"Deigma number 403 we're almost there to get the perfect formula.Panigurado matutuwa ang nasa 'itaas' sa bagong resulta."
Natutuwang balita ng boses na yaon. Napangiti na rin ang bata na hindi niya mamukhaan.Hanggang sa nag iba ang paligid. Umaapoy iyon at nababalot ng itim na usok ang kapaligiran. Puno rin iyon ng mga nagmamakaawang sigaw at nakakapanindig balahibo na ungol at iyak.
Umuulan ng dugo at sa hindi malamang dahilan nagkalat ang iba't ibang parte ng katawan ng tao."Number 404 tayo ka na jan. Hindi ba sabi mo maglalaro pa tayo?"Inosente nitong yaya sa batang nasa edad sais.Hawak niya ang kanang kamay ng kalarong bata.Dahil walang ideya tungkol sa kamatayan inakalang natutulog lamang ang kaibigan. Ngunit lasog-lasog na ang katawan nito at naliligo sa sariling dugo.
"Number 404 tayo ka na jan bilisan mo mag h-hide and seek daw tayo."
Walang kaalam-alam sa karumaldumal at masamang pangyayari ang bata."Number 403!" Hinding magkamayaw na sigaw na iyon, na nagbigay ng matinding takot sa bata. Namutla ito sa nakikitang pagbagsak ng pader.
Hindi ko napigilan ang mapasigaw at bumalikwas sa pagkakahiga.
Habol ang hininga at maraming butil ng pawis ang noo ko. Pakiramdam ko totoong-totoo ang panaginip na 'yon.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili at dahan-dahan na bumangon para uminom ng tubig.
Napahilot ako sa aking sintido dahil sa matinding kirot na nararamdaman ko. Sa muling pagkakataon lumagok ako ng tubig.
Napatingin ako sa salamin at tinuon ang pansin sa aking likuran. Preskong-presko pa ang mga sugat sa aking balikat dahil sa latigo ni Tatay. Maging ang birthmark ko na hugis half moon ay natuyuan ng dugo. Pinilit kong abotin 'yon pero napangiwi lang ako sa sakit. Mukhang bumuka ang sugat do'n.
Akala ko malala na ang naranasan ko sa eskwelahan ngunit doble ang parusa na binigay ni Tatay.
Sarili kong ama ay hindi naniniwala sa akin na inosente ako at hindi ko kaya na gumawa ng masama sa iba.
Ano pa bang maaasahan ko kay Tatay? Hindi naman anak ang tingin niya sa akin.
Tiningnan ko ang kabuoan ng aking sarili. May sugat ang aking pisngi at namamaga ang labi.
Kahit dalawang linggo na ang lumipas ay sariwa pa rin ang alaala ko kung pano naayos ang gulo sa eskwelahan. Tila kahapon lang 'yon.
Sa unang pagkakataon yaon ay nakita ko si Tatay na magmakaawa para sa akin.
Ala-una ng hapon 'yon at malakas ang ulan. Malamig man ang panahon pero pawis ko ay hindi magkanda ugaga sa pagtulo dahil sa nerbyos at takot na rin.
Tahimik kong katabi si Tatay sa upuan ng faculty office. Nakayuko ang aking ulo sa takot na tumingin kay Tatay iniiwasan ko na salubongin ang galit niya sa 'kin.Ramdam ko rin ang pagpipigil niya na huwag magalit ng tuluyan."Hindi ko akalain na rito pa tayo magkikita Leonardo,"nagagalak nitong ani na palapit sa amin."Limang taon na rin ang nagdaan bago ulit kita nakita mi amigo. "
Sabay kaming napatingin sa lalaki. Kahit sabihin na nasa 40 anyos na ito ay napakakisig nito halatang alaga ang katawan sa ehersisyo. Bumabakat nag muscle nito sa braso kahit na nakasuot ng black suit.
Naka-modern slicked men haircut ang ayos ng buhok halatang hindi pinapabayaan ang sarili. Nagmumukha itong binatang-binata.
Sa kaliwang kamay niya nakaipit sa pagitan ng kaniyang daliri ang dalang tobacco.Pasimple humithit siya at kaagad na bumuga ng usok kaya lumukob ang smoky odor sa paligid. Hindi ko napigilan ang umubo dahil don.
YOU ARE READING
360 Degrees
General FictionDanilo Perez is fat,ugly and always bullied and harass everyday ng mga taong nakakasalamuha niya his family is no exception. Until the day he received a news that his grandfather passed away. For some reason siya lamang sa pamilya nila ang pwedeng...