I rushed up to him, locking my arms around his waist and resting my head on his chest. Nagpakawala ako ng mabigat na hininga na para bang matagal ko nang hindi nailalabas iyon. Pinikit ko ang aking mata nang maramdamang niyakap niya rin ako pabalik. He was caressing my back as if he was trying to calm me down.
When I finally held him and saw his face, all of my worries and overthinking disappeared completely. Doon ko lang naramdaman na ang init niya. His only garment consists of a fitted white shirt, black pants, and black shoes. Mabilis akong humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya at pinatong ang palad ko sa kaniyang noo.
"Nilalagnat ka!" nagpa-panic na usal ko. Ang init ng balat niya. "Bakit ka pumunta dito? Sinabi ba ni Aubry na puntahan mo ako?" sunod-sunod na tanong ko.
Why else na alam niya ang address kung nasaan ako. Alam naman pala ni Aubry na may sakit si Mason, pinapunta pa niya rito.
"You had hugged me earlier. And now you're scolding me," biro niya. Halatang nanghihina at namumutla rin siya. Mabilis akong umiwas ng tingin nang magtama ang mata namin.
He was staring at me as though it was the first time he'd seen me. Ang tagal nga naman ng halos limang araw na walang pag-uusap. Hindi ko na rin nakilala iyong kapatid niya.
Hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko at hinala ako palapit sa kaniya. "I miss seeing your face," he confessed. My heart was thumping against the inside of my chest. To calm my tingling sensation, I bit my left cheek. That was not anything I expected him to say.
Huminga ako ng malalim. "You've been on my mind too," I said back. Because I've spent the last five days stressing over nothing. Consider the possibility that Mason has lost interest in me. But, aside from that, I miss seeing his face too.
Inaya ko siya na pumasok sa mansion but he refused. Kaya sa loob ng kotse nalang kami sa backseat. Ang dahilan niya ay bawal daw pumasok sa bahay na may namatayan kapag may sakit o sugat ka dahil matagal daw itong gumaling. Hindi ko inaasahan na naniniwala siya sa mga gano'n.
"Hindi ba nagwo-work lang 'yon if dinalaw mo 'yong patay sa mismong lamay?" I guessed. "Bakit ka pa kasi pumunta dito?" frustrated na sambit ko. Kahit na masaya rin naman ako na nandito siya.
He frowned. "Sinagot na kita ah," reklamo niya.
I smidge my lips as I recalled what he had just said. At ang naalala ko lang ay miss niya daw ako. That's all the reason? What the hell? Lalabas na 'yong puso ko mula sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok nito. Mabuti nalang at gabi na kung hindi ay makikita niya ang pamumula ng pisngi ko.
I snorted to hide my giddy face. "Kapag ako nahawaan mo ng sakit, lagot ka sa akin," pagbibirong banta ko nang yakapin niya ulit ako. Agad naman siyang lumayo sa akin. Tumawa ako at lumapit sa kaniya. My back was still flattened into his chest, and his back was leaning against the door.
"Baka mahawaan ka," he said worriedly.
"Ngayon mo lang naisip 'yan pagkatapos mo aking niyakap kanina." I raised my eyebrow. Hindi naman ako madalas hawaan ng sakit. I rarely had fevers.
Bago pa siya magsalita ay mabilis ko siyang hinalikan sa labi. My sudden action made him stiffen. Isang mabilis na dampi lang sa labi. Kanina pa niya ako pinapakilig at ginugulat. Ngayon siya naman. Mas lalo kong siniksik ang sarili ko sa kaniya. He didn't have a choice but to hug me from behind.
"We should get to the hospital. Ang init mo," I suggested.
"Kagagaling ko lang doon," he responded, which startled me. Kung galing siya sa ospital, malala na talaga ang lagnat niya. Mabilis akong kumalas sa yakap niya at hinarap siya nang puno ng gulat. When he saw my reaction, he quickly said, "But I'm fine now."
BINABASA MO ANG
OFFSTAGE (Suspire Series #2)
RomanceCaneles Rodriguez comes from a very affluent background. After her father died, she made the decision to live apart from her mother and stepdad whom she couldn't get along with well. When she meets Mason Chase, she doesn't expect to fall head over h...