"Ikaw..." nanghina ang kamay ko dahilan na nahulog ko ang lampara. "Ikaw.. Mukha kang kapre! Jusko ka nakakatakot tindig mo diyan! Papatayin mo ko sa sakit sa puso."
Natawa naman ang ginoo at masayang lumapit sa akin upang yakapin ako.
"Ikinagagalak ko rin makita ka muli, Nene." naistatwa ako sa ginawa ng ginoo na ito kaya di ko magawang alisin ang pagyayakap namin.
"Si-sino ka ba?! Manyak ka ha!"
Natawa ang ginoo habang kumalas siya sa pagkakayakap namin, "Ginoong Esteban Magdaleno, ang iyong kababata. Magandang gabi binibini." may pahid na uyam sa pananalita ni Esteban kaya inirapan ko ito.
"Ahh.. Pasensya ang dilim na kasi kaya di ko mawari nang husto ang iyong pagmumukha. Bueno, ba't ka naparito?"
"Nagbabakasyon lamang ako rito sa Bulakan hanggang sa masilayan kong pumasok ka na ng kumbento. Ipinababantay ka sa akin ng Kuya Hudin mo dahil baka kung anong kalokohan nanaman ang gawin mo."
"Kasamahan ka ni Kuya Hudin? Kung gayon, isa ka rin Heneral?"
"Totoo nga ang sabi-sabi, tila'y naging siraulo ka."
Hindi ko napigilan na hambalusin sa braso si Esteban dahil ang walang tabas ng dila ito kung magsabi nang kung ano-ano.
"Napaka bulgar mo naman Ginoong Esteban, parang wala tayo pinagsamahan."
"Sumatotal iyon ay totoo. Sa ating tatlo ni Mercedes kami lamang ang magiliw habang ikaw ay tahimik lamang sa tabi. Nagiging mabisa lamang ang iyong mga labi kung meron kang ipinaglalaban."
Mercedes? Saan ko nga ba huling narinig ang pangalan na iyon? Ah! Binanggit siya sa akin ni ina noong kaarawan ko.
"Pasensya na, hayaan mo bukas na bukas ay ipapasyal kita sa bayan!" nagtaka ang itsura ni Esteban noong una ngunit nang mapansin niyang di nawawala ang ngiti ko ay ipinagpaliban na niya iyon.
"Mas gusto ko ang siraulo mong ugali kaysa dati."
"Aba siraulo–" hindi ko na tinapos ang aking pangungusap dahil dinambahan ko si Esteban para pukpukin nang pukpukin sa ulo.
"Ah–Binibining Nena huwa-huwag!" para akong isang unggoy na ayaw mawalay sa puno dahil kahit anong gawin ni Esteban ay hindi niya ako maibaba.
"Ina pangako dito ko lang nakita si Nene–Nene?!" napatigil kami ni Esteban sa kaharutan dahil nasa harapan namin ngayon sina Maria, Crisostomo, Ina, at ama.
Unti-unti akong bumaba kay Esteban habang pinagpapawisan dahil alam ko na kasunod na mangyayari sa akin.
"Anong kaguluhan ito?" tanong ni ama.
"Magandang gabi Don–"
"Hindi ko hiniling na magsalita ka Ginoong Esteban Magdaleno ang gusto kong sumagot lamang sa akin ay ang anak ko." puno ng awtoridad ang boses ni ama at naalala ko ang pelikula ni Heneral Luna sa mga oras na ito dahil ganon ang boses ni ama!
"Am–ama... Nagkakasiyahan lamang kami ni Ginoong Esteban dahil matagal kami na hindi nagkita at bilang kababata niya nasabik ako na makausap siya."
"Hindi pag-uusap ang nakita ng mga mata namin Nene kundi isang lihim na pagmamahalan!"
Natawa ako sa sinabi ni ama kaya kita ko na nagliliyab sa galit at umuusok na ang ilong nito.
"Ina, ama, ate Maria, walang namamagitan sa amin ni Esteban dahil ang puso ko ay nasa Diyos lamang. Siya at kayo na pamilya ko ang bumubuo ng pagkatao ko."
"Ngunit hindi natin pwede palipasin ito mahal dahil nakagawa sila ng kasalanan at dapat na panagutan ni Ginoong Esteban ang mga ginawa niya." sambit ni ina.

BINABASA MO ANG
To Breathe With You
Fiksi Sejarah[WITH YOU SERIES #2] Matapos maaksidente sina Kayla at Dionysius dadalhin tayo ni Kayla bilang Nena sa panibagong yugto na haharapin niya. Bumalik si Kayla sa panahon ng pananakop ng Espanyol upang ayusin ang trahedya na nangyari dati. Dito niya ma...