News: Local

1K 26 0
                                    

POPE FRANCIS AND THE LGBT COMMUNITY

By: maryblood

 

Ayon kay Rev. Justin Cannon, ang salitang homosexual ay nanggaling sa salitang Greek at Latin. Ang homo, isang Greek word, ang ibig sabihin nito ay the same. Ang sexualis, isang Latin, ang ibig sabihin nito ay sex. Mga one hundred years ang nakakalipas nang unang ginamit ang salitang ito. Ang original na languange ng Bible ay Greek at Hebrew. Walang ginamit na salita rito na ang equivalent sa English ay homosexual. Kaya naging controversial ang translation ng Revised Standard Version (RSV) ng Bible noong 1946. Ang version ng bible na ito ay gumamit ng salitang homosexual.

 

Bumisita si Pope Francis sa Pilipinas simula January 15 until January 19 taong 2015. Pero bago siya pumunta rito, may isang naging cotroversial siyang sinabi sa mga reporters pagkagaling niya sa World Youth Day. Sinasabing taliwas daw ito sa Catholic teaching. Ito ang kanyang sinabi:

When I meet a gay person, I have to distinguish between their being gay and being part of a lobby. If they accept the Lord and have goodwill, who am I to judge them? They shouldn’t be marginalized. The tendency [to homosexuality] is not the problem…they’re our brothers.

Sa unang basa, mapapansin na si Pope Francis ay brothers ang turing sa mga homosexual, at hindi raw problema ang gender nila para sa kanya.

                                                             

Ayon kay Joshua Bowman, matalinong tao si Pope at ang lahat ng kanyang sinasabi ay kailangang bigyan ng lubos na pansin para maintindihan ang tunay niyang ibig sabihin. Sa sinabi ni Pope na ito, sinasabi niya na “brothers” daw na maituturing ang homosexuals “kung” hindi nila pina-practice ang pagiging homosexual. Ibig sabihin kung lesbian ang isang girl, kapatid pa rin siyang ituturing ni Pope, basta siya ay hindi nagge-girlfriend.

Pero hindi pa rin naggi-give up ang LGBT members. Lubos pa rin ang pagmamahal nila sa Papa. It was January 8, 2015, nag-organize ng Solidarity March for Pope Francis ang the LGBTS CHRISTIAN CHURCH INC and LGBT PINOY. Pi-nost pa ng ABS-CBN News Channel sa Twitter ang kanilang picture. Simula 4am nasa Luneta sila at naglakad sila papunta sa Quirino Avenue. At sinigaw nila ang “Pope Francis! We Love You..We Love you, Pope Francis!” (Source: https://lgbtschristianchurch.wordpress.com/2015/01/22/lgbt-solidarity-march-for-pope-francis/)

Habang si Pope ay nasa Pilipinas, may isang lebian couple ang nagpakasal sa Quezon City’s LGBTS Christian Church. Si Rev. Ceejay Agbayani ang nagkasal sa kanilang dalawa. So kahit man 81 percent ng population dito sa Pilipinas ay Catholic ang religion, may mga marriage ceremonial pa ring kagaya nito ang nagaganap sa bansa. Sa katunayan, simula 1992, ay 470 na ang couple na naikasal ni Rev. Agbayani. Naniniwala si Rev. Agbayani na sa loob ng sampung taon, posibleng maging legal na ang pagpapakasal ng dalawang nagmamahalang may parehong kasarian dito sa bansa. (Source:http://www.huffingtonpost.com/2015/01/16/gay-marriage-philippines-pope-francis_n_6488914.html)

So, iyong mga gustong magpakasal na couple na nagbabasa nitong article na ito, search niyo sa net ang LGBTS Christian Church para magpakasal. Legal or not. It happens.  Ito ang address ng nasabing church: 4 Auditing St., GSIS Village, Proj 8, Quezon City, Philippines.

Magandang simula ang view na mayroon si Pope Francis para sa LGBT. Sana dumating ang time na matanggap na ng Catholic church ang ganitong gender. Sana ma-legalize ang same-sex marriage dito sa bansa. Best wishes para sa mga ikinasal na at ikakasal pa lang na LGBT.

Bahaghari MAG | Mar 2015 | Issue 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon