Chapter 7
RIMA'S POV
Yo. Nagbabalik ako =_=
Teka parang sinabi na yun ng kung sino beyond this universe.
Oh well. Buhay pa ako. Hindi naman talaga ako nag-suicide kanina. Naisip kong single pa nga pala si Takuya kaya may rason pa ko para mabuhay <3
Ang kaso namiss ko talaga yung interview. Hindi naman yun ang huling trabahong mapapasukan ko, pero sa tigreng nasa bahay ang inaalala ko =_= Ayokong madisappoint si Alei. Malaki ang tiwala nya sakin kaya nga sinamahan nya ako dito sa Japan.
"Haaaaaay. Ipapaliwanag ko na lang siguro sa kanya. Maiintindihan nya yun"
Tinanaw ko yung isang building sa tawid ng kalsada. Nagpasya kasi akong maglakad muna. Baka sakaling makapulot ako ng isang milyon
Imposible T.T
Kaasar naman oh. Nagpatuloy na ako sa paglalakad nang biglang tumunog ang phone ko. Naku. Baka si Alei na yun. A-alam na kaya nya? O_o" T-teka hindi pa ako ready magpaliwanag sa kanya T____T
Kaya hindi ko na muna sinagot. Hinayaan ko munang mag-ring. Maya-maya naman tumigil na rin. Wew. Salamat po.
*beep beep beeeeeep*
Eh?? O_____o" t-tumunog na naman. P-patay ako!
Hindi Rima! Focus. Magpractice ka muna ng sasabihin mo bago mo sagutin ang tawag nya.
Once again, pinagpatuloy ko ang paglalakad ng hindi sinasagot ang tawag.
*beep beeep beeeep*
Eto na naman! >.<" kailangan ko nang makaisip ng paliwanag kundi baka mapauwi ako ng Pilipinas ng maaga T.T
Matapos ang paulit-ulit na pagbabalewala, sinagot ko na yung tawag. At surprisingly, hindi pala kay Alei galing ang mga tawag na yun =____=
"Hello?"
"Hello.. Rima"
Eh? Pamilyar ang boses nya. Hindi kaya si — O.o
"Natsume????"
"May lahi ka palang manghuhula? Mangkukulam ka talaga hahaha"
Aba talagang! Ang sama pa rin talaga ng ugali ng preskong lalaki na 'to >.<
At isa pa, iba na naman ang gamit nyang phone number. Kidnapper ata yata ang lokong 'to.
"Ano bang kailangan mo?"
"Wala naman. Kinakamusta ka. Hindi mo ba ko namiss?"
Nasesense kong pilyong nakangiti ngayon si Natsume. Hentai =.=
Pero speaking of, after nyang ibalik sakin ang passport ko at iba pang gamit na nawala dahil sa sarili nyang kasalanan, hindi na sya tumawag o nagtext sakin. Ang akala ko, short meeting lang yung pagkikita namin. May part 2 pa pala.
Eh? H-hindi naman sa iniisip kong destiny ang may gawa nun ah! >////<
"Hoy Rima! Nandyan ka pa ba??"
"H-ha? Oo. Pasensya na. Ano na nga palang sinasabi mo?"
"Sabi ko mangkukulam ka"
"Hoy hindi ako mangkukulam! =_=+"
"Hay nako, hindi ka talaga tunay na babae. Wala ka man lamang bakas ng pagka-cute."
Tumawag lang ba sya para asarin ako?! Ang galing nya talagang mambwiset ng tao. Nung una palang na inagaw nya sakin ang dango ko, alam ko nang dilubyo ang idudulot ng lalaking 'to sakin =.=+
BINABASA MO ANG
The Girl of Firsts
RomanceGinawa ko ang story na 'to para sa kanya. Para sa kanila. Para sa mga katanungan nila. Para sa paghingi ng tawad. Para sa nawawala. Para sa paghihiganti. Para sa katotohanan. At para sa nakaraan. Gusto kong ikonekta ang nangyari noon sa mga pinagdar...