Pagdating namin ng bayan pumunta kami sa nagtitinda ng iba’t ibang kakanin at lahat iyon tinikman ko. Inubos ko na ata pera ni Esteban dahil siya lagi nagbabayad ng kinakain ko.
"Nabusog ka ba, Binibini ko?" issshhh ayan na naman siya sa Binibini ko. Hay nako Esteban buti na lang binusog mo ko dahil ipagpapaliban ko ito.
"Pagpasyensahan niyo na po ang aking kapatid Heneral sadyang matakaw lang po talaga si Nena." siraulo din itong si Maria parang nung kaarawan ko lang hindi siya matakaw ha!
Nakita ko naman natawa nang kaunti si Crisostomo kaya napapout ako. Anong tinatawa-tawa nila diyan? Mga siraulo.
Pagtapos namin kumain pumunta kami sa mga shop at nagtingin tingin ng mga alahas. Grabe mga tunay gold ito! Ang yaman pala talaga ng Pilipinas dati at ang ganda pa, maganda pa rin naman sa modern world ngunit nasisilaw na ang mga kataaas-taasan sa yaman kaya pati mga madla naapektuhan.
"May gusto ka ba sa mga kwintas na iyan, Binibini ko?" pilyang saad ni Esteban.
"Ano ba yan Esteban tigil-tigilan mo ko sa pagsasabi ng Binibini ko baka ikaw ay sampalin ko." natawa naman sa sinabi ko si Esteban dahil alam niya na kanina pa ako naiirita sa tawag niya sa akin.
Gustong gusto lang ako inisin ni Esteban at ang galing niya doon in fairness.
"Bakit ka naiirita sa akin Binibini? Bawal ko ba lambingin ang mapapangasawa ko?" seryosong saad nito. Oh noes paano na ito? Wala nga ako balak pakasalan si Esteban e huhuhu help meeee. :<
"Ahh..." kailangan ko ito matakasan dahil sa ngayon wala pa ako naiisip na isasagot sakanya. Duhhhh ayaw ko na ihurt feelings niya. "Hala si ate Maria magisa lang doon! Puntahan mo bilis!" tinulak tulak ko pa siya paalis sa akin para lang lubayan niya ako.
Sa wakas I'm free!
Umiba ako ng direksyon para magkaroon ng oras para lang sa sarili ko. I usually hate people at hindi ako comfortable sa kanila dahil isa akong ambivert. Pero nang dumating ako sa panahon na ito unti-unting nahahasa ang pananalita ko at pakiramdam ko dito talaga ako nararapat.
Kahit hindi naman talaga.
Pumunta ako ng palengke at nasilayan ko ang mga tao na masasayang naguusap at nagtutulungan. Hindi talaga mawawala sa tao na maging hospitable sa mga tao. Nasa ating Pilipino na talaga iyon at hindi man maalis sa atin.
Pagtapos kong malibot ang palengke may nakita akong isang tagong lugar kung saan masisilayan mo ang magandang lawa. Pumunta ako doon at nagdecide muna mag muni-muni saglit.
Pumikit ako at dinamdam ang sariwang hangin, "Dion... Kung naririnig mo man ako.. Magparamdam ka, chos." napangiti ako nang maalala ang hugis ng mukha at mata nito, "Nasa malayong panahon man ako ngunit ang puso ko ay konektado sayo. Kahit na sabihin ni Proserpina na kalimutan muna kita pansamantala ngunit tuwing magisa na lamang ako hindi ko maiwasan na isipin ang mga alaala na ginawa binuo nating magkasama. Nawa'y tibayan mo ang loob mo at hintayin mo ang pagbabalik ko. Huwag ka mangangambang magisa sa dilim bagkus tandaan mo na lagi ako nasa iyong piling."
Ilang segundo pa ako nanatiling tahimik nang makarinig ako ng kaluskos.
"Kanina ko pa winawari kung saan ka napadpad." panimula ni Crisostomo, "Sino ang iyong kausap?"
Tumabi sa akin si Crisostomo ngunit may pagitan pa rin sa amin, "Huwag kang chismoso rawr."
"Mukhang malalim ang pinaghugutan mo ng mensahe. Sa tingin ko kung sino man ang ang tao sa likod ng iyong mensahe, sigurado akong makukuha niya iyon."
"Bakit mo nasabi?"
"Naniniwala ako sa kasabihan na kapag seryoso ang iyong pananaw sa isang tao o bagay, kahit na hindi mo ipahatid sa kanila araw-araw ang iyong pagmamahal mararamdaman nila iyon dahil may koneksyon ang iyong puso't isipan."

BINABASA MO ANG
To Breathe With You
Fiksi Sejarah[WITH YOU SERIES #2] Matapos maaksidente sina Kayla at Dionysius dadalhin tayo ni Kayla bilang Nena sa panibagong yugto na haharapin niya. Bumalik si Kayla sa panahon ng pananakop ng Espanyol upang ayusin ang trahedya na nangyari dati. Dito niya ma...