Kabanata 12

89 2 0
                                    


The following two days were truly the best of my life. We made love in his living room after watching the sunset. When there were no work-related phone calls, I was relieved. Kaya mas lalo kong na-enjoy kasama si Mason.

We've both finished packing our things. Tinulungan kami ni Kuya Edgar na ibaba ang mga maleta namin. Uuwi na kami ngayon. I was wearing a blue dress with a scoop neckline, white boots, and my shades tucked above my head. As we went away, we took a photo with the tree house in the background.

I'm going to miss this place. Sinabihan ko si Mason na bumalik kami ulit dito kapag gusto naming magbakasyon. Hawak kamay kaming naglakad at naabutan namin malapit sa kotse ni Mason ang mga nagkukumpulan na mga ginang.

"Baka anak ni Marites iyon?"

"Ayon nga ang sabi-sabi."

Napansin siguro ni Kuya Edgar na curious ako sa pinagchi-chismisan ng mga ginang. "May nakita po kasi silang inanod na underwear sa ilog kaninang umaga," he reported.

Pakiramdam ko ay nag-init ang buong mukha ko sa narinig ko. Palihim kong tiningnan si Mason at mukhang nag-iiwas siya ng tingin at nakatanaw lang sa malayo. I know he's listening.

"Kulay puti na may halong itim daw."

"Thirdlove daw tatak eh."

Patuloy na chismis ng mga ginang.

Mabilis akong pumasok sa sasakyan. That was mine! Kaya pala hindi ko na mahanap dahil inanod. Nakakahiya! I swear, Mason! The next time we had sex by any bodies of water, I'd make sure I was entirely naked na! Para wala nang evidence at naaanod.

Kinawayan na namin si Kuya Edgar bilang paalam. Mason started the engine and we were on our way. My phone's music was on. Habang nasa byahe ay nag-post ako sa instagram ko nang mga picture namin.

I smiled because one of the photos I posted was of Mason's solo, in which he was shirtless and the lower half of his body was submerged in water. He was brushing his hair and standing sideways, as if he were a model.

God, he's hot!

Hapon na nang makarating kami sa Manila. "Next week, I've planned a dinner for us. You'll get to meet my mother," I reminded him. He only gave me a nod and a kiss on the top of my head. Bumaba ako ng kotse niya. Tinulungan ako ng isang empleyado ng condo para buhatin ang maleta ko.

Sinubukan kong tawagan si Aubry para sana sabihin sa kaniyang kami na ni Mason ngunit hindi ko matawagan iyong cellphone niya. Ilang beses ko iyong ginawa ngunit wala pa rin.

Nagpasalamat ako sa staff at binigyan siya ng tip nang mahatid niya ako sa tapat ng unit ko. Hinanap ko ang susi sa bag ko at binuksan iyon bago tinuon ang atensyon sa cellphone ko.

Naghintay ako saglit bago ulit tinawagan ang phone ni Aubry. Ngunit hindi ko pa rin matawagan. Ito na ba 'yon? Iyong araw na sinasabi ko? Nag-iwan nalang ako ng message sa kaniya.

To: Aubry
Gaga, sana nagpaalam ka naman! Anyways, nandito lang ako. Take your time! Love you!

Tinago ko sa bag ko ang cellphone ko. Pagkatapos ng lahat ng nangyari. Kailangan niya ng panahon. At naintindihan ko 'yon.

Hinila ko ang maleta ko papasok sa loob ng unit. Patuloy ako sa paghila at halos tumalon ang puso ko nang maabutan na magulo ang loob. My coffee table, as well as the TV, had been smashed. There were numerous shards of glass strewn across the floor. Linibot ko ang paningin ko sa buong unit. Even the walls were wrecked. Because the sofa was thorn, all of the cottons inside popped out. Who would do such a thing?

Kinakabahan ako habang papalapit nang papalapit sa kwarto ko. Napapikit ako ng makitang marumi din ang nadatnan ko dahil sa mga basag na salamin na nagkalat. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang itim na envelope na nakapatong sa gutay-gutay kong bedsheet. Nagsilabasan na ang foam nito.

OFFSTAGE (Suspire Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon