Chapter 14

10 0 0
                                    

Chapter 14

Rima's POV

"Ohayō! Rima-desu! Hajimemashite! Yoroshiku onegaishimasu!"

"Eh? Nakapasok si Philippine Girl? Tch"

Guess what? Hindi ako nalate sa unang araw ko nang trabaho x) energetic pa nga akong nagpakilala at nag-bow sa mga kasamahan ko. Masaya lang talaga ako ngayon *.*

Proud na proud si Alei sakin nang sabihin kong natanggap ako. Ibibili nya daw ako ng isang UVERworld magazine bilang reward. Para akong bata diba? Pero masaya talaga ako ^____^

Paulit-ulit ba? Pasenya na. Masaya lang talaga ako ngayooooon!

"Tch. Nakakairita talaga"
Napalingon ako sa isang babaeng nasa gawing kaliwa ko. Matangkad sya at mahaba ang buhok. Then bigla kong naalala, sya yung babaeng nagpahiya sakin nung interview. Hmm. Ako kaya yung sinabihan nyang nakakairita? Hindi naman sana. Gusto kong maging kaibigan ang mga kasamahan ko kaya gagawin ko talaga ang best ko.

Kasalukuyan kaming nasa writer's department. Dito nagtitipon ang karamihan sa mga writers ng Kanzaki Artist Company. Hindi kami ganun karami. More or less 30 lang ang nandun kabilang na kami.

Kasama ang mga kapwa ko nakapasa, nakaupo kami sa round table habang hinihintay yung editor-in-chief. At maya-maya pa dumating na sya.

"Yokoso, newbies"
Bati nya samin. Sabay-sabay kaming tumayo at nag-bow sa kanya. Pamilyar yung chief. Parang nakita ko na sya dati.

"Heto ang mga information sheets nyo. Mga rules, terms and conditions dito sa Kanzaki. Hindi kayo pipirma ng kontrata unless naka-2 consecutive years na kayo dito. Okay?"

"Hai!"
Sagot naming lahat. Hawak na din namin ang ilang pages ng print-outs. Aaminin ko, medyo naninibago ako ngayon. Matagal kasi akong hindi nakapagtrabaho kaya naman medyo kinakabahan ako. At tsaka first kong makapasok sa isang sikat at malaking kompanya >.<

"Maswerte kayong pito. Iilan lang talaga ang nakakalusot sa COO. Kaya, congrats sa inyo"

"Arigatō!"

"Para sa araw na 'to, gusto kong libutin nyo ang buong Kanzaki. Be familiarized sa buong lugar at the same time mag-list kayo ng ilang distinct na bagay na makikita nyo sa loob ng premises. Compile it into an article with at least 500 words. Wakarimasu ka?"

"Hai! Wakarimasu!

"Good. Pass it before lunch break. Ang late at hindi gumawa, if-forfeit agad na pumasok sa writers department. So, gambatte!"

Umalis na yung chief at isang kasama nya. Sinimulan ko nang basahin yung nasa print-outs. Ang haba -__- katamad basahin. Nilagay ko muna yun sa bag ko tapos naglabas ako ng notebook at pen.

"Tingnan nyo, mukhang gusto ng kakompetensya ni Philippine Girl hahaha. Napapaisip tuloy ako kung bakit sya natanggap"

Natigilan ako nang may marinig akong boses ng babae mula sa likuran. Yung babae kanina. Kasama yung iba pang employees.

"Hindi ko masikmurang makakatrabaho ko sya."

Hindi ako nakapagsalita. Para akong na-glue sa kitatayuan ko. Gusto kong magalit. Pero ... Ayokong gumawa ng gulo at matanggal sa trabaho.

"I feel bad. Pero umaasa pa rin akong magiging okay tayo. Onegaishimasu"
Sabi ko sa kanya habang nakangiti. Halata sa itsura nya ang pagkainis. Hindi ko na lang siguro papansinin yon. Normal naman 'to. Ang discrimination.

Pagkatapos kong mag-bow sakanila, lumabas na ko ng department. Sinimulan kong mag-ikot sa lobby. Yun kasi ang una kong nakikita kapag pumapasok ako dito.

The Girl of FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon