PINIGIL siya ni Sammy nang aktong bubuksan niya ang pinto ng kotse para umibis na. Mag-aalas-onse ng umaga ring iyon nang ipark nito ang sasakyan sa tapat ng kanilang apartment.
“Wait, Liza…”
Nakangiting tumingin siya rito. “It’s all right, Sam. Maski hindi mo ako ipagbukas ng pinto ay alam ko namang very gentleman ka.”
“Okay, you can open your door but wait.”
May kinuha ito sa likod ng sandalan ng upuan ni Liza. Isang pulang rosas na may mahabang tangkay at tatlong berdeng dahon. Ibinigay nito iyon sa kanya.
“Sammy —”
“It’s just a rose. A friendly rose…”
Tinanggap niya ang bulaklak. “Salamat.”
Halos sabay pa sila nang umibis sa kotse. Nauna siyang makalapit sa gate. At medyo nagulat pa siya nang marinig ang tunog ng isang harmonica.
Nasa pulang swing si Boboy.
Dati nga’y garahe ng daddy ni Divie ang harap ng kanilang apartment. Ginawa nilang hardin ng mga halaman sa paso ang garahe nang makabili na ng house and lot sa Bulacan ang mga magulang ng kaibigan niya, at maging magka-share sila sa apartment. Hindi binitiwan ng pamilya ang apartment para may matirhan si Divie sa Meto Manila. Mahirap mag-commute araw-araw patungo at mula sa Bulacan.
Sa isang sulok ng dating garahe’y naglagay si Divie ng isang swing. Pahingahan nila sa labas ng bahay. A nook to stay kapag nakakasawa nang magkulong sa kuwarto, o manood ng telebisyon at makinig ng stereo music sa salas.
Ngayo’y nasa swing si Boboy, nakaupo nang patalikod sa gate, tinutugtog sa harmonica ang napakasiglang himig ng isang awitin:
Tarara – rarararan… tarara – rarara – ran… tatt -tat – tararan – tat – tatt.. tatattaraannn…
Napatigil din si Sammy sa tabi ni Liza nang makalapit sa gate. Nawili rin ito sa pakikinig sa masiglang himig na iyon.
“Who’s he?”anas ni Sammy.
“Si Boboy,” anas din niya. “Pinsang-buo ni Rado. Do me a favor, Sam.”
“Yeah, what?”
“Kunwari boyfriend kita. Kasi, infatuated siya sa akin, e. Kinukulit ako. I want to put an end to it so —”
“Yeah, I got it.”
“Okay, let’s wait till he’s finished with that piece.”
“Hawaiian War Chant.”
“What?”
‘”Yon ang tinutugtog niya. Naalala ko’ng violin ng daddy ko. Kaya ko ring tugtugin ‘yan sa b’yulin.”
NAGULAT si Boboy nang makarinig ito ng palakpakan pagkatapos ng tugtog. Napalingon ito at nang makita sina Liza sa gate, bumaba sa swing at pa-OA na nag-bow Ikinawit pa ang kanang braso sa ilalim ng dibdib kasabay ng pagyuko.
“Thank you,” ang sabi kasabay ng paglalagay ng harmonica sa panlikod na bulsa ng pantalon. “Thank you very much, it’s nice to be appreciated, ahem!”
Nang buksan ni Boboy ang gate, nangislap ang mga mata nito at napangiti kay Liza. Pero pagsulyap kay Sammy ay lumamlam ang tingin at wari’y biglang humaba ang guwapong mukha.
Talagang infatuated sa akin ang batang ‘to, ani Liza sa sarili. Okay, now is the time to nip the infatuation right in the bud.
“Masarap palang umistambay dito sa swing n’yo, Liza.”
BINABASA MO ANG
My Neighbor :> (Completed)
Teen Fictionpaki basa. magnda to promise. hindi kayo mag sisisi :)