Chapter 8

104 11 5
                                    

Third POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Third POV

“Kumain ka pa ijo” Magiliw na turan ni Corazon sa binatang kasama ng kaniyang matalik na kaibigan na si Juancho.  

“ Ma-maraming salamat po Aling Corazon,”Nakangiting tugon ni Danilo habang mabilis ang pagkain dahil sa masarap na pares na nakahain sa mesa. 

Natutuwa siya sa binata dahil ngayon lang siya ulit nakakita ng napakakisig na binata. Kung hindi lamang sa kaniyang edad ay baka siya na mismo ang mangliligaw rito.

“Walang anuman ijo.”Nag niningning na tila tala sa kalangitan ang kaniyang mga mata. 

Kahit saang anggulo tingnan ay perpekto ang binata. Kahit na sinong babae ay mahuhulog dito. Mula sa mapungay nitong mga mata na pinarisan ng mahahabang pilik-mata ay waring dadalhin ka nito sa paraiso sa tindi ng paghanga mo.

Ang matangos nitong ilong ay tila maingat na inukit ng Panginoon upang tanging perfection lamang ang naroon . Ang manipis namang labi nito na mamula-mula  ay nakakapang-akit dahil tila napakalambot non. Wala nga yatang ni-katuldok na kapintasang taglay ang binata. Masasabing siya ang perpektong obra ng itaas. 

Sa titig ni Corazon ay nakakakapa ng pagkailang ang binata. Kaya minabuti niyang ubosin na kaagad ang pagkain na nasa mangkok upang makaalis na rin sila sa nayon.   

Malapit na rin sumikat ang araw at magising ang mga tao iniiwasan niyang makita siya ninuman.

“Bilisan natin señorito mukhang may dadating na malakas na ulan.”
Malalaking hakbang ang ginawa ni Juancho habang nagmamadaling umakyat ng bundok.

Nagtataka man sa itinuran ng matanda dahil napakaganda ng sikat ng araw at tirik na tirik ang init non pero kaniyang binilisan na lang ang paglalakad.

Sa loob ng dalawang taon na kasama niya ang tay Juancho ay kahit kailan hindi pa ito pumalya sa pagbasa ng panahon. Ngunit lingid sa kaalaman nila ay may lihim na sumusunod sa kanila.

Kaya nang makauwi ay hapong-hapo si Danilo na umabot sa punto na siya’y nawalan ng malay at nang magising ay nasa isang silid muli siya na katabi ng Master’s Bedroom.
 
Tiningnan niya ang labas ng bintana at ang madilim na kalangitan ang bumungad sa kaniya. Malakas rin ang hangin na walang awa kung umihip. Naririnig niya ang mga nagbabagsakang puno sa hindi kalayuan. 

“Tama nga si tay Juancho”Nasambit na lamang ni Danilo. 

Siya’y lumabas ng silid para maghanda ng makakain niya ngunit natigil iyon dahil sa mga katok sa pinto. Kaniya iyon binuksan at nagulat dahil sa hindi inaasahang bisita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

360 Degrees Where stories live. Discover now