tw: mention of abortion.
Child
Ngayon ay kasama ko na siya. It's been 4 days ngayon ko palang ulit siya nakita. Ngayon palang ulit siya magparamdam, nagpakita.
"Cleo, bakit hindi mo man lang ako naisip doon sa desisyon mo?!" galit kong sigaw hang umiiyak sakaniya.
"Para saan pa? para hadlangin pangarap ko?!" Galit niyang sigaw.
Kung galit ako, mas galit siya. Sa relasyon namin, ako ang walang karapatan magalit.
"Hindi naman sa ganon, Cleo... Gusto ko lang naman na malaman mong may girlfriend ka ditong nasasaktan dahil sa desisyon na ginawa mo." Pinapakalma ko ang sarili ko sa pinaghalong iritasyon at pag-iyak.
"Ngayon alam mo na 'yang love team na 'yan, alam mo ba yung dahilan kung bakit naging kami bigla?" Naging matigas ang pag tingin niya saakin. Randam ko ang galit sa mata niya.
Mas nanghina ako dahil sa boses niya. Para siyang pinipigilan nalang niya sarili niyang saktan ako.
"Buntis si Almeria at ako ang ama, Zoella! Ama ako ng anak namin ni Almeria!" Sigaw niya sa mukha ko.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong sampalin siya at pagsusuntukin ang dibdib niya.
Nabuntis niya si Almeria? Kailan?
"Matagal na kayong magkakilala?" Tanong ko habang pinagsusuntok ko parin siya.
"Oo, matagal na rin kaming may patagong relasyon. Kaya hindi ako parating nakakauwi sa 'yo dahil kay Almeria ako umuuwi." Sagot niya.
"Tangina mo! Tangina mo, Cleo! Paano mo nagawa saakin 'to." Pilit ko siyang pinagsusuntok kahit na sobra na 'kong nanghihina sa kakaiyak.
"I'm sorry, Zoe..." Sabi niya while he his trying to calm mo.
"Tangina mo, Cleo. Paano mo nagawa..." Bulong ko sakaniya habang inaalalay nalang niya 'ko.
"Zoe... I'm sorry."
Nang maikalma ko ang sarili ko kaagad ko siyang hinawakan at tinignan. "Cleo, pwede pa naman tayo ulit magsimula, tatanggapin ko yung anak mo. Pero please, magsimula tayo ulit, kunwari walang Almeria na dumating sa'yo, please..." Pagmamakaawa ko sakaniya.
Tatanggapin ko siya at ang anak niya basta magsimula lang ulit kami. Tangina, hindi ko alam kung kaya ko bang wala si Cleo sa buhay ko.
"No, Zoe... Anak namin ni Almeria 'yon, at... siya Almeria na ang mahal ko. Hindi ko kayang hindi mabuo ang pamilya namin, Zoe. Lumaki akong walang kinilalang ama, at ayoko mangyari 'yon sa magiging anak namin ni Almeria."
"Hindi, sabi mo noon ako ang mahal mo, Cleo!" Paglalaban ko. Tangina.
"Noon 'yon, Zoe! Noon! hindi ngayon. Si Almeria na ang mahal ko, Zoe..." Naputol nanaman niya ang pagtitimpi niya saakin.
Tatalikuran na niya sana ako nang hilain ko ang kamay niya. "Cleo, pag usapan natin 'to. Parang awa mo na, hindi ko alam anong gagawin ko kapag wala ka. Pwede n'yo naman ipaalis 'yung bata sa tyan ni Almeria tapos pwede ka na bumalik saakin tapos magkakaanak na tayo. Iwan mo na si Almeria dahil ako naman ang mahal mo noon pa man."
"Tangina. Naririnig mo ba sarili mo, Zoella? Ipapa abort ko? malaki ka bang tanga para patayin ko ang anak ko? at hindi na kita mahal." Inalis niya ang kamay niyang hawak ko.
Umalis na rin siya. Iniwan na niya 'ko.
Sa sobrang pagod ko sa pag iisip at pag iyak hindi ko na nakatulog ako.
Isang linggo na simula noong iniwan ako ni Cleo. Sa bawat pag tawag ko sakaniya ay si Almeria ang sumasagot at pinagsasalitaan ako ng masasamang salita.
Sinasabi niya na hindi na raw ako babalikan ni Cleo kahit anong gawin kong pagmamakaawa at hindi rin ako pinayagan ni Mica umalis mag-isa sa apartment. Sabi noon ni Cleo, wala muna siyang plano magka anak dahil wala pa sa isip niya 'yon, pero dahil kay Almeria hindi niya natupad 'yon.
Si Mica ang kasama ko araw-araw simula noon hindi na niya 'ko iniwan, parati rin niya 'kong hinihintay makauwi galing sa skwela. Sobra ang galit niya kay Cleo dahil sa ginawang panloloko saakin. Hindi ko rin siya mapigilan dahil totoo naman na linoko ako ni Cleo.
Kahit na walang sawa kong binanggit ang pangalan ni Cleo, hindi niya 'ko iniwan. She help me talaga. Kahit na sobra na rin siyang nahihirapan ay hindi niya parin talaga ako iniwan.
YOU ARE READING
Loving You
RomanceA guitarist boy named Cleo Domenique is gonna love you or he gonna push you for his love for someone, dream and fashion?