Chapter 3

39 6 0
                                    

Love Team

Nang nagising ako ay ramdam ko ang tumatagos na liwanag ng araw sa mukha ko. Naramdaman ko na may mabigat na nakapatong sa tyan ko. Nakayakap si Cleo na mukhang natutulog.

Akala ko kagabi ay hindi na talaga niya ako susundan.

Bumalik ako sa pagkaka higa at yumakap pabalik sakaniya.

"Good morning, Cleo." Bati ko sakaniya habang nakatingin sakaniya habang tulog.

Sumilay ang ngiti sa labi niya,"I love you, too," Ikinagulat ko nang siya'y sumagot.

Tumingin ako sakaniya habang siya ay nakadamang nakayakap saakin.

"Nagising ako no'ng naramdaman kong busy ka sa mukha ko," Pagkasabi niyang 'yon ay kaagad kong iniwas ang tingin ko sa mukha niya.

"Tumayo ka na diyan para makapag handa na ako ng almusal natin," Sabi ko kaya naman tinanggal ko ang pagkakayakap niya saakin. Hindi naman siya kumulit pa kaya tumayo na rin siya para mag ayos ng sarili.

Pagbaba ko ng kwarto ay kaagad akong pumunta sa kusina para maghanda ng makakain naming dalawa.

Minsan niya lang akong puntahin dito sa bahay kaya madalas ay nagugulat ako na may katabi na ako. May susi siya ng bahay dahil para kung gusto niyang pumunta dito ay maka pasok siya.

Pagkatapos kong niluto ang hotdog, egg at tuyo ay sakto naman lumabas na siya ng kuwarto at bumaba papasok sa kusina.

Nag simula akong mairita nang habang kumakain ay naka tutok lang siya sa phone niya hindi ako kinakausap.

Ganiyan naman parati, puro cellphone ang inatupag niya kapag ako na ang kasama.

Napa tingin ako sakaniya nang magsalita siya, "Mamaya aalis ako. Hindi ako matutulog dito, may meeting daw kami," Hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap niya o ang cellphone niya.

"Sino?" tanong ko.

"Ikaw, sino pa ba?" pabalang niyang sabi.

Hindi na ako sumagot.

Pagkatapos namin kumain ay kaagad siyang naligo at nag ayos para makaka alis na siya.

Akala ko makakasama ko na siya maghapon pero hindi pala. Sana pala nag stay nalang kami sa kwarto muna kung alam kong aalis din siya kaagad.

Apat na araw na akong walang balita kay Cleo. Niisang reply sa mga message ko ay wala siyang reply. Hindi man lang ba niya inisip na may nagaalala sakaniya?

Dahil sa inis ay napag desisyon kong mag social media. Una kong binuksan ang message ni Mica.

Mica: Zoe, alam mo na ba yung tungkol kay Cleo at Almeria??

What? ano nanaman 'to?

Zoella: Hindi, anong mayroon? ngayon lang ako nakapag online ulit.

Kaagad naman niyang na seen ang message ko.

Mica: Magka love team sila! Hindi ba sinabi sa 'yo ni Cleo ang tungkol dito?

Zoella: Hindi e, ilang araw na rin siyang walang paramdam saakin. Akala ko busy. Thank you sa pa inform.

Sa sobrang gulo na ng iniisip ko ay tinignan ko sa Facebook kung totoo nga ang balita. Nagulat ako nang makita kong si Cleo ang laman ng social media.

Totoo nga ang tungkol sakanila.

Nang makita ko 'yon, kaagad kong naisipan mag message kay Cleo na wala parin paramdam sa last message ko.

Zoella: Cleo, bakit wala kang sinasabi tungkol dito? bakit hindi mo sinabi saakin? girlfriend mo 'ko 'di ba? bakit hindi mo muna inisip na pag usapan muna natin bago ka mag desisyon.

Ilang oras bago siya nakapag reply saakin.

Cleo: Mag usap tayo. Puntahan kita.

Loving You Where stories live. Discover now