Kabanata 9

12 0 0
                                    


Iniwan ako magisa ni Cris dito dahil mas nauna siyang mag walk out kaysa sa akin. Infairness spotlight stealer si Cris.

Kidding aside, kailangan ko makausap ulit si Proserpina ukol sa nararamdaman ni Crisostomo. Ang alam ko talaga walang bakas ng alaala niya sa nangyari dati. Kagagawan ko kaya ito?

Pagkabalik ko ng mansyon sinabi sa akin ni Maria na umuwi saglit si Cris para magpahinga dahil sumakit daw ang ulo nito.

"Ngunit babalik siya mamaya para sa salu salo." saad ni Maria.

Tumango naman ako at pilit na ngumiti, nagpaalam ako saglit ngunit hinawakan ako sa braso ni Maria upang pigilan ako, "Nena may itatanong lang sana ako sa iyo ngunit wag mo mamasamain."

Kinabahan ako sa tono ng boses ni Maria, "Ano po iyon?"

"Napansin ko lang na nagiging malapit ang loob niyo sa isa't isa ni Crisostomo.." bumuntong hiniga siya at tila nangangamba sa susunod niyang sasabihin.

"Huwag ka magalala ate Maria at magkaibigan lang kami ni Crisostomo, huwag ka mangamba at lalayuan ko si Crisos—"

"Hi-hindi iyon ang nais ko iparating Nena huwag mo mamasamain, ayos lang na nakikipagusap ka na sa mga tao. Huwag mo na intindihin ang sinabi ko. Tandaan mo na hangad ko ang kaligayahan mo." nalulungkot ako para kay ate Maria dahil mostly sa ugali niya nakuha ko iyon.

"Pasensya na po Ate Maria kung naisip mo ang mga bagay na iyan."

Ang nararamdaman ko para kay Crisostomo ay hindi naayon sa mga panahon na ito. Si Maria ay para kay Crisostomo, hindi dapat ako maki-sawsaw sa pagmamahalan nilang dalawa dahil wala ako karapatan na magmahal ng sinuman tao sa panahon na ito. Ang salinlahi ko ay magmumula kina Ate Maria at Crisostomo at wala akong laban doon.

"Ako dapat ang humingi ng dispensa sa iyo Nena ngunit kalimutan na natin iyon at hindi dapat tayo magkaroon ng tampuhan dahil paparating na si Kuya Hudin." ngumiti ako kay Maria at niyakap ito, ginantihan din naman niya ang yakap ko. Tukso lamang itong nararamdaman ko at isa itong pagsusulit kung bibigay ako sa mga bisig ni Crisostomo.

Siguro nasa parte ng pagiisip ko ang dating Nena na gustong pumasok sa aking utak at pilit sinasabi na minahal ko ang isang Crisostomo.

Humiwalay na kami sa pagkakayakap at sinabi niyang puntahan ko si Esteban na nasa puno ng Narra at hinihintay ako roon.

Mabuti na rin ito upang makapagusap kami tungkol sa pagiiba niya ng petsa ng aming kasal.

Nakarating ako sa puno ng Narra at nakita ko si Esteban na may hawak na gitara at nasa front pocket sa may dibdib niya ang isang red rose.

"Esteban.. Ano ito?"

"Haharanahin kita Binibining Nena." nagsimula na niyang I-strum ang gitara.

"Ngunit isinasagawa iyon sa tahanan." natatawa kong sambit.

"Nena ikaw ang tahanan ko." seryoso niyang tugon. Natigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi nito. Seryoso ba siya? Pakshet ngayon lang may nagsabi sa akin ng ganyan.

"Ahh talaga? Salamat." naiilang kong sagot.

Inilahad sa akin ni Esteban ang kanyang palad saka iginaya na umupo sa ilalim ng Punong Narra.

"Sa aking mga mata ikaw lamang
Ang aking mahal wala na katumbas
Sa iyo lamang ang aking puso
Ikaw ang dinarasal noon pa man
Huwag ka nang mawawala aking mahal sinta."

"Esteban.." hinawakan ko ang kanyang kamay, "Maaari ko ba malaman kung bakit mo binago ang petsa ng ating kasal?"

Natawa ng bahagya si Esteban at tsaka binaba ang gitara, "Anong masasabi mo sa aking handog na kanta Binibini?"

To Breathe With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon