko.
"Ako si Maria Clara," Zoe answered. "Gusto mo manood? O club na naman after work?" she teased.
"Isa pang pang-aasar wala kang ticket sa akin." Her eyes lit up as I warned her.
Naalala ko ang ticket na binigay sa akin ni Mason noong nakaraan. It has the same title so I assumed na iyon nga. Nagtataka pa rin ako kung bakit niya ako binigyan. Sa totoo lang ay hindi ako mahilig manood sa mga theater.
"Meron kang ticket?" gulat na usal ni Cheryl, nanlalaki rin ang mata niya. Gan'on ba kasikat at kahirap makabili ng ticket na 'yon dahil ganito ang mga reaksyon nila.
The question is, worth it ba 'yong play?
Pagkatapos naming kumain ay pinilit nila akong bigyan sila ng ticket kaya pumayag nalang ako. Wala din naman akong pagbibigyan nun. May dalawang ticket pang natitira na pinamigay ko sa iba pang gustong manood ng play. Syempre manonood din ako, hindi man ako mahilig pumunta sa mga theater play kahit minsan ay inaaya ako ni Zoe at Cheryl. Today, I can make an exception.
After work, pumunta kami sa theater. Sinundan ko lang iyong dalawang kasama ko dahil sila ang madalas na manood ng mga ganito. Bawal kumain sa loob pero baka mamaya ma-bored ako sa play kaya nagdala pa rin ako ng chocolates. Itatago ko nalang kapag dim lights na para walang makakita.
Nasa lesson noong high school ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Kaya pamilyar sa akin ang ilang mga scenes na nangyayari na meron sa libro. Namatay si Maria Clara sa konbento pero hindi sinabi kung anong dahilan. May nagsasabing dahil baka sa panggagahasa ni Padre Salvi o baka nagpakamatay siya dahil akala niya patay na si Ibarra. Hindi ko alam kung saan ako maniniwala.
Habang nangyayari ang palabas ay hindi ako mapakali sa upuan ko. I didn't get to eat any of my chocolates. Hindi ko alam na nakakatakot pala 'tong pinapanood namin. Pinakita sa play kung ano ang mga nangyayari sa mga madre sa loob ng konbento. Kahit si Zoe at Cheryl sa tabi ko ay nagtatakip na rin ng mukha. Para kaming mga timang sa itsura namin. The majority of the scenes were uncomfortable to watch. Parang gusto ko na ngang umalis at kalimutan ang mga napanood ko kaso nakakaintriga din kasi iyong storyline kaya hanggang ngayon nandito pa rin ako.
Dagdagan mo pa 'yong mga sound effects na ginamit nila. Nakakakaba. Nagpalakpakan ang mga tao ng matapos ang unang parte, may 20 minutes na break bago mag-resume ulit 'yong play. Hindi talaga maipagkakaila na mahusay ang mga actors at actresses nila. Alam ko namang gan'on ang mangyayari pero hindi ko inaasahan na gan'on kababoy. Talagang pinakita pa nila sa mismong play.
Sino kaya director at writer nila? Ang talino naman. Ang ganda pa ng mga lighting effects at costumes nila. There were a few powerful lines in there.
Worth it nga.
BINABASA MO ANG
OFFSTAGE (Suspire Series #2)
RomanceCaneles Rodriguez comes from a very affluent background. After her father died, she made the decision to live apart from her mother and stepdad whom she couldn't get along with well. When she meets Mason Chase, she doesn't expect to fall head over h...