New lifeIlang taon na ang lumipas nang makarating ako dito sa New York. Naging maganda ang buhay ko dito dahil kasama ko si kuya. Hindi niya 'ko iniwan. Hindi naging madali pero kinaya ko. Ibang-iba sa Pinas.
Naalala ko noong unang linggo palang na wala ako sa Pilipinas ay andami ng nangyari. Nabalita ang pag c-cheat ni Cleo saakin. Hindi ko alam kung paano kumalat 'yon. Andaming nag friend request saakin at nag bash saakin nu'n. May mga comments din akong nabasang hindi maganda ang mga sinasabi nila.
@Cleofanforever: Tanginang 'yan, maninira ng love life!
@AlmeriaNation: Gaga! papatulan ba 'yan ni Cleo? mukhang tyaka!
Pero may mga magaganda naman na komento.
@BlowerNiCleo: Nakita ko si Ate sa Batwayan noong minsan! Baka siya yung kinantahan ni Cleo na "minahal" sa gig? mga gaga kayo bash kaagad ginagawa n'yo mag-isip din kayo!
@CleoFanForever: @BlowerNiCleo, mga inggit nga naman oh! si Madame Almeria nga yung mahal bakit pinipilit n'yo 'yang mukhang tyanak na 'yan. yuck!
Tinigil ko na ang pagbabasa. Ako na nga nagdudusa sa ginawa ni Cleo ako pa talaga ang masama ah?
Simula noong kumalat ang issue ay hindi na muna ako pina-online ni kuya sa mga social media ko. Hindi ko rin alam paano kumalat 'yon. Hanggang ngayon ay wala parin akong social media kung makausap ko man si Mica ay sa cellphone o laptop ni kuya ko siya nakakausap.
Noong bago ako dito sa New York ay nahirapan akong mag adjust.
"Wow kuya dito kaba talaga nakatira noon?" Tanong ko kay kuya habang ginagala ang mata sa bahay niya. "Samantalang ako ayaw patirahin nila mama at papa sa ganitong bahay kasi wala naman akong nagagawang tama sa bahay. Kaya ayaw nila akong tumira sa bahay nila kaya doon nalang ako sa apartment na sa Pampanga."
Tinignan n'ya ako. "Don't talk about them here, Ayoko makarinig ng tungkol sakanila dito." Masungit niyang sabi.
Hindi ko rin alam kung anong nangyari kay kuya at sa magulang namin. Wala na rin akong balita sa magulang ko matagal na.
"Hey, you're not listening.." Draizer said.
Doon ko lang din narealize na matagal na nakatulala lang ako.
He is one of my friends. Nakilala ko siya sa school. Naka batch ko noon. Half American and Half Pilipino siya.
Nasa office kami ng pinag t-trabuhan namin habang nag aayos na ng gamit para makauwi na.
Yup! I finished my study here. I am happy to be here.
"I'm sorry. What did you say?"
"I said, We will go to Philippines for good after ma-approve ang resignation ko."
Nabigla ako doon. "Why? your Lola's need your family?" I asked.
"Yes. She need us,"
I don't know if I'll be happy for him dahil makakasama na niya ang minamahal niyang lola or sad kasi siya lang pinaka close ko talaga sa mga kaibigan ko.
"Don't worry, I'll contact you always. You know that, Zoe."
"I know, Draizer." I smiled to him.
He's the one who really understand me. That's why I am so sad when he said that they will go to Philippines again.
Hindi rin naman talaga ako magtatagal dito sa bansang 'to. Alam kong uuwi at uuwi parin kami ni kuya sa Pilipinas. Sa sandaling tumira ako dito hindi ko mapigilang hindi mapamahal.
Makalipas ang ilang oras ay napag desisyonan namin na umuwi na dahil marami pa kaming kailangan tapusin sa bahay.
Kada umuuwi ako ay naabutan ko na si kuya. Mas nauuna siyang umuuwi saakin parati.
Nang makapasok ako sa kusina ay handa na ang pagkain na linuto ni kuya. Kahit na nasa New York kami ang niluluto parin ni kuya ay mga Filipino dish. Para raw hindi parin ako lumayo sa pagiging Pilipino ko.
"How's your day?" He asked while he is cooking.
"I'm good today, kuya. Thank you for asking. What about you?" I asked too.
"I'm fine. Nakakapagod dahil andaming kailangan tambak na trabaho." Reklamo niya.
"Andami ko pang kailangan matapos ngayon. Wala pa 'kong tulog simula kagabi. Mabuti nalang ay mabait ang boss namin kaya bukas pa niya ipinapapasa." Hindi ko mapigilan mag kwento kay kuya.
"Hey, no worries. Kaya mo 'yan. Just do your best always." He motivated me.
"Pero kuya, what if, yung best ko ay hindi pa 'yun 'yong best?"
"Hey, don't overthink." Pagbabawal niya saakin. "Anyway, nabalitaan mo na ba?" tanong niya.
"Ang alin?" kuryoso kong tanong.
"Ikakasal na si Loren!" Mamayang anunsyo ni kuya.
Parang nawala lahat ang pagod ko nang malaman ang anunsyo na 'yon.
Wow. "Weeh? kanino? atyaka, OMG! I'm happy for him!" Pumapalakpak pa ako habang nagtatalon sa balitang narinig
"Kay Rain, you know her?"
Siya ba 'yong babaeng nagbigay ng letter noon kay Cleo? Rain pangalan nun...
"Familiar, kuya, pero hindi ako sure kung siya nga..."
"Hmm..." 'Yan nalang ang nasabi niya at naghanda na ng kakainin namin.
Inayos ko na rin ang mga paggagamitan
namin sa mesa."Hindi ko alam na may girlfriend si Loren! Akala ko noon ay single siya."
"Akala rin namin. Hindi nagsabi ang ugok. Nabigla nalang kami ay kinakasal na." Masayang sabi ni kuya.
Hindi ko mapigilan mapangiti nang sobra. Parang kanina lang ay nagsasabi ako kay kuya na andaming gagawin pero ngayon ang saya ko para sa kaibigan ni kuya.
Naging close na rin kami ni Loren simula noong lumipat kami ni kuya dito sa New York. Parati rin siyang nandito kapag kailangan siya ng trabaho niya dito kaya nakakasama ko na rin siya.
Nakompirma ko na rin na siya ang kaibigan ni Cleo. Nag kwento rin siya tungkol kay Cleo noon pero hindi kagaano siya nag k-kwnto dahil alam niyang ayaw ko na pag-usapan. Iniwan niya rin ang banda nila simula noong nabalita ang cheating na nangyari.
Nang matapos kaming kumain ay pinaakyat na ako ni kuya para mag asikaso na ng mga kailangan ko pang tapusin na trabaho. Sa trabaho, puro trabaho, sa bahay, puro trabaho rin.
Nang madaling araw na ay natapos ko na Ang mga kailangan kong tapusin. Matutulog na sana ako nang biglang may kumatok.
Napa tingin ako sa pinto. "Kuya?" tanong ko.
"Zoella Devan," Tawag niya saakin habang kumakatok.
Puta, bakit buong pangalan ko?
Naglakad ako papuntang pintuan para pagbuksan siya.
"Bakit kuya?" I asked him.
"Next month uuwi tayo. Mag leave ka muna. Uuwi tayo sinabihan ko na rin about dito si Mica."
YOU ARE READING
Loving You
RomanceA guitarist boy named Cleo Domenique is gonna love you or he gonna push you for his love for someone, dream and fashion?