"Tingnan mo Daddy may sasakyan sa labas kilala mo ba kung kanino 'yan?" kuryusong tanong ni Mario. Atensyon niya ay nasa itim na Audi na naghihintay sa akin. "Gusto ko ring magkaroon ng ganyang sasakyan!"Napansin ni Tatay ang paglabas ko sa kwarto. Maingat ang bawat hakbang ko sa takot na mapunit ang suot kong slacks.
Mukhang nadagdagan na naman ang timbang ko kaya lalong sumikip ang suot kong slacks. Pero kailangan kong ipagpilitan ito dahil wala naman akong ibang matinong masusuot.
"Umuwi ka kaagad Danilo." Bilin niya.
"O-opo,"tugon ko.
Mukhang hanggang sa huling hininga ni Lolo Fabian ay may galit pa rin ito kay Tatay dahil kabilin-bilinan nito na huwag hahayaang pumunta ito sa burol niya.Araw ng sabado ngayon at mamayang alas tres ang burol. Napatingin ako sa orasan at ala una na ng hapon tama na rin na maaga kami para iwas traffic.
"Umalis ka na naaalibadbaran ako sa mukha mo."Pagtataboy ni Tatay sa akin.
Yumuko na lamang ako dahil sa pangliliit sa sarili at kaagad na lumabas ng bahay. Limang araw na ang nakakalipas mula ng birthday ko pero hindi pa rin niya 'ko binabati mukhang nakalimutan na nga niya yata 'yon.
"Huwag ka na umasa Danilo masasaktan ka lang." Alo ko sa isipan at tuluyan nang lumabas ng bahay.
"Pa-pasensya na po kung pinaghintay ko kayo Sir Simon." Bungad ko sa pagpasok sa sasakyan. Sumalubong sa akin ang matinding lamig at preskong amoy ng sasakyan.
"Drop the Sir. Its Simon, Danilo,"aniya.
Tumango na lang ako bilang tugon.
Nakaupo ito sa kaliwang parte at tumabi ako sa kaniya.
Sa kalagitnaan ng byahe ay kailangan mag pa-gas."Sorry po Sir Simon nakalimutan kong magpa-gas bago tayo umalis." Paumanhin ng driver at napakamot na lamang ito sa kaniyang batok.
"It's okay tho, hindi pa naman tayo mahuhuli sa burial ceremony."
Medyo may kahabaan ang pila ng mga sasakyan kaya kailangan naming maghintay pero hindi ko napigilan ang pagkalam ng tiyan ko.
Nag init ang pisngi ko dahil sa hiya panigurado malinaw na narinig 'yon nila Sir Simon. Hindi pa nga pala ako kumakain ng agahan at tanghalian.
"Maaga pa naman tayo let's grab a food.Buti na lang may malapit na restaurant," yaya ni Sir Simon.
Siguro kasing pula na ng kamatis ang mukha ko. Pero hindi ako tatanggi sa alok niya. Mas mabuting si Sir Simon na ang nakakita kaysa sa ibang kamag-anak ko pa ang makasaksi.
Naiwan ang driver sa sasakyan at sabay kaming lumabas don para pumasok ksa isang fine dining restaurant na nasa kabilang kalye lang.
Pagpasok namin napansin ko na mahahalintulad ito sa mga 5 star hotel na nakikita ko sa TV. Ito ang unang pagkakataon na nakapasok ako sa ganitong lugar. Kaya nangingimi akong maglakad dito. I feel like I don't belong here. Batid ko na tanging mayayaman lang ang nakakapasok dito.
"Halika Danilo, don't worry sagot ko ang lahat kung pambayad ang iniisip mo."Pampagaang loob ni Sir Simon.
Naiilang na lang akong napakamot ng ulo. Dahan-dahan din akong naupo sa upuan sa takot na dahil sa bigat ko ay masira ko 'yon.Kaagad na nag order si Sir Simon at mabilis naman na hinain ang pagkain namin. Magana akong kumain dahil na rin sa gutom. Ngunit napatigil ako sa ginagawa.
Tama nga ang iniisip ko dahil maya-maya pa ay narinig ko na ang tunog ng tila may nacrack.
Sumuko ang upuan sa bigat ko na 150 kilos. Mabuti na lang ay nakatayo ako kaagad kundi takaw pansin ang senaryong 'yon.
"That's hilarious!"
"He almost made a scene."
"This place look cheap because of him."Sa naririnig ay ginusto kong kainin na lang ako ng lupa. Tila wala na akong nagawang tama sa araw na 'to.
Bigla akong natuod dahil sa pag-aalala.
YOU ARE READING
360 Degrees
General FictionDanilo Perez is fat,ugly and always bullied and harass everyday ng mga taong nakakasalamuha niya his family is no exception. Until the day he received a news that his grandfather passed away. For some reason siya lamang sa pamilya nila ang pwedeng...