Hindi ko na lang pinansin si Cris sa pakikitungo niya sa akin. Wala naman ako magagawa kung ayaw niya ako pansinsin. Ano ba magagawa ko diba, tsaka ito naman ang gusto ko, ang huwag ako pansinin ni Cris.Napahawak ako sa aking dibdib, kumikirot na naman ito pero ang lagi ko sinasabi hindi ito ung dating sakit na naramdaman ko sa modern world.
Inubos ko ung kinakain ko na suman tsaka pumunta sa entablado upang magsayaw. Narinig ko na tinawag ako ni Donya Severina at Don Fulgencio, ang mga magulang ni Crisostomo. Shems kinabahan naman ako bigla bakit nila ako tatawagin?
"Binibining Nena bakit ka nagiisa? Nasaan ang kuya at ate mo?" mahinhin at nag-aalala na sambit sa akin ni Donya Severina.
"Ahh si Kuya Hudin po kasama si Purita tapos inaya naman ni Crisostomo magsayaw si Ate." nahihiya kong sambit. Paano ba naman kasi hinihimas ni Donya Severina itong likod ko at awang-awa sa akin. Hay nako Donya Severina kung alam mo lang na gusto ko talaga laging magisa.
"Nabalitaan namin na pumunta ang iyong nobya sa Segbu dahil bigla siyang kinailangan doon. Kaya siguro balisawsaw at tila wala kang gana Binibining Nena." pabirong sambit sa akin ni Don Fulgencio. Oo nga pala naalala ko na hindi ko pa pala nababasa iyong letra ni Esteban, mamayang pagtulog ko na lang babasahin.
"Hindi naman po gaano, alam ko po na ginagawa iyon ni Heneral Esteban upang pangalagaan ang mga mamamayan." pilit akong ngumiti. Ang awkward na pinaguusapan namin ung tao na gusto ko nga muna kalimutan kahit saglit.
"Napakabuti mo talagang anak Binibining Nena kaya mahal na mahal ka nina Donya Felicissima at Don Constancio.
Ngumiti na lang ako bilang tugon. Mabuting anak pa ba ang pinapakita ko kung puro pasakit sa ulo pinaparamdam ko?
"Bueno, nakapili ka na ba ng iyong trahe de boda?" tanong ni Donya Severina.
Umiling ako, "Hindi pa po. Sa pagbalik na po siguro ulit ni Esteban." tumango naman silang magasawa. Nagpaalam na ako sa kanila kaya hinanap ko sina Milagros pero ang nakita ko ay sina Kuya Hudin at Purita. Naguusap sila sa tagong lugar kaya pinakinggan ko ito. Chismokers lang ng sinaunang panahon.
"Heneral tila wala ka pa rin pinagbago, nakukuha mo pa rin ang loob ng mga babae rito sa iyong partido gamit lamang ang iyong mga magagandang mata." nangaasar na sambit ni Purita.
Natawa ng bahagya si Kuya, "Ngunit ang aking mga mata ay nakatingin lamang sa iisang Lakambini." tarayyy! Kinilig ako sa banat ni Kuya Hudin ha! Alam ko na talaga kanino ako nagmana.
Nakita kong kumurba ang mga ngiti sa labi ni Purita. In fairness may asim pa silang dalawa.
"At alam mo pa rin kung paano kuhanin ang loob ng mga babae." hindi makapaniwalang sambit ni Purita. Aww ang landi pala ni Kuya Hudin, ang daming chiks! Dito rin kaya ako nagmana? Chour.
"Purita alam mo na nangako ako sayo noong umalis ka sa bansang ito at sa aking pagmamahal," sumeryoso ang tono ni kuya at hinawakan ang kamay ni Purita at nilagay ito sa kanyang dibdib. "Hinding hindi ako magmamahal ng ibang babae, hindi ako titingin sa mata ng ibang babae, at hinding hindi ako hahawak ng ibang kamay ng babae dahil ang aking puso ikaw lamang ang nilalaman at ang gusto ko ikalad sa altar."
Hindi ko alam pero may namuong luha sa mata ko sa sinabi ni Kuya. Ramdam ko ang pagmamahal niya kay Purita at walang halong biro ang mga sinabi nito, sadyang pure at sincerity lang.
Lahat ng tao dito nahanap na ang kanilang minamahal, lahat sila masaya sa kanilang kasintahan. Ngunit ito ako sa isang sulok pinagmamasdan ang aking mga mahal sa buhay na masaya sa kanilang mga minamahal.
Hindi ko na narinig ang sinagot ni Purita kay Kuya Hudin, basta kung ano man ang maging desisyon nila sa bawat isa, masayang masaya ako para sa kanila dahil alam ko na mahal din ni Purita si Kuya.
BINABASA MO ANG
To Breathe With You
Ficción histórica[WITH YOU SERIES #2] Matapos maaksidente sina Kayla at Dionysius dadalhin tayo ni Kayla bilang Nena sa panibagong yugto na haharapin niya. Bumalik si Kayla sa panahon ng pananakop ng Espanyol upang ayusin ang trahedya na nangyari dati. Dito niya ma...