Last Chapter
There's epilogue pa. Thank you for reading the whole story.
---
"Huh? bakit kuya?" Tanong ko sakaniya.
"Syempre kasal ng kaibigan ko, alangan iwan kita dito mag-isa?"
"Kuya, kaya ko naman..."
"Alam ko. Pero sasaglit lang naman tayo doon... mga isang linggo lang," Pangungulit ni kuya saakin.
"Pero kuya... natatakot ako... lalo na kaibigan din ni Loren si Cleo." Daretso kong sabi kay kuya.
Natatakot ako na baka makita ko rin siya doon lalo na kaibigan ni Loren si Cleo. Hindi malabong hindi ko siya makita. Ang malala ay baka makita ko rin ang babae doon kasama si Cleo.
Nag-iba ang tingin ni kuya."No. Hindi siya makakapit sa 'yo, Ella." Strict niyang sabi.
I nodded. I will trust Kuya Tristen.
A month passed, Kuya and I are preparing our bags. Uuwi kami ng Pilipinas ngayon.
"Kuya, may isang bag pa sa sala hindi ko kayang buhatin mag-isa." Sabi ko kay kuya nang nag-aayos siya ng mga maleta sa likod ng sasakyan.
"Okay. Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong niya.
Umiling nalang ako bilang sagot ko sakaniya.
Nang matapos si kuya sa pag-aayos ay kaagad na kaming bumyahe.
Our lips were shut until we reached Airport.
Nang makarating kami sa Airport ay naalala ko bigla ang kaibigan kong lalaki. Ang huli kong punta dito sa airport noong umuwi rin sila ng Pilipinas. Pwede rin siguro kaming magkita pero baka malayo ang sakanila.
"Are you good, Ella?" Kuya asked me.
I nodded.
"Let's go."
Sabay namin pinagulong ang mga maleta namin habang papasok sa airport.
"Welcome home, Zoe and Tenten!" Maligayang pagsalubong saamin ni Mica sa labas ng airport.
I hugged her.
"I miss you!" She hugged me too.
"I miss you more."
Bumitaw na siya ng yakap saakin at kay kuya naman siya yumakap ngayon.
Katapos ng eksena sa airport ay kaagad kaming nag byahe pauwi sa apartment dahil alas tres palang ng madaling araw dito.
Yes. Sa apartment kami ni kuya kung saan ako nakatira noon. Kahit na wala kami doon ay binabayaran parin ni kuya ang bahay para kapag umuuwi kami ay may tirahan parin kami na uuwian dito. May plano akong magpagawa ng bahay lalo na't may trabaho na rin naman ako.
Kauwi namin sa apartment ay kaagad kong tinulungan si kuya sa mga maleta at nagpaalam na sakanila na matutulog na ako. Nakakapagod.
Nang magising ako ay kaagad naman akong naglinis ng katawan dahil hindi ko na nagawa 'yon kaninang madaling araw sa pagod na naramdaman ko.
Katapos ko ay kaagad naman akong lumabas ng kwarto dahil naririnig ko na rin naman sila kuya at Mica.
Nakita ko silang naka upo sa sofa habang nanunuod sila ng series na bago. Tumabi ako sakanila para makinuod na rin.
Nang maalala kung bakit kami umuwi dito ay napatanong ako,“Kuya, ano nga pala ulit motif sa kasal?" tanong ko.
"Vintage." Si Mica ang sumagot.
YOU ARE READING
Loving You
RomanceA guitarist boy named Cleo Domenique is gonna love you or he gonna push you for his love for someone, dream and fashion?