Kabanata 6

107 4 0
                                    

I recently woke up and went immediately out of my room. Napamura ako ng malakas nang madatnan si Aklan sa couch ko. Nakabukas ang TV at may mga pagkain sa coffee table. Nakasuot pa siya ng blue soccer uniform habang nakatakip ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha.

"Putcha! Di ba uso damit sa inyo?" reklamo niya. Napatingin naman ako sa katawan ko. Wala nga pala akong kahit anong saplot na pantaas at panty lang ang suot ko pambaba.

Oops.

It's become a habit of mine to sleep in nothing but undies. Atsaka wala namang masama kung maghubad ako sa sarili kong condo. Bumalik ako sa kwarto at nagsuot ng robe. With a brow raise, I folded my arms across my chest and gazed at Aklan. Nakatuon na ang atensyon niya sa screen ng TV. Nanonood ng soccer game habang hawak-hawak ang malaking junk food sa kamay.

Feel at home lang gano'n.

Dahil hindi niya napansin ang paraan ng pagtingin ko. To catch his attention, I cleared my throat. "Anong ginagawa mo dito?" taas kilay na tanong ko.

"Pahinga lang saglit," sagot niya nang hindi man lang ako tiningnan. Mali ata na binigay ko sa kaniya 'yong passcode ng unit. Malapit lang kasi ang pinapasukan niya dito sa condo. "Ba't ang hilig ninyong maghubad sa harap ko," nagtatakang usal niya.

"Bakit? Sino-sino bang naghubad na sa harapan mo?" balik-tanong ko.

Bigla siyang tumawa habang nakatingin sa TV. Hindi ko alam kung 'yong tanong ko ba ang tinatawanan niya o 'yong pinapanood niya. Pero hindi niya ako sinagot. Tumabi ako kay Aklan pero bigla siyang napausad sa kabilang gilid ng couch, akala mo may nakakahawa akong sakit.

I stood from my seat and proceeded over to the kitchen, where I began preparing lunch. Mamaya na pala ang awardings ni Mason at sa Center Manila gaganapin. Saktong pagharap ko sa aking likuran ay nakaupo si Aklan sa dulo ng dining table habang nakatukod ang kaniyang mga braso sa ibabaw ng lamesa.

When he flashed a taunting smile, my brows wrinkled. "Umamin ka nga, Ate Caneles. May boyfriend ka na 'no?" panghuhuli niya sa akin.

Sinalin ko sa isang bowl ang niluto ko at kumuha ng dalawang plato. Inaya ko si Aklan na kumain pero hindi pa rin nawala ang mapang-asar niyang ngiti habang sumusubo ng niluto ko. I deliberately ignored him.

"Deadma, ah. Sige..." Umakto siyang umuubo. Hindi ko pa rin siya pinansin at sumubo ng kinakain ko. Hindi ko naman kasi masagot iyong tanong. Matagal na rin simula nang magsimula kaming mag-date ni Mason. Pero hindi ko alam kung kailangan ko pa bang sabihin na kami na o kailangan ko pa bang maghintay na tanungin niya ako. But I already knew I liked him. "Nagsisimula sa letrang M?" Aklan suddenly added.

Nabilaukan ako nang banggitin niya ang first letter ng pangalan ni Mason. When Aklan witnessed my reaction, he burst out laughing. Uminom ako ng tubig at pinagpag ang dibdib ko, habang siya naman ay walang humpay sa pagtawa.

"Paano mo nalaman?" I managed. "Pinakialaman mo ba cellphone ko?" pang-aakusa ko.

"Hindi ah! Manghihiram lang dapat ako ng charger," he reasoned. "Binabanggit mo 'yong pangalan niya pagkapasok ko sa kwarto mo kanina habang tulog ka. Pati ba naman sa panaginip Ate Cane, minamanyak mo. Kadiri ka po," he teased. Muntik ko na siyang batuhin ng tinidor dahil sa sinabi niya.

Is it true that I said his name while I was sleeping? Hindi ko naman siya napanaginipan.

"Ikaw ang maghuhugas." I glared at him. Tinawanan niya ulit ako. Papalitan ko na ang doorknob at passcode ng unit ko. Hinding-hindi ko na talaga papapasukin si Aklan dito sa condo kahit kailan.

"Kaya pala wala na akong naaabutan na boxer sa sahig," dagdag pa niya habang halos maiyak na kakatawa. Kaya binato ko siya ng tinidor ngunit mabilis siyang umiwas.

OFFSTAGE (Suspire Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon