Kabanata 3

18 0 0
                                    

"Senorita Nena, gumising na po kayo at hinihintay na kayo ni Donya Felicissima." ilang yugyog pa ang ginawa sa akin ni Rosa bago ako tuluyan magising. Pagmulat ko ng mata ko kita kong wala pa sinag ng araw.

"Hmm hmm hmm?" kahit alam kong hindi ako maintindihan ni Rosa sa sinabi ko ay nagbabaka-sakali akong maunawaan niya ito. Ngunit kumunot lamang ang noo niya.

"Ho? Hindi ko po mawari ang nais niyong ipahatid Senyora."

Hindi pa kasi ako nagmumumog. Tumayo ako at tsaka pumunta sa banyo para maghilamos at magmumog.

Nang matapos ako humarap ako kay Rosa, "Ang sabi ko, anong oras na ba at parang kay aga pa para simulan ang umaga."

"Ho? Diba po eto ang inyong libangan mag-ina tuwing Sabado?"

Napalunok ako sa sinabi ni Rosa. Kung hindi man ako tanga-tanga at maraming sinasabi edi sana tapos na ang usapan namin!

"Ha-ha–oo nga pala nakalimutan ko. Sige sabihan mo si ina na magaayos lang ako. Salamat."

"Masusunod po Binibini, hintayin niyo po ako at babalik ako upang maasikaso ko kayo."

"Huwag na at hinatayin mo na lang matapos maligo, tsaka mo na lang ako asikasuhin." tumango si Rosa tsaka ako iniwan magisa dito sa aking silid.

Pumunta na ako sa kubeta at nagsimulang maligo. Habang kinukuskos ko ang aking balat, naalala ko ang paguusap namin ni Proserpina noong nakaraang araw.

Kaya pala ako nagkakaroon ng sama ng loob at kirot sa puso dati dahil nagpapahiwatig itong malapit na ako pumunta sa panahon na ito. Kaya ako nakararamdam ng pananakit ng puso sa tuwing nakikita ko si Cris ay dahil sa pagkakaroon ng pinagbabawalan na pagmamahal namin dati.

Kaya rin iisa si Cris at Crisostomo dahil naniniwala siyang na- reincarnate ito ngunit nasa ibang katauhan na siya at nasa ibang pamilya. In short, hindi ako kilala ni Cris sa modernong panahon at dito sa sinaunang panahon. Walang bahid na alaala siya sa mga nagawa niya dati sa sinaunang panahon.

Hindi na masyado na-ikwento ni Proserpina sa akin ang buong detalye ngunit napapaisip ako na lahat ng nangyari simula noong pumasok ako sa buhay ni Dion ay nakatakdang mamgyari sa akin–sa amin.

Kaya gagawin ko ang lahat, sa abot ng aking makakaya na huwag mahulog ulit kay Cris. Magkaroon man lang ng peace of mind ang dating Nena at hindi ko magawa ulit ang kanyang pagkakamali.

Natapos akong maligo at magayos nang bumaba na ako sa hapag kainan.  Naroon na si Maria at ina ngunit wala si ama. Maingat akong umupo para hindi ako makagawa ng ingay ngunit binibiro talaga ako ng tadhana dahil may pusa na kumalmot sa akin.

"Ay puta ka!" sigaw ko sabay sipa sa pusa. Nakita ko ang gulat sa reaksyon ni Maria at ina dahil napatayo sila sa kanilang upuan.

"Nena! Bakit mo sinipa si Goryo? Regalo iyan sayo ni Esteban diba? Ayaw mong nadudumihan ang iyong pusa ngunit ngayon ay sinipa mo ito. May problema ka ba o iniisip?" saad ni Maria.

"Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo, Nena. Kasalanan iyan sa Diyos at nanakit ka ng hayop. Dadaan tayo ng simbahan mamaya upang humingi ka ng tawad bago tayo pumunta ng bayan."

Napayuko ako sa labis na hiya, ang tanga mo talaga Kayla kahit kailan! Kaya lagi kami nag-aaway ni kuya dati dahil ang tanga ko!

"Paumanhin po sa naging asal ko, ate Maria at ina. Hindi na po mauulit.."

"Dapat lang Nena dahil masama sa babaeng tulad mo na may pinagaralan at nanggaling sa marangyang pamilya ang makarinig ng ganyang pananalita mo. Nakakahiya sa mga kapit-bahay at sa buong baryo ng Bulakan."

To Breathe With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon