Chapter 3

84 0 0
                                    

KASALO nila si Rado sa paghahapunan nang gabing iyon, pasado alas-siyete na. Ito ang nagyaya na sa apartment na lang nito sila maghapunan.

Bumili ito ng ulam sa isa nilang kapitbahay na ang harap ng apartment ay may fried chicken stand. May kanin na pagkat bago sila umalis kaninang umaga patungong trabaho ay nagsaing ito sa automatic rice cooker. Ininit nito sa microwave ang isang platong ginataang langka, natirang gulay kagabi na si Liza ang nagluto.

“Hindi na talaga ako sanay kumain nang nag-iisa,” sabi nito nang kumakain na sila. Bumaling ito kay Divie. “Anong oras kamo darating si Mrs. Cuervas?”

“Alas-otso.”

Tumingin si Liza sa suot niyang relo. “Seven thirty-four,” aniya. “That’s half an hour to go before eight, Divie. Dito na lang ako manonood ng TV mamaya, ha, Rad?”

“Oo,” ani Rado. At pabirong sinabi “But wash the dishes first.”

“You don’t have to remind me,” aniya.

“Sweetheart,” baling ni Rado kay Divie, “Magtatagal kaya si Mrs. Cuervas?”

Umiling si Divie. “Ewan ko. Hindi siguro. Gusto raw lang naman niya akong makita at makausap nang personal, e. Bakit, Rad?”

“Gusto ko sanang mamasyal tayo sandali sa Rizal Park o kaya’y sa PICC mamaya.”

“Sige, para makasagap naman tayo ng sariwang hangin. Sama ka, Liza?”

Umiling siya. “Pagkatapos kong manood ng TV, me gagawin pa ‘ko sa computer ko.”

Ang totoo’y gusto sana niyang sumama. Pero baka maging “killjoy” lang siya sa mga ito. Dalawang linggo pa lang na mag-steady sina Divie at Rado, at laging sabik na magkaroon ng pribadong mga sandali ng pagkakasama.

Ano naman ang gagawin niya kung sasama siya sa mga ito sa pamamasyal? Bumuntut-buntot?

HINDI pa tapos si Liza sa paghuhugas ng mga pinagkanan nang puntahan siya ni Rado sa kusina.

“And’yan na si Mrs. Cuervas,” sabi nito. “Wala siyang kasama. Mag-isa siyang bumaba ng taksi.”

“Bakit hindi mo puntahan doon si Divina?” lingon niya rito.

“No. Paano sila magkakausap nang sarilinan kung nandon ako?”

Tumango siya at inumpisahang brilyuhin ang mga kubyertos. “Rad, maalala ko…”

“Hmmm,” sabi nitong nag-ipit ng sigarilyo sa mga labi para sindihan.

“Naipadala mo na ba sa Davao via LBC ang mga natitirang gamit ni Chona?”

“Hindi ko pa napa-pack lahat. Marami, e. Pati mga kumot at unan na ginamit niya, gusto kong ibalik sa kanya. Itinambak ko muna sa kabilang kuwarto.”

Napangiti siya. Packing memories away…

“Tumawag nga pala sa akin si Chona three nights ago, Liza.”

Muli niya itong nilingon. “Talaga? Ano’ng sabi?”

“Wala naman. Nagpaalam lang. Aalis daw siya patungong Sydney, Australia on the third week of this month.”

“Kasama na siya n’ong Australiano?”

“Oo.”

“Mag-mail-order-bride na rin kaya ako?”

Tumawa ang binata. “Mag-reduce ka muna.”

“Hindi na, ‘oy,” irap niya. “Bakit, wala ba akong makikitang foreigner na ang type e tulad kong Dabiana?”

My Neighbor :> (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon