“Mukhang hindi niya pa napapansin ang mga pagbabago sa kaniya.”“Gusto mo bang sabihin ko na Mr. Simon?”
May mga naririnig akong boses ngunit dahil sa panghihina ay hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila.
“Hayaan na lang natin na siya na mismong makaalam non. I never thought that Angelos achieved its goal. Tama nga ang sabi ni Fabian si deigma no. 404 ang magtataas sa atin.”
“Marahil kung nabubuhay lamang si Fabian ay matutuwa ito at kasama nating magsasaya.”
“Ngunit may malaking problema tayo Simon…”
Pinilit kong idilat ang aking mga mata at ang pamilyar na silid ang bumungad sa akin. Siguro ay dinala nila ako sa kwarto ko.
Ngunit nagtataka ako dahil sa kanang kama ako na nagising. Ang alam ko ay may ibang tao ang natutulog dito. Pero iniwaksi ko na lang ang pag iisip non ang mahalaga ay ang sarili ko.
“Si-Simon…” Nanghihina kong tawag sa pangalan niya.
Agad na tumigil si Sir Simon at ang kausap nito nan aka white coat. Sa itsura niya masasabing doktor ito.
“Ano pong nangyari?” Nag aalalang tanong ko. Kailangan kong malaman iyon natatakot kasi ako na magkaroon ng malalang karamdaman. Wala akong perang pangpagamot sa sarili ko.
“ I think you’re suffering from a phobia which is Agoraphobia, fear of the crowd,” tugon ng doktor.
Napahugot ako ng malalim na paghinga. Hindi ko akalain na aabot ako sa ganitong punto.“Ikamamatay ko po ba ‘yon?”
“Yes, if you can’t control yourself, lalo na pag inaataki ka at hindi magawan ng paraan,” tugon niyang muli sa tuno na tila iyon ang pinakasimple at magaang bagay.“Sure po ba na doctor kayo?” Paninigurado ko lamang dahil bilang isang pasiyente waring lalo akong nag alala sa kalagayan ko.
“Oo naman ijo, ako lamang at bukod tanging doktor ni Don Fabian. Doctor Roger Lucas,”nakangiting turan niya na pakilala sa sarili.
Sa narinig lalo akong nag alala para sa sarili ko.
“Sa ngayon ang kailangan mo ay bed rest,”dagdag niya. “I leave things to you Simon, alam kong maaasahan kita,” wika niya bago siya umalis ay marahan niyang tinapik ang balikat nito.
“Annie nakahanda na baa ng agahan?” Tanong ni Sir Simon at ngayon ko lang napansin na nandito pala siya sa kwarto ko.
“Yes Sir Simon.”
Dahan-dahan akong bumangon para lumabas ng kwarto ko at magtungo sa kusina. Ngunit habang naglalakad sa kahabaan ng pasilyo at nakikita ang hilira ng mga kasam-bahay ay unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko.
Napahawak ako sa aking dibdib habang kumakabog iyon ay nakakaramdam ako na waring hindi ligtas ang lugar na ‘to. Natatakot ako sa mga taong nasa paligid ko tila kahit anong oras ay handa nila akong saktan.
Gusto kong tumakbo at lumayo sa kanila. Siguradong pagkakaisahan nila ako kagaya ng ginagawa nila Jack at Lawrence sa akin!
Dahan-dahan at nanginginig ang aking tuhod na naglalakad ng paatras.
"Gusto kong umalis dito!" Iyon ang paulit-ulit na nasa utak ko.
Pakiramdam ko habang nagtatagal ako sa lugar na 'to ay ikapapahamak ko.Sa matinding takot ko ay sumisigaw akong bumalik sa kwarto ko. Buti na lamang ay hindi ako naligaw dahil sa lawak at dami ng silid sa mansion.
Hapon na nang ako'y nagkamalay. Nakatingin lang ako sa kisame at ang mga mata ay ron lang nakatuon. Blangko ang isipin ngunit sa loob ko waring nawalan ako ng pag-asang mabuhay.
YOU ARE READING
360 Degrees
General FictionDanilo Perez is fat,ugly and always bullied and harass everyday ng mga taong nakakasalamuha niya his family is no exception. Until the day he received a news that his grandfather passed away. For some reason siya lamang sa pamilya nila ang pwedeng...