"Kay sarap pagmasdan ang mga ulap dahil kitang-kita mo ang pagka-kulay azul nito. Ang araw naman ay tila masigla ngayon, alam mo ba Nene na nakatutulong ang araw sa tao?" tanong sa akin ni Maria. Nasa taas kami ng burol kung saan matatagpuan ang punong Narra.Dito kami lagi tumatambay ni Maria dahil pagmamay-ari ito ng aming pamilya. Alas-syete pa lang ng umaga ngunit matirik na agad ang araw. Dito kami nag-almusal ni Maria dahil wala naman sina ama at ina kaya malaya kami gumalaw, ngunit babalik din sila agad bago kami pumunta ng partido nila Esteban mamaya.
"Gusto mo ba mamasyal sa bayan, Nene?"
"Hindi ba bilin sa atin nila ama at ina na huwag natin iiwan ang mansyon?" gusto ko naman umalis ngunit tinatamad akong kumilos dahil napaka-aga para mamasyal. Tsaka ano naman gagawin namin ni Maria sa bayan?
"Ang sabi nila, huwag natin pababayaan ang mansyon, ibig-sabihin huwag tayo gagawa ng kalokohan na magiging resulta ng pagkasunog nito."
Tumawa ako nang bahagya sa sinabi ni Maria, tumayo ako mula sa pagkakahiga at pinagpag ang mga damo na dumikit sa aking saya. Inilahad ko ang aking kamay kay Maria upang iparating sa kanya na sumasang-ayon ako sa alok niyang mamsyal.
Lumawak ang ngiti ni Maria at hindi na nag-atubili na kunin ang aking kamay. Sabay kaming bumaba ng burol at nagpunta sa kani-kanilang silid upang maligo. Namiss ko tuloy maka-bonding ang pamilya at kapatid ko, kahit hindi kami masyado nagkakasundo sa mga bagay-bagay, kapag sa kalokohan at kasiyahan ay magkakasama kaming tatlo.
Natapos kaming magayos ni Maria at sumakay na agad kami ng karwahe. Ngunit hindi pa nakakalabas ng tuluyan sa mansyon nang may humarang na kabayo sa aming harapan.
"Mukhang hindi pa huli ang lahat at kayo ay aking naabutan." sambit ni Esteban habang pababa ng kanyang kabayo.
Nagulat kami ni Maria at dali-dali siya bumaba ng karwahe, "Bakit ka naparito Heneral? May nais ka ba ipagbilin?" saad ni Maria.
"Nais ko sana bisitahin si Nena," Inayos niya ang kanyang pantalon tsaka tinanggal ang sumbrero upang yumuko. "Ngunit may gusto ata kayong puntahan, maaari ko ba malaman kung saan iyon?"
Lumawak naman ang ngiti ni Maria habang sinisiko ako. Hindi ko naman mawari na ngumiti dahil iniisip ko pa rin ang pupuntahan naming salo-salo mamaya at sa punto na ipapakilala ako ng kanyang ina sa kanilang angkan.
Napansin ni Maria na hindi ako sumasagot kaya siya na ang nagsalita, "Papunta dapat kami ng bayan upang mamaysal. Nais mo ba sumama sa amin, Heneral?" ngiting alok ni Maria na dahilan ng aking pagkagulat.
Tumingin ako kay Maria upang bawiin ang kanyang sinabu ngunit huli na ang lahat dahil kumbinsido si Esteban na sumama sa amin. Napaka talaga naman ito! Parehas silang walang hiya ni Dedi! Nalungkot naman ako nang sumagi sa utak ko si Dedi.
Siniko naman ako ni Maria upang segundahan ang kanyang alok kay Esteban. Huminga ako ng malalim at ngumiti, "Halina, Esteban!" pumasok na muli kami ni Maria ng karwahe at sumakay naman na si Esteban sa kanyang kabayo.
"Tunay ngang minamahal ka ni Ginoong Esteban, Nena." abot tainga ang ngiti ni Maria sa akin. Hindi ko naman alam irereact ko dahil wala sa plano ko ang magkaroon ng relasyon sapagkat ito'y sagabal lamang sa akin.
"P-paano mo naman nasabi..." hindi pa ako totally moved on sa amin ni Dion at alam ko na sa pinakaloob-looban ng puso ko, nandirito pa rin siya. Ang piraso ng alaala namin ni Dion ay kailanman mananatili sa puso ko.
Ginagawa ko itong misyon ko alang-alang kay Dion. Kapag hindi ako nagtagumpay sa misyon na ito, maaaring mabago ang lahat at hindi ko na muli makakasama si Dion.

BINABASA MO ANG
To Breathe With You
Ficción histórica[WITH YOU SERIES #2] Matapos maaksidente sina Kayla at Dionysius dadalhin tayo ni Kayla bilang Nena sa panibagong yugto na haharapin niya. Bumalik si Kayla sa panahon ng pananakop ng Espanyol upang ayusin ang trahedya na nangyari dati. Dito niya ma...