Third POV"Bakit kailangan tumanggap ng Angelique ng ganiyang estudyante?"Mariing bulong ni Mr. Santos at sa registrar. Kasama ni Danilo ang Nanay Eden niya para mag enroll sa kilalang eskwelahan sa lugar nila.
"Wala tayong magagawa Mr. Santos mayayari tayo kay Mr. Ong paghindi natin ginawa 'to,"tugon ng registrar sa mahinang boses sa takot na marinig siya ng mag-ina.
"Nanay wag na lang po kaya ako rito mag aral. Sa ibang eskwelahan na lang po tsaka mahal po ang tuition fee rito,"kumbinsi ni Danilo sa inay niya. Ramdam ng binata na ayaw sa kaniya ng gurong kausap nila na magiging adviser niya at maging ng registrar.
Mahina man ang boses ng mga ito ay malinaw niya pa ring naririnig ang usapan nila.Nakaramdaman ng pagkailang ang binata. Hindi pa man siya kilala ng mga ito ngunit nahusgahan na yata ang kaniyang buong pagkatao. Dahil sa kanina pa na pangmamata ng mga ito sa kanila.
"Nandito na tayo anak. Tsaka kaya kitang pag aralin sa school na 'to. Pag e-enrollin ba kita rito kung hindi?"
"Pero Nay," pagtutol ni Danilo sa gusto ni Eden. Napabuntong hininga na lamang ang binata tanda ng kaniyang pagsuko. Wala na siyang magagawa dahil desidido na ang kaniyang ina."Hindi ba rito mo gustong mag high school? Alam ko na dream school mo ang Angelique Academy,"nakangiting turan ni Eden.
Madalas niyang napapansin na lihim na pumupunta sa Angelique ang anak.Kitang-kita niya kung gaano na namamangha sa lawak ng eskwelahan si Danilo at halos buwan-buwan ay may academic achievement ang mga estudyante nila.
"Maraming salamat Nanay,"tugon ni Danilo hindi maiwasan na gumuhit ang mga ngiti sa kaniyang labi. Natutuwa siya dahil sa suporta na nakukuha niya sa ina.
"Huwag kang mag alala Danilo ako ang bahala. Magtiwala ka lang kay Nanay Eden mo."
Gaya nga ng gusto ni Nanay Eden siya ay nakapasok sa Angelique Academy.
Umasa ang binata na magiging maganda ang kaniyang high school life sa pinapangarap na eskwelahan ngunit isang pagkakamali pala 'yon. Sa unang araw palang ng pasukan ay naranasan na niya ang kalupitan ng mga estudyante roon."Paanong nagkaroon ng baboy rito sa Angelique?" Tanong ng isang estudyante. Pamilyar sa kaniya ang lalaki dahil madalas na naibabalita sa TV ito dahil sa pagiging good Samaritan.
Masaya siyang lumapit sa lalaki dahhil sa pag aakalang nagkamali lang siya ng narinig.
"Josef dela Cruz,"nagagalak niyang banggit sa pangalan nito. "I am a fan po." Dali-dali niyang binuksan ang kaniyang bag para kumuha ng notebook o papel para humingi ng autograph ng lalaki.
"You freak stay away from me!" bulyaw niya kay Danilo na may kasamang marahas na pagtulak. Dahil sa pagkabigla ay bumulagta si Danilo. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ni Josef. Mabait at kilalang gentle man ang lalaki kung kaya ang pagiging marahas nito ay hindi pumasok sa kaniyang isipan.
"Huwag na huwag mo akong lalapitan baka mahawa ako sa kapangitan mo." Pinanlisikan pa siya ng mga mata nito kaya hindi na siya gumalaw sa kaniyang lugar, "Paano mo nagagawang lumabas sa bahay niyo na ganiya ang itsura? Nakakadiri puro ka cholesterol!"
"Pa-pasensya na Josef," tanging nasambit ni Danilo. Batid niya na maraming estudyante ang nakatingin sa kanila. Kahit na puro pang iinsulto ang narinig niya kay Josef ay hindi niya ito papatulan. Unang araw niya sa Angelique gusto niya magkaroon ng maraming kaibigan dito.
"Kamusta ang unang araw mo sa Angelique anak?" tanong ni Eden habang ito ay nagluluto na ng kanilang hapunan.
"Ayos lang naman po Nanay. Marami po akong naging kaibigan at nakilala ko po si Josef dela Cruz," tugon ni Danilo.
Ngumiti ang binata para maitago ang kasinungalingan sa kaniyang mga salita. Ayaw niyang pag alahanin ang Nanay niya.
YOU ARE READING
360 Degrees
General FictionDanilo Perez is fat,ugly and always bullied and harass everyday ng mga taong nakakasalamuha niya his family is no exception. Until the day he received a news that his grandfather passed away. For some reason siya lamang sa pamilya nila ang pwedeng...