Chapter 2

145 18 9
                                    

Queen bee/ˌkwēn ˈbē/-a woman who has a dominant or controlling position in a particular group or sphere

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Queen bee
/ˌkwēn ˈbē/
-a woman who has a dominant or controlling position in a particular group or sphere.

***
Danilo POV

"Taray papasok ka pa rin pala?"

Namamangha ngunit puno ng sarkasmo ang boses ni Maurine.

Napansin nito na ako'y gumagayak na. Hindi ko maiwasang mapatigil sa ginagawa. Napayuko ako at hindi na lang pinansin ang sinabi niya. Para san pa? Sa ginawang mga araw ng Diyos walang ibang ginawa 'to sa 'kin kung hindi ay laitin ang gaya ko na parang hindi niya kapatid sa ama.

"Bakit pa pag aaralin ang kagaya mo nasisigurado ko naman na walang tatanggap sayo sa trabaho."
Panunuya pa ni Mario.

Nakabihis na rin ito at hinihintay na lamang si Maurine na abala pa sa paglalagay ng make up sa mukha niya.
Akala naman nito ay may magbabago sa mukha niya. Kahit gaaano pa kamamahalin ang kuloreteng inilalagay nito sa mukha ay hindi nito matatakpan ang kapangetan ng ugali nito.

Ipinagkibit balikat ko na lamang ang lahat ng narinig ko. Dapat masanay na ang puso at isip ko sa mga binabato nilang salita. Ngunit tao pa rin ako,nasasaktan nang paulit ulit dahil sa mga walang prenong pang huhusga at pang mamaliit nila dahil sa itsura ko.

Mas humihirap kaharapin ang mga araw na dumadating dahil wala man lang akong kakampi.

Mahigit isang linggo rin akong nakiusap kay Tatay para sa tuition fee ko.

Mabuti na lang kahit papano ay naawa ito sa akin.

Oo,kahit kakarampot na awa ay naibigay niya na halos manikluhod ako para pag bigyan ng sariling ama ko.

Isang taon na lamang ay matatapos ko na rin ang senior high kunting tiis na lamang.

Sana nga...

"Maurine bilisan mo na anak aalis na tayo mala-late na si Mommy. May meeting pa ako."

Sa sigaw ni Tita Esmeralda ay nagmadali na si Maurine.

Kaagad silang sumakay sa Mercedes Benz na C 300 nito. Isang admin sa isang kompanya si Tita Esmeralda samantalang si Tatay naman ang nag aasikaso ng car wash business nila at maliit na grocery store.

Masasabing may kaya ang pamilya ngunit maramot pag dating sa akin.

Nakasakay na sila Maurine sa sasakyan at kagaya ng mga nagdaang araw ako ay papasok ng naglalakad. Sa kabila na pareho namang paaralan ang pinapasokan namin ay kahit kailan hindi nilang ginusto na magkakasabay kami.

Hindi ko rin naman binalak na sumabay sa kanila.

Kung ayaw sa akin ng tao,bakit ko pipilitin?

Tsaka hanggat maaari ay iniiwasan kong makasalubong sila ni Jack sa mga araw na may pasok dahil sa takot na mahuhuli ako sa klase. Bugbog lang ang aabotin ko sa oras na magkrus ang landas namin.

360 Degrees Where stories live. Discover now