Kabanata 8

14 0 0
                                        


"Proserpina!" tumakbo ako kaagad kay Proserpina at sinalubong ko siya ng yakap, "Namiss kita super!" ginantihan din ako ng yakap ni Proserpina. Grabe ang tagal namin hindi nagkita.

May inayos kasi siya sa Pangasinan pero hindi niya sinabi kung ano yon. Baka nagbebenta to ng drugs ha? Joke! Hehe.

"Sa oras na nabalitaan ko na uuwi si Hudin sinigurado ko talaga na makauwi agad para makisagap ng chismis." tumawa nang malakas si Proserpina at hinampas ako, "Biro lang. May crush kasi ako kay Hudin noh! Ang pogi pogi kaya ng ninuno mo."

Nag flip ako ng hair, "Aba kanino pa ba ako magmamana? Duhh." umirap naman sa akin si Proserpina. Aba siraulo to ha.

"Proserpina nandirito ka na pala. Maligayang pagbalik." sinalubong din ni Maria na kakarating lang si Proserpina.

Ngumiti si Proserpina, "Cómo estás?"

"Estoy bien gracias por preguntar."

"¿Nena se comportó como se supone que debe ser?"

Natawa ng malala si Maria, "Sólo si estás aquí, Nena es un desastre."

Ayun silang dalawa masaya na nagusap ng Espanyol. Kawawa naman ako di ako makasunod sa pinaguusapan nila hanggang como estas lang ako. Huhuhu madayaaa.

Tumawa ng malakas si Proserpina, "Ojalá estuviera aquí para ver sus acrobacias de estupidez."

"Bueno, ahora que estás aquí, ven a presenciarlo. ¿Verdad Nena?" what? Tinatanong ba ako ni Ate Maria? Ano isasagot ko? Omg Proserpina help!

Nahalata ni Proserpina na natataranta ako sa isasagot ko kay Maria kaya kinuha ni Proserpina ang aking kamay, "Oo naman hindi na ako makapaghintay." sagot ni Proserpina.

Pumasok na kami sa Mansyon at sinalubong din ni mader at pader si Proserpina. Sinabi rin nila na ako ang magluluto ng tanghalian namin kaya nanlaki ang mata ko.

"Paborito ni Proserpina ang Kare-Kare ni Nena kaya sigurado ako nasasabik si Proserpina sa luto ni Nena." saad ni mader.

"Opo naman Donya Felicissima hindi na po ako makapaghintay sa luto ni Nena."

Ngumiti si mader, "Bueno, iimbitahin ko sina Ginoong Crisostomo at Heneral Esteban upang maging masaya ang tanghalian natin."

Lumawak ang ngiti ni Maria dahil makikita na naman niya ang iniirog nito, samantalang ako naman nagtatampo ng kaunti kay Esteban dahil hindi man lang niya ako tinanong tungkol sa desisyon na ginawa niya.

"Haayy magkikita na naman ang mag-irog, fifth wheel na naman ako Nena." sinandal ni Proserpina ang kanyang ulo sa braso ko habang ako naman naghihiwa ng sitaw. Nasa kusina na kami ngayon nagluluto.

"Si Ate Maria lang naman masaya." tumingin sa akin si Proserpina, "Eh kasi naman biglang iniba ni Esteban ang petsa ng kasal namin. Akala ko sabay kami ng kasal ni Ate Maria pero inilipat niya sa kaarawan ko. Paano na iyon Proserpina? Paano na ung plano ko?"

Napansin ko na ang harsh na ng paghihiwa ko kaya tumigil ako saglit at bumuntong hininga.

"Tinanong mo ba siya bakit niya inilipat ang petsa?" umiling ako, "Pakutuban mo muna ang mga kilos niya Nena dahil alam ko ang tumatakbo sa isipan mo ngayon. Huwag ka basta-basta nagiisip ng masama sa mga tao dahil baka hindi naman masama ang intensyon niya. Mamaya kausapin mo si Esteban."

Buti na lang nandito si Proserpina para i-gabay niya ako. Masyado na siguro malala ang trust issues ko at pagooverthink sa modern world na nadala ko na dito sa mundong ito.

Mabuti na rin noong inikwento ko sakanya sa telegrama na pinadala ko  ang tungkol sa amin ni Esteban hindi siya nagalit. Baka hindi lang niya pinapakita o pinapahalata pero alam kong may bahid na kaba siya sa panibagong yugto ng buhay ko.

To Breathe With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon