Chapter 5

46 4 0
                                    

Kuya

Ilang beses ko parin kinontak si Cleo kahit na alam kong si Almeria ang sasagot.

"Ano? hindi ka parin ba titigil sa pagtawag kay Cleo? Girl, hindi ka na niya mahal sana alam mo 'yan kasi alam na ng buong tao dito sa mundo na ako ang mahal ni Cleo!"

"Hindi, ako ang mahal niya! kaya ka niya lang pinili dahil nabuntis ka niya pero ako talaga ang mahal niya!" Pagpupumilit ko sa call.

"Ah! kaya pala ako ang una niyang pinakilala sa mga kaibigan niya?" sarcastic tone.

Tangina netong babaeng 'to.

"Wala akong pakealam sa mga kaibigan niya. Tandaan mo 'to, kabit ka lang! kabit ka!" Sigaw ko.

"Yeah, kabit na ako pero ako ang unang nagkaroon ng anak saatin. Ako ang papakasalan." Mayabang niyang sabi sabay patay sa tawag.

Papakasalan ni Cleo? akala ko ba hindi siya handa sa ganon... Una, ayaw niya ng anak dahil gusto niya muna maging success ang pinaghihirapan niyang pangarap, Pangalawa, hindi pa siya ready magpakasal. Sadyang ayaw niya lang ba na saakin niya makuha 'yon? ang daya mo, Cleo.

Ilang tawag parin ang ginawa ko sa number ni Cleo pero hindi na nila sinagot.

Magdamag akong umiyak dahil doon. Kinagabihan ay bumisita saakin si Mica dahil daw sa pag-alaala niya saakin dahil hindi ako sumasagot sa tawag at mga message niya.

"Alam mo bang uuwi ang kuya Tristen mo, dahil nabalitaan niya 'yung balita tungkol kay Cleo at doon sa bruhang babae?" Pambabalita ni Mica saakin habang kumakain kaming umagahan.

Wala akong gana kumain, mas lalo akong nawalan kumain dahil sa binalita saakin. "Huh? paano mo nalaman na uuwi siya? At wala siyang sinabi saakin..." Magsimula akong kabahan.

Wala siyang sinabi saakin. Bakit uuwi siya dito galing sa New York dahil lang sa nabalitaan niya?! Anong plano niya?

Kuya left me since I was 1st year high school dahil sa new york siya pinag-aral ng magulang namin. Doon lang din ang huli naming pagkikita sa personal, at ngayon 4th-year college na ako doon namin ulit makikita ang isa't isa dahil lang doon sa balita?

"Tumawag siya saakin kagabi bago ako pumunta dito. Ang sabi niya this week ay andito na siya, wala siyang sinabi kung anong araw mismo." She replied.

Simula noon sinabi ni Mica ang tungkol doon ay hindi na nawala ang kaba ko araw-araw. Dahil baka pag-uwi ko ng apartment ay anoon na siya lalo na't may susi rin siya ng bahay.

I don't know what would I feel... hindi ko alam kung masaya ba dahil may karamay na ako sa pamilya ko o malulungkot dahil kung hindi niya lang nabalitaan ay hindi niya ako pupuntahan. Wala rin akong balita sa magulang namin dahil wala naman silang ginagawa para mapuntahan ako dito sa Pampanga.

Simula noong nabanggit ni Mica ay uuwi si kuya ay araw-araw kong linilinis ang apartment dahil baka makita ni kuya ay makalat. Sunday na ngayon at paniguradong ngayon ang uwi niya. Huling araw nalang ng "next week" ni Mica ngayon.  Ilang araw na rin akong nag p-practice kung papaano ako mag r-react na nabibigla kapag nakita ko na si kuya.

Mag alas dyez na ng gabi ay wala parin si kuya. Paano kung hindi naman pala totoo ang sinabi ni Mica? paano kung sinabi niya lang 'yon para mawala ang atensyon ko kay Cleo? Hindi ko pa rin nakakausap si kuya kahit message, wala.

Napatayo ako sa sofa ng nataranta ako ng marinig kong tumunog ng doorknob. Hindi ko alam ang gagawin! Baka magnanakaw pala at hindi 'to si kuya?

Pagbukas ay nakita kong si Kuya Tristen talaga... Hindi ko alam kung mas gugustuhin kong si Kuya ba o yung pumasok o dapat magnanakaw nalang. Ang seryoso ng pagmumukha niya habang pinapasok ang mga maleta at mga bag na dala niya.

"Kuya..." Nasabi ko.

Tangina, hindi ganito yung na practice kong reaction. Iba parin talaga kapag nandito na siya.

Naluluha akong tumakbo sakaniya para yakapin. "Kuya..." mas diniin ko ang pagkakayap sakaniya. Naramdaman ko rin na yinakap niya ako.

Loving You Where stories live. Discover now