CallNagising ako ng ginising ako ni kuya. "Ella, wake up... It's already late," tinatapik pa ako.
Tinabunan ko ng kumot buong katawan ko. "Kuya, 20 minutes pa." Inaantok kong sabi.
"Ella, kanina pa 'yang 20 minutes mo. It's already 12 in the afternoon. Mag ayos ka na. Kakain na."
Napabangon ako dahil sa tono ng pananalita niya. He is really Strict.
"Okay. Mauna ka nalang sa sala. Maliligo lang ako, kuya."
"Okay."
Lumabas na siya ng kwarto.
Kagabi kauwi ni kuya, kinausap niya kaagad ako tungkol sa nangyari saamin ni Cleo. Galit na galit siya kagabi dahil sa ginawa ni Cleo saakin at galit din siya saakin dahil daw bakit pa ako umaasang babalik 'yon saakin.
Hindi ko rin alam. Basta alam ko galit si kuya saakin at lalo na kay Cleo at doon sa babae.
Hinayaan ko na ang iniisip ko. Tumayo na ako para pumunta ng cr para mag ayos na. Baka maging dragon ni kuya kung hindi pa kayo tatayo.
"We are going to Mall with Mica. Samahan mo 'ko may bibilhin ako." Sabi ni kuya habang kumakain kami.
"Okay, pero bakit kasama si Mica?" takang tanong ko.
"She didn't tell you yet?"
"Ang ano?" litong tanong ko.
Ang anong hindi sinasabi?
"I'm courting her."
"What?! hindi niya sinabi saakin. Kailan pa kuya? at bakit ikaw hindi mo sinabi saakin na liniligawan mo na ang kaibigan ko?! Sunod-sunod kong tanong.
Kaya pala alam niyang uuwi si kuya! ang tanga mo talaga, Zoe!
"I thought she will tell you that's why I didn't tell you anymore..." Ramdam ko ang nagkabigong boses ni kuya.
Oh.. walang sinabi saakin...
"Baka nahihiya lang kuya? ngayon, at least alam ko na 'di ba? mamaya tanungin ko siya."
Inubos ko na ang pagkain ko. Ang sabi ni kuya ay alas dos ng hapon doon kami aalis kaya kaagad akong pumili ng masusuot ko para sa pagalis.
Hindi ko alam pero kinabahan ako para kay Mica. Mag aaway ba sila? kung oo, dapat pala hindi ko nalang tinanong kung bakit kasama si Mica.
Nasa kwarto ako ngayon. Naiinis ako sa sarili ko. Ako pa yata ang magiging dahilan sa pag-aaway nila. Pero kasalanan din ni Mica, 'no. Hindi niya sinabi saakin! kahit ako ay magtatampo kung saakin din ginawa ang ganon. Ang sakit kaya nun! ako nga, pinakilala sa mga kaibigan, kaso may iba na pala siyang pinakilala bago ako.
"Ella, bilisan mo!" Sigaw ni kuya sa harapan ng kwarto ko.
Nataranta akong napatayo sa kama para maghanap ng isusuot.
Nang matapos ako sa paglalagay ng make-up ay kaagad kong pinuntahan si Kuya sa sala. Nakakatakot kasi siyang magalit kaya ayoko siyang magalit saakin. Siya nalang ang mayroon ako.
"Kuya, tapos na 'ko." Sabi ko sakaniya nang makarating ako sa harapan niya.
"Let's go, naghihintay na si Mica saatin."
Huh. 'Yan ang akala mo. Bulok na 'yang ganiyan ni Mica. Sinasabi niya parati saakin na naghihintay na siya pero karating ko sakanila ay hindi pa siya tapos!
"Okay."
Lumabas na kami at sumakay na ng kotse na dala ni Kuya. Habang nasa byahe kami ay naisip ko bigla na wala naman kotseng dala si kuya nang umuwi siya dito. Baka sa kaibigan niya 'to?
YOU ARE READING
Loving You
RomanceA guitarist boy named Cleo Domenique is gonna love you or he gonna push you for his love for someone, dream and fashion?