Last MomentsAlas sais palang ng umaga ay nagpaalam ako kay kuya na may pupuntahan ako. Sinugurado niyang hindi ako pupunta kay Cleo.
Nang makasakay na ako ng bus ay kaagad akong umupo sa tabi ng bintana at kaagad kong inilagay sa tenga ang earphones ko. Pupunta ako ng Bamban Tarlac. May bibisitahin akong lugar bago kami aalis. Bukas na kaagad ang alis namin ni kuya.
Pumayag akong umalis sa bansa dahil natatakot ako sa sinasabi ni Cleo. Alam kong magiging safe ako kapag andiyan si Kuya Tristen pero iba parin kung pati si kuya ay ligtas. Ayoko lang isipin sarili ko, may kuya ako.
Nang gabing katapos tumawag ni Cleo ay umiyak lang ako nang umiyak kina kuya at Mica. Ilang beses din pinamukha saakin ni kuya na hindi na 'ko babalikan ni Cleo. Na magiging tatay na siya at may magiging asawa na.
Ang sakit kasi 'yun ang totoo. Lahat ng pangarap namin noon sa iba naman niya ginawa. Noon 'yon, pero nang nagtagal parati niyang sinasabi saakin ay hindi na pa siya ready magpakasal at magkaanak. Gusto niya muna raw makapagtapos ng pag-aaral at matupad ang pagiging artist niya. Pero ngayon, kahit naman hindi pa siya nakakapag tapos ay naging tatay at magkaka asawa na siya. Ang daya.
Ilang oras ang lumipas ay nandito na 'ko sa kantong pag-asa sa Bamban, Tarlac. Kakasakay pa 'ko ng jeep para makarating na 'ko. Habang naghihintay ako ng jeep ay bumili muna ako sa 7/11 ng pagkain at kape.
"87 ma'am," Sabi ni ateng cashier.
Kaya kinuha ko kaagad ang pera ko sa pinaka ko.
"Thank you, ma'am!"
Katapos ay kaagad akong lumabas ng bilihan dahil may nakita na 'kong jeep na pang-Dapdap na malapit na.
Mabuti nalang ay naka t-shirt at pants ako kaya mabilis akong sumakay sa jeep, baka mapuno na kaagad kung hindi pa 'ko sasakay.
"Sitio Mano po," Sabay abot ko sa bayad ko sa katabi kong studyante na papasok na rin sa skwela.
Naalala ko ang napag usapan namin ni kuya tungkol sa pag-aaral ko. Ililipat niya raw ako sa New York, doon nalang din ako mag-aaral para hindi ko kailangan tumigil nang pag-aaral.
Ilang oras lang din ang lumipas ay andito na ako sa batyawan dahil hindi naman malayo masyado sa kantong pag-asa.
Habang paakyat sa bundok Tanawan ay nadaanan ko muna ang batyawan dahil 'yon ang mas mababa sa bundok na 'to. Habang paakyat ako ay hindi ko mapigilan hindi maalala ang mg memorya namin ni Cleo dito.
Ito yung tambayan namin ni Cleo. Dito 'yung secret place namin. Koonti lang mga taong pumupunta dito kaya dito yung pinaka gusto namin. Malayo 'to sa lugar namin sa Pampanga pero kayang mag byahe papunta dito araw-araw. Madalas kami ni Cleo dito noong bago palang kami. Ito yung tambayan namin. Pati date namin ay dito rin namin ginagawa, pati ang mga pictorials namin noon ay dito rin ginagawa dahil maganda ang view dito. Pangit nga lang kapag hapon dito dahil sobrang init at kapag gabi dahil wala ka ng makikita kundi ang dilim lang.
Bago ako makaakyat ay kailangan muna maghulog ng barya. Dahan-dahan akong umakyat dahil hindi masyadong maganda ang daan paakyat dito.
Nang tuluyan akong maka akyat ay kaagad akong pumunta sa pwesto namin ni Cleo parati dati, ang maliit na kubo. Dito kami parating naka upo lalo na kung medyo maiinit pa. May mga p'westong p'wedeng mag picture.
Hindi ko mapigilan hindi malungkot sa lugar, mukhang napapabayaan na 'to ngayon. Sana sa susunod ay mapaayos ulit.
"Cleo... I wish you were here with me." Bulong ko sa kawalan.
Naalala ko noon, kasama ko siya ditong nangangarap. Masaya kami dito noon. Siya pa ang nagdala saakin dito noon.
I wonder if pumupunta parin ba siya dito? kung pumupunta ba siya dito ay kasama niya si Almeria? o siya lang mag-isa?
YOU ARE READING
Loving You
RomanceA guitarist boy named Cleo Domenique is gonna love you or he gonna push you for his love for someone, dream and fashion?