Chapter 2

31 0 0
                                    

Chapter 2





Rima's POV





Umuwi akong luhaan. Yep. Luhaan. Dahil sa bwiset na lalaking yon. Di na sya naawa sakin. Japanese sya kaya dapat pagbigyan nya ako. Eh teka, marunong sya magtagalog so Filipino din kaya sya ? Ah ewan! Grabe na talaga 'to.





Lumong-lumo akong pumasok sa kwarto. Nadatnan ko dun si Alei na naglalaro ng tekken. As usual. Wala nang dapat ipagtaka.





Umupo ako sa sahig at nagmukmok. Naman kasi eeehh! T.T





"oh Rima. Andyan ka na pala"





Umungot lang ako. Tumigil sya sa paglalaro.





"bakit? May nangyari ba?"





Umungot na lang ulit ako. Wala talaga ko sa mood magsalita. Nade-depress ako kapag naaalala ko yung dango kong kinuha ng isang lalaki. Di ko na alam kung pano mabuhay sa mundong ito . Waaaahh ToT





"huy Rima!"

Sigaw ni Alei sa bandang tenga ko sabay tapik. Nagulat naman ako.





"ayy tinapay ni Takuya!"





"haaaano??"





"ha? Wala. Sabi ko bakit?"





"anong bakit? Ako nga nagtatanong eh. Bakit parang na-tsunami yang pagmumukha mo?"





Kinuha nya yung cookies sa may table at kumain ng isa.





"wala 'to. Tatawanan mo lang din ako kapag nalaman mo"

Tapos bumalik na ko sa pagmumukmok.





"hindi naman ako pwedeng hindi tumawa neng ahaha"





Kita mo 'tong baboy na 'to . Di ko pa nga nakukwento tumatawa na. Tunay kang kaibigan ateng.





"oh diba ? T.T naman eh"





"ano nga kasi yon?"





Haaaay. Napabuntong-hininga o napa-sigh na lang ako. Tinapay kasi 'tong si Alei eh. Pagtatawanan lang naman din nya ko. Umupo ako ng ayos at ikinuwento sa kanya yung tungkol sa dango ko na inagaw ng dango stealer na yon.





"ha ? ._."

Yan ang reaction ni Alei.





"hindi yun makatarungan neeeeng T.T"





"ipinahiya mo ang sarili mo para isang stick dango?"





Tumango naman ako habang humihikbi. Ang chaklap chaklap talaga ng nangyari T.T di na sya naaawa sakin.





*paaak*





"A-ARAAAAY! bakit mo naman ginawa yon ?! x.x"

Sigaw ko nang bigla akong batukan ni Alei. Nauntog pa noo ko sa table. Anak ng tilapia talaga T.T mas chumaklap ang nangyari eh.





"ang shunga-shunga mo talaga! Para lang don papagurin mo ang sarili mo?!"

Sabi ni Alei.





Waaw ah. Nirephrase lang nya yung sinabi ni dango stealer =_=





"ano ka ba Alei ?! First dango ko dapat yun eh T.T"





The Girl of FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon