Chapter 15

12 0 0
                                    

Chapter 15

Natsume's POV

Dōshite?

Bakit hindi ko kaya?

Bakit hindi ko kayang...

"N-Natsume..."

"Bakit?"

Nanatili akong nakatingin sa kalsada habang nagd-drive. Kasama ko si Rima. Oo. Sinundo ko sya.

Kahit parang ayoko naman talaga.

[Earlier...]

"Woah. Nag-snow nga. Haay."

"Snow? Ryōnusuke, anong oras ang uwi ng mga taga-WD?"

"Huh? Mga ganitong oras na. Bakit?"

Di ako sumagot. Maaga akong umuwi ngayon dahil wala yung bakla kong manager. Buti yon nang hindi ako abutan ng snow sa labas.

"Nakauwi na siguro ngayon si Miss Rima"
Sabi ni Ryōnusuke. Hinawakan ko ng mahigpit yung canned drink na iniinom ko. Nakaasar. Iba na naman ang nararamdaman ko. Ayoko talaga ng ganito.

"Kawawa naman yung lata"
Bulong nya. Napatingin ako sa hawak ko. Sheesh. Nayupi ko na pala.

Bakit kasi ang hirap gawin nito?

Kahit pigilin ko, hindi ko talaga kaya...

"San ka pupunta, Natsume?"

"Sa Kanzaki."
Sinuot ko yung winter coat ko at kinuha yung susi ng kotse. Bahala na nga.

Nag-drive ako papunta sa Kanzaki ng gabing yon. Sa ilalim ng tuloy-tuloy na pagpatak ng snow. Nang makarating ako, nakita ko sya.

Nakita ko yung babaeng nakakairita.

Uh...
Ang bilis ng tibok ng puso. Para ako malalagutan ng hininga.

"R-Ri..."

Hindi.
Dapat pigilan ko 'to. Dapat pigilan ko ang nararamdaman ko.

Para sa normal nyang buhay.

"Ri..."

Ayoko na. Hindi ko talaga kaya. Kahit ano, wag lang 'to.

Tinawagan ko sya.

At narinig ang boses na kanina ko pang hinahanap.

Nagawa ko syang pasakayin sa kotse. Sa ngayon, pinagd-drive ko sya pauwi sa tinutuluyan nyang apartment.

Tiningnan ko yung reflection nya sa wind shield. Naka-lean ang ulo nya sa pinto ng kotse. Napansin ko yung scarf na suot nya. Hindi yun yung scarf na binigay ko. Siguro hindi nya gustong isuot o baka naitapon nya na.

"Natsume..."

Mahina lang yung boses nya. Sa katunayan, hindi sya nakangiti ng mga oras na yon. Napakalungkot ng mukha nya.

"Bakit nga?"

"W-wala lang..."

"Tss"
Yun na lang ang nasabi ko. Hindi man lamang sya nag-abalang pahabain ang usapan namin. Kahit ako wala na kong masabi.

"Salamat nga pala"
Bulong nya.

Tiningnan ko sya nang mag-green yung stop light.

Nakapikit ang mga mata nya. Parang binabalot nga packaging tape ang buong katawan ko. At sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Girl of FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon