Chapter 10

57 0 0
                                    

NAKASAKAY na sila ni Engr. Tobias sa kanyang kotse nang tumunog ang cellphone niya roon.

“O, me tawag ka, Cuervas.”

Sinagot niya ang tawag. “Hello?”

“Hello, Sam…”

Si Liza! Ang tunay kong mahal na si Liza! “Yes, Liza…”

“Nasa Tarlac ka raw.”

“Oo nga. Ini-inspect ko’ng ginawa naming tulay rito.”

“Sam, nakikigamit lang ako nitong cellphone ni Rado. Tatapatin na kita, ha? Kinukulit talaga ako ni Boboy, e. Para na lang siya matigil at maging authentic ‘yong kadramahan natin… could you do me one last favor before you go to Baguio?”

“Sure. What is it?”

“Kunwari, bago ka pumunta sa Baguio e magpaalam ka sa akin personally sa bahay. Itatayming natin ang pagpunta mo roon na naglalaro kami ng scrabble. Puwede, Sam?”

Napangiti siya. Para mo na ring hiniling ang gusto ko talagang mangyari. Wala lang akong maisip na dahilan para makita ka uli bago ako umakyat sa Baguio…

“Sam?”

“Yes. Yes, sweetheart.”

“Anong sweetheart?” Napatawa si Liza. “Loko, kunwari lang ‘to!”

“I know sweetheart. Nagpa-practice lang ako. Kelan ako eeksena? I mean —”

“Biyernes ng gabi, puwede?”

“Oo. Kahit nga bukas ng gabi, e. Uuwi na ako bukas after lunch. Tapos na’ng trabaho namin dito.”

“Friday night na lang. Ayokong maabala kang masyado.”

“Okey, sige.”

“Bye.”

“Bye, sweetheart.”

“Masaya ka!”

Tatawa-tawang pinindot na niya ang End Call button.

“Nobya mo, Cuervas?” tanong ng katabi niya nang patakbuhin na niya ang kotse.

Tatango sana siya pero naalala niyang isa na naman iyong pagyayabang. “Kaibigan ko pa lang ho, Mang Romy. Kung bubuwenasin ho… baka maging s’yota ko siya.”

Tumawa ang matandang inhenyero. “Papasa ka ro’n. Parang payag nang tawagin mo ng sweetheart, e.”

“Magdilang-anghel nawa kayo.”

Ayaw man niyang aminin sa sarili, nang nagdaang ilang araw, parang himalang napawi ang sugat ng puso niya na likha ng pagkabigo kay Divina.

Nang araw ng Linggong iyon na biglang-bigla’y pinagkunwari siya ni Liza na sila’y magnobyo para hindi na ito kulitin ni Boboy, lihim siyang natuwa, lalo na nang humawak pa sa palad niya ang dalaga.

At hindi niya akalaing magagawa niya iyon — ang gawaran ito ng halik sa mga labi. Nabigla rin siya. At akala niyay ikinagalit iyon ni Liza pagkat tumalim sandali ang titig nito sa kanya.

Pero ngayong Biyemes nga’y muli pala silang magkukunwaring magnobyo. Hindi pa ma’y excited na agad siya.

Sana, huwag na lang siyang pumayat para maistak sa daliri niya ang singsing habambuhay, nangingiting naisaloob niya. Hindi naman siya talaga gaanong katabaan. Okey na rin ang figure niya. Para lang siyang ‘yong batang artistang si ano… si… sino nga ba ‘yon? A, si Judy Ann Santos… ‘yon na nga!

BIYERNES, naglalaro nga ng scrabble sina Boboy at Liza nang dumating si Sammy sa apartment. Mag-aalas-siyete na ng gabi, ika-2 na ng Hunyo.

Parang hindi pa siya makapaniwala. Malaki na ang ipinayat ni Liza. At natatakot siyang baka ilang araw pa’y matanggal na ang singsing sa daliri nito.

My Neighbor :> (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon