Kabanata 7

13 0 0
                                        


"Hmm ang pogi mo Esteban hindi kita nakilala muntik na ako mainlove sayo ng slight!" narealize ko na ang pasmado ng bibig ko dahil hindi ko na naman iniisip mga sinasabi ko.

"Paumanhin Binibini ngunit ano ang salitang mainlab at slayt?" bwisit kasi itong si Esteban bakit ang ganda ng kasuotan niya ngayon? Kung dati ung simpleng pang heneral lang ung suot niya araw-araw ngayon naman pang heneral pa rin naman kasuotan niya ngunit mas gumanda at magarbo ito.

"Uhh basta hehe tara isayaw mo na ako." ako na humila kay Esteban para matahimik na siya kakatanong sa akin. Sumunod naman ng nakangiti ito at kita mo sa mga mata niya na patay na patay ito sa akin. CHOOOZS.

"Ang ganda ng awitin hindi ba?" tanong sa akin ni Esteban habang isinasayaw ako ng mabagal.

"Oo naman pero mas maganda pa rin ung pag rakrakan na tunog! Oh yeah rock en roll." ginawa ko pa ung rak en roll na hand sign and head bang para mas dama.

Natawa si Esteban sa ginawa ko, "Anong salita na naman 'yang sinabi mo Nena? Rakenrol? Saka ano 'yang ginawa mo sa kamay mo mukhang maganda ha."

"Ah basta huwag ka masyado maraming tanong. Ang tandaan mo lang kapag gagawin mo ang simbolo ng rak en roll ay..." ano nga ba ang magandang simbolo nito? "hmm magaling!"

"Magaling!" natawa ako dahil ginaya niya ung hand sign ng rak en roll.

"Sabihin mo nga oh yeah rak en roll tas tango-tango mo ung ulo mo yan ganyan!" hindi na ako makahinga kakatawa dahil nauto ko na naman si Esteban sa kalokohan ko.

"Oh yeah rak en roll magaling magaling!" naiiyak na ako sa pinagagawa ni Esteban dahil mukha siyang tanga kaka head bang. Ang saya talaga mang uto kapag tanga ung tao.

"Gawin mo rin ito." tinaas ko ung middle finger ko. Hindi ko na napigilan tumawa nang malakas noong gayahin niya iyon. Natahimik lamang ako nang nakatingin na pala sa amin ang lahat ng tao. Dinala ako sa medyo tagong lugar ni Esteban para doon niya ako isayaw at habang naglalakad kami nakita ko si Cris na nakatingin sa amin ni Esteban.

"Tama na nga ang kalokohan Esteban at isayaw mo na ako ng maayos."

"Isa ito sa paborito kong himig. Lagi ako isinasayaw ng aking ina noong bata ako kaya sabi ko noon na magsasayaw lamang ako ng babae kapag nahanap ko na ang makakasama ko pang-habambuhay. Gusto ko ikaw lamang ang unang makakahawak ng aking kamay, makakaramdam ng aking lubos na pagmamahal, at tignan ka ng matagal sa iyong mga mata. Gusto ko isayaw ka hanggang sa kulubot na ang mga balat ko, gusto kong isayaw ka kahit namamanas na ang katawan ko. Marami ako pangarap at gusto, at gusto ko iyon lahat gawin kasama ka irog ko."

Hindi agad ako nakareact sa sinabi ni Esteban dahil lahat ng sinabi niya tagos sa puso. Hindi galing sa utak kundi sa sinisigaw ng kanyang puso.

Matagal kaming nagtitigan ni Esteban sa mga mata. Hindi sa sinasabi kong malandi ako pero kapag alam kong galing sa puso ang sinasabi ng isang tao lumalambot ang aking pagkatao. Kumbaga may soft spot na ako sa tao na iyon pero sa case ni Esteban hindi ko mahanap iyon. Hindi ko mabukas ung hinahanap kong soft spot sa kanya.

Baka kasi naiisip ko sa kanya si Dion? Masyadong bukal sa mga sinasabi dahil hindi nito pinagiisipan ang mga sinasabi basta masabi lang ang nais nito.

Hindi madali makuha ang aking puso kapag may nagconfess sa kanilang nararamdaman sa akin dahil may tinitignan ako sa isang lalaki. Sa sitwasyon ni Dion at Esteban handa silang saluhin ang isang bala para sila ang matamaan ang hindi ako.

Well hindi ako ganong tao. Hindi ko hahayaan na iligtas ako at tignan ako ng maliit ng mga tao dahil lamang alam nila na isa akong babae. Hindi lamang ako isa babae, higit pa ako roon. Gusto ko makita ako ng tao na kaya ko tumayo sa sarili kong mga paa at hindi ko kailangan ng may sasalo na bala para sa akin upang mabuhay.

To Breathe With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon