Chapter 1

60 7 1
                                    

Cheater

"Iba-iba ang kasamang babae ng boyfriend mo, Zoella." Sabi saakin ng kababata long kaibigan na si Mica.

Andito kami ngayon sa waiting shed sa school para mag hantay ng jeep pauwi. Kitang kita namin si Cleo kung paano umakbay sa isang babae na naglalandian sa daan.

"Hindi ko rin alam, Mica. Syempre, sikat siya kaya ganiyan lang. Normal lang ata 'yan," Pambawi ko kahit na hindi ko alam bakit ganiyan si Cleo.

"Hindi ka niya kayang ipakilala sa mga tao bilang girlfriend, Zoella. Pag sabihan mo 'yang boyfriend mo baka bukas may maikama nanaman na mababalita." Ramdam ko ang inis niya sa bawat salitang sinasabi niya.

Noong minsan ay kumalat sa social media at sa television na may naikama nanaman si Cleo. Pero hindi siya nagpaliwag saakin kahit isang salitang tungkol doon kaya hinayaan ko nalang ulit siya.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ako sakaniya parang hindi naman ako girlfriend o kaya naman maglalambing lang siya kapag ako lang kasama niya.

Wala na ba siyang choice no'n kung hindi ako nalang?

"Mica, alam mo naman si Cleo ganiyan talaga, pati ako ay walang magawa kasi 'yan ang gusto niya."

"Kahit na masakit sa 'yo? Ang galing rin niyan,e. Dating nanliligaw siya sa 'yo ang galing-galing niya tapos ngayon putspa siya." Hindi na ako naka sagot sa sinabi niya dahil totoo 'yon.

Anlayo ng Cleo noon sa ngayon.

Siguro dahil noon hindi siya sikat kaya siguro hindi siya ganiyan.

Naaalala ko noon ang sweet niya. Dinadala ako sa restaurant para raw mag date kami at hinaharana pa niya ako gamit ang guitara niya sa labas naming ng bahay.

Ngayon naman ay hindi ko na alam kung siya pa ba 'yung boyfriend ko mukha kasing hindi na.

"Kung ako sa 'yo, Zoella, hihiwalayan ko na 'yan. Antagal mo na rin tinitiis 'yang lalaking 'yan. Osya, Uuwi na ako dahil mag gagabi na." Kinawayan ko naman siya para mag paalam.

Ako nalang mag-isa dito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis sila Cleo at ang babae kung nasaan sila.

Gusto ko man silang awayin sa kung nasaan sila pero baka magalit si Cleo dahil ginugulo ko sila.

Ganiyan naman parati,e. Iba-iba ang kasama niya wala na rin siyang oras saakin. Feeling ko isa na rin ako sa mga babae niya.

Pag uwi ko ng apartment ay kaagad akong nagpalit at nagpahinga bago gumawa ng mga reviewer.

Hindi ako umuuwi sa bahay dahil parati rin walang oras saakin ang mga magulang ko saakin. Ang kapatid ko ay bumibisita saakin dito minsan.

Napa bangon ako ng may kumatok sa pinto ko.

Kakabisita lang ng kapatid ko noong minsa ah?

Pagbukas ko ay bumungad saakin ay si Cleo.

"Oh, buti umuwi ka dito?" Tanong ko. Dahil minsan na minsan lang siyang uuwi saakin dito sa apartment ko.

"Wala lang na miss lang kita, 'yung girlfriend ko miss ko. Ikaw miss mo ba 'yong boyfriend mo?" Sabay yakap niya saakin kaya naman ay napayakap na rin ako sakaniya.

"Miss na miss ko na 'yung boyfriend ko." Mahina kong sabi pero alam kong narinig niya 'yon.

"Hindi ka ba pagod? Matulog muna tayo?" tanong niya kaya naman ay pumunta na kami ng kuwarto ko.

Pagka higa naman naming ay kaagad niya ulit akong yinakap na sobrang higpit.

"Nag hilamos ka na ba?"Tanong ko sakaniya dahil hindi na siya naka uniporme ngayon.

"Pag palit ako kanina." Maikling sagot niya.

"Sino 'yong sama mo kaninang babae?" May pag aalinlangan kong tanong.

"Huwag mo ng tanungin." Maikling sagot niya ulit.

Bakit ka ganiyan, Cleo?

"Gusto mo ba siya? Mukha kasing masaya kayo." Tanong ko ulit sakaniya.

Gusto kong sabihin lahat ng hinanakit ko sakaniya dahil sa mga pinanggagawa niya.

"Sabing huwag kang mag tanong." Tinignan niya ako sa mata kaya naman ay tinignan ko rin siya.

Iritado siya.

Mga mata niya ang nagsasabing huwag na akong mag tanong kung hindi ay mag aaway kami.

"Sorry." Pahingi ko ng pasensya.

Kaya naman isinubsob nanaman niya ang mukha niya sa dibdib ko.

Naramdaman ko ay kamay niya na gumagala sa likod ng katawan ko.

Naiilang ako sa ginagawa niya.

Naramdaman ko na huminto ang kamay niya sa puwetan ko kaya naman ay kinuha ko ang kamay niya para tanggalin 'yon doon.

"Cleo..." tawag ko sakaniya para malaman niyang ayaw ko ang ginagawa niya.

Tumayo na siya sa pagkaka higa sa kama at naiwan akong naka higa habang siya ay naka tayo habang tinitignan ako.

"Aalis na ako. Bukas tutugtog ako, punta ka kung gusto mo." Masungit niyang sabi at umalis na sa bahay.

Iiwan mo nanaman ako? Tapos mag hahanap ka ng babae, Cleo?

Loving You Where stories live. Discover now