Chapter 3 (360 Degrees)
Sa tunog ng cellphone ko ako ay nagising. May tatlong text messages na mula sa hindi ko kilalang numero.
“Good morning Danie, this is Venus.”
Nang mabasa ang pangalan ng niya ay hindi ko mapigilan ang abot tenga na ngiti. Napakaganda nga naman ng bungad ng araw sa akin.
“May gusto akong sabihin sa’yo. Magkita tayo sa rooftop ng school by 10.” Walang pagsidlan ang saya ko ng mabasa ‘yon. Hindi ko papalampasin ang chance na ‘yon dahil break time naman ‘yon ay pupuntahan ko si Venus.
“Baka sasabihin niyang gusto niya rin ako.” Napasuntok pa ‘ko sa hangin sa tuwa . Ang isiping may gusto rin siya sa akin tila abot ko ang langit. Mabait si Venus sa ‘kin at ang ngiti niya ay napakatamis pag kausap niya ako. Kaya posibleng may gusto sya sa ‘kin.
“Mahal kita Venus Quiran Lee.” Ngiting-ngiti kong sabi medyo masakit na nga ang pisnge ko dahil don.
“Hoy baboy! Hindi kaba kinikilabutan jan sa sinasabi mo.” Bulyaw ni Mario. Kasunod no’n ang malakas na batok sa ‘kin. Hindi ko napansin na nakapasok na pala siya sa kwarto ko.
Masama ang loob na tiningnan ko siya at pasimpleng napakuyom ang kamao.
“Tinitingin-tingin mo jan?” Aktong uumbagan niya ako ng suntok pero biglang napayuko ako bilang pagsuko.
“Lalaban ka na ba sa ‘kin ngayon?”
“H-hindi naman sa ganon Mario,” nanginginig kong tugon. Sa takot na baka sakit sa katawan ang ibibigay nito sa kaniya.
“Sa tingin mo ba na may babaeng magkakagusto sa’yo?” Duro pa nito sa ‘kin. “Huwag ka na umasa na may magmamahal sa ‘yo.”Napatingin pa siya sa ‘kin na mula ulo hanggang paa, “Danilo gumising ka sa katotohanan, ang panget-panget mo at ang taba mo pa.”
Oo nga pala, walang araw na hindi iyon pinapamukha sa ‘kin ng pamilyang ‘to. Kung kaya heto ako ngayon pinipigilan ang pagpatak ng luha. Ngunit hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Mario, sigurado akong may gusto sa ‘kin si Venus.
“Labhan mo ‘tong longsleeve ko. Kailangang matuyo yan kaagad gagamitin ko yan mamayang gabi.”Utos nito sa ‘kin na pabalang na binigay sa ‘kin ang damit bago umalis sa kwarto niya.
Mahuhuli man sa klase ay wala akong mapagpipiliin kundi labhan iyon ngunit napatitig ako roon. Pwede kong suotin ‘yon sa pagkikita namin ni Venus. Dahil gusto ko magmukhang presentable sa harap niya. Malaki ang katawan ni Mario kaya paniguradong kakasya iyon sa ‘kin. Kaya pasimple kong nilagay ang longsleeve sa bag ko.Nang makarating sa school ay wala sa klase ang isip ko ngayon. Kung ano-anong senaryo ang nasa utak ko kasabay no’n ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa tindi ng excitement. Ang mga mata ko naman ay nasa wall clock dahil sa tindi ng pagkasabik ko na mag alas dyes na.
Ilang minuto pa ay nag alas dyes na rin. Malalaki ang hakbang na ginawa ko papunta sa rooftop. Hindi ko paghihintayin si Venus, ayokong mainip siya sa ‘kin. Dito na rin ako nagbihis ng longsleeve ni Mario ng mabilis sa pangamba na baka maabotan ako ni Venus sa hindi magandang disposisyon.
“G-good morning Venus.” Kinakabahan kong bati sa kaniya nang dumating siya sa rooftop. May dala siyang maliit na kahon. Nakasarado iyon kaya hindi ko alam ang laman non.
“Good morning Danie.” Tugon naman niya bago ilapag ang kaniyang dala.
“Pasensya na kung pinaghintay kita.” Mahinhin nitong sambit at may ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi, “By the way, you look good now.” Nag init ang dalawang pisngi ko sa sinabi niya. Sa simpleng salita niya lamang ay napapagaan niya na ang loob ko.
Sa pag ihip ng hangin kasabay non ang paghalo ng matamis niyang pabangon. Malinaw kong nakikita ang kagandahan niyang walang kapantay.
“Ay oo nga pala!” Bulalas niya at masayang inilapag rin ang dala niyang lunch box sa bench na kinauupuan namin.
Hindi ko sukat akalain na makakasama ko siya ng ganito kalapit. Hindi ko alam kung anong expression na ba ng mukha ko sa tindi ng kilig ko ngayon. Ako ba ay namumula? O sobrang halata na ba na gustong-gusto ko siya. I wanna treasure this moment. Ito lang ang pagkakataon na nakakalimutan ko ang masirableng buhay.
“Ipinagluto kita Danie,” turan niya at binuksan ang lunch box na dala. May laman iyon na chicken adobo, scramble egg at hotdog kasama ng kanin. Mukhang mapapaaga ang tanghalian ko ngayon.
“Sana magustohan mo.”Matamis na ngumiti siya ulit sa ‘kin.
Gusto kong maiyak dahil sa unang pagkakataon ay may nagbigay ng mabuting loob sa akin. Wala akong masamang masasabi kay Venus, ideal girlfriend talaga siya.
“Sabay na tayong kumain Danie.”Yaya nito na siyang pinaunlakan ko.
“Danie may nagugustohan ka ba ngayon?” Nang marinig iyon ay kamuntikan na ako mabilaukan. Buti na lang nakainom ako kaagad ng tubig. Kasunod non ang pag reregudon ng puso ko. Parang may daga at pusang naghahabulan.
“May tao akong nagugustohan ngayon. Hindi siya gwapo pero napakabait niya. Tsaka alam mo ba sa tuwing kasama ko siya yung happiness na binibigay niya sa ‘kin ay walang katulad. I always love the time that I spent with him.”
Habang sinasabi niya ‘yon ay hindi matinag ang tingin niya sa ‘kin tila tatagos sa buong pagkatao ko samantalang ako ay hindi makatingin sa kaniya dahil sa hiya at kaba.
“Gusto ko na ngang mag confess sa kaniya,”puno ng lambing ang boses na siyang lalong ikinapula ng mukha ko.
“Ki-kilala ko ba ang tinutukoy mo?” Lakas loob kong tanong. Ayokong mag assume pero ang iniisip ng utak ko ay hindi ko mapigilan. Sinasabi non na ako ang tinutukoy niya.
Napatingin ako sa mapula niyang labi at ito’y nagbigay ng matamis na ngiti na siyang hindi ko pagsasawaang tingnan. “Oo, kilalang-kilala mo siya.”
Bigla niyang hinaplos ang pisngi ko. Gulat man sa biglaang inakto niya ay hindi ko mapigilan ang matuwa sa atensyong binibigay ni Venus sa akin. Hulog na hulog na ako kay Venus,hindi ko maitatanggi kung gaano ko siya kagusto.
“Danie ito nga pala yung favor na sinasabi ko sayo,” aniya.
Napatingin ako ulit sa box na dala niya atensyon ay naroon.
“For the main time I want you to keep this box. Bantayan mo ‘to dito everytime na break time.” Sa mapupungay niyang mga mata habang sinasabi ang mga salitang iyon ay automatic na napatango ako sa gusto niya. Hindi ko tatanggihan ang request ni Venus.
“Please let this be our secret.”
“Promise walang makakaalam,”pangako ko sa kaniya.
YOU ARE READING
360 Degrees
General FictionDanilo Perez is fat,ugly and always bullied and harass everyday ng mga taong nakakasalamuha niya his family is no exception. Until the day he received a news that his grandfather passed away. For some reason siya lamang sa pamilya nila ang pwedeng...